Chapter 13

436 11 0
                                    

Chapter 13

Melvin PoV

Nasa loob ako ngayon ng bahay at nanonood kami ng TV ng biglang magpautos si mama na bumili sa convenient store ng isang tray ng itlog atsaka olive oil.

Magluluto kasi Ito ng cake na inorder ng customer niya at nakalimutan niya ata bumili.

"Hiramin mo nalang iyong motorcycle ng papa mo! Para makabalik Ka agad."

"Opo ma," saad ko at excited na umangkas ng motor hindi kasi ako nito pinapayagan mag maneho ng motor dahil baka raw maaksidenti ako.

Pinaandar ko na ang motor at huminto ako sa isang convenient store at pumasok sa loob habang naghahanap ako ng olive oil may nakabangga ako dahilan para matumba ako sa sahig.

"Are you okay?" Saad nito saakin.

"Lakas ba naman pagkakabangga natin siyempre hindi!" Tumayo ako at pinagpagan iyong pants ko at napatingin sa bumangga saakin nagulat kasi ang puti at makinis ang balat katulad ni Augusto.

Guwapo din Ito at matangkad napatingala tuloy ako sa height ng lalaking nakabangga ko.

"Sa susunod mag ingat ka at Baka may masagupa kang di mabait at masigawan ka. Ang laki pa naman ng katawan mo."

"I'm really sorry. Are you injured or something?"

"Okay na ako. Nagmamadali ako." Saad ko at dinala iyong pinamili ko.

"380 po lahat sir." Saad saakin nong cashier dudukot pa sana ako sa buksa ng may nag abot ng black card sa gilid ko.

"I'll pay for him." Ngumiti Ito saakin at kunot noong tinignan ko siya.

"Thank you sir!" Halatang kinilig si ateng cashier sa lalaking nakabangga ko.

"Salamat." Saad ko at aalis na sana pero hinawakan nito ang kamay ko.

"Can I have your number you seems to live near here maybe you could help me."

"Sorry pre pero pass ako. Iba nalang hingan mo, si ateng cashier willing ata ka tulungan."

"Forget it." Umangkas na ako ng motor ko at pagdating ko ng bahay eh napagalitan pa ako dahil tagal ko raw bumalik.

"Eh may nakabangga ako ma—"

"ANO! MAY NAKABANGGA KA."

"Ma kalma, ibig ko sabihin may nakabangga akong tao namili sa store tas kinausap na ako tas siya na nagbayad nito kaya natagalan ako."

"Ah... Ganon ba. Oh Siya pagkatapos mi kumain hugasan mo iyong pinagkainan natin tas matulog kana din."

"Masusunod po." Pagkatapos non ay pumasok na ako sa silid ko at napansin kong tumunog ata phone ko. Pagtingin ko unknown number kaya sinagot kona.

"Hello?" Saad ko sa kabilang linya pero di Ito nagsalita kaya pinatay kona. Pero tumawag ulit. P*ste Baka si Nicolo na naman itong nag pra prank sakanya.

"Hello! Ikaw ba Ito Nicolo! Huwag mo ako pinagloloko kukutusan kitang anim*al Ka—"

"It's me Melvin..." Napatigil ako ng marinig ang boses ni Augusto pero nagtaka ako dahil paano niya nalaman iyong number ko.

"Bakit ka napatawag?" Malamig na saad ko rito at rinig ko pa ang buntong hininga nito.

"I'll admit it's my fault and I'm sorry for that, I just want to be a good friends with you."

"Huwag mona ulit gagawin iyon dahil kapag ginawa mo pa iyon talaga di na kita kakaibiganin." Bigla agad napalitan ng saya iyong boses niya.

"Oh thanks! I promise that I won't do anything that makes you upset."

"Oh dahil bati na tayo goodnight na. Matutulog pa ako."

"Sleep well, I see you tomorrow." Pinatay ko na iyong phone ko at napahikab ako sa sobrang antok at ipinikit ang mata ko.

Kinabukasan ay papasok na sana ako sa school ng may kumalabit saakin.

"Hey you! We meet again..." Nanlaki ang mata ko ng makita si boy bangga sa harap ko. Napatingin ako sa uniform at confirm na estudyante sa school namin.

"I'm glad that you're at the same school as me."

"Dito ka nag-aaral?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Well good luck." Saad ko at aalis na sana pero pinigilan niya ako.

"Wait! Can you help me to find my classroom." Napatingin ako sa papel niya at nasa section Siya ni Augusto.

"Diretso kalang don sa hallway tas may makikita Ka dong puting kurtina iyon na classroom mo."

"Thank you! So what's your name?"

"Melvin." Maikling saad ko at nagulat ako dahil niyakap ako nito.

"Thank you Melvin. You're my saviour." Tumakbo na Ito palayo at di na ako nakaimik pa pero nagulat ako ng makita nasa gilid ko si Nicolo.

"Lapitin ka talaga ng mga pogi Melvin hindi ata sa babae ang suwerte mo nasa lalaki." Tawa nito pero binatukan ko lang ang hay"*p na to.

"Tigilan mo ako Nicolo at baka magsuntukan tayo rito ng maaga."

"Ito naman di mabiro eh!" Pumasok na kami sa room pero may kakaiba akong nararamdaman kanina parang may nakatingin saamin na hindi ko maipaliwanag.

Author's note;
Who's that?

Stalking the Psycho (BL story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon