Chapter 30

453 9 0
                                    

Chapter 29

Third person PoV

Galit na galit si Augusto na sinalubong ang dalawang kaibigan ni Melvin at kinuwelyuhan nito si Rance.

"Why don't you f**king leave us huh!" Agad naman pumagitna si Nicolo para ipaghiwalay ang dalawa pero tinulak siya ni Augusto na siya naman ikinagalit ni Rance.

Pero susugod sana si Rance kay Augusto ng hawakan ni Nicolo ang paa nito para pigilan kaya wala nagawa si Rance at inalalayan na lamang makatayo si Nicolo.

"Alam kong may mali sa kinikilos ni Melvin, Augusto at aalamin ko iyon dahil oras na malaman kong may ginawa kang masama sakanya sisiguraduhin kong Hindi kana makakalapit sakanya dahil alo mismo makakalaban mo."

Tumawa lang si Augusto sa pagbabanta nito dahil di hamak na makapangyarihan siya rito.

"Ano nga ba sadiya mo kay Melvin? Hindi ba't pumunta ka rito para alamin ang kahinaan ko? Huwag ka magmaangan dito dahil alam kong gusto mong gamitin si Melvin saakin!"

Nanlaki ang mata ni Nicolo sa sinabi ni Augusto at wala sa kaalaman niya na magkakilala sila.

"Tanggapin mo na ang lahat na hindi mo ako malalamangan kung kaya't sarili mong ama gusto kang—"

"TUMAHIMIK KA!" Lumapit si Augusto kay Rance at ngumisi sabay tapik nito ng balikat niya.

"Huwag ka mag alalala magpapatalo ako sayo kapag magpakalayo layo ka saamin ni Melvin." Naikuyom nito ang kamao ng umalis si Augusto.

Naiwan sila ni Nicolo at nakatingin Ito sakanya ng puno ng pagkadismaya. Hinabol niya Ito para magpaliwanag pero natigil siya sa seryosong ekspresyon nito.

Ngayon niya lang nakita ganon Ka seryoso si Nicolo at nakaka intimidated ang uri ng tingin na parang manliliit ka sarili mo.

"Hindi ganon Nicolo—"

"Huwag kana ulit lalapit saamin ni Melvin." May halong pagbabanta sa boses nito.

Nagpunta silang dalawa ni Nicolo rito dahil para samahan siya sa paghanap ng magandang condominium at dahil magkaibigan sila ay niyaya niya itong samahan siya at pumayag naman Ito.

At sa buwan na pagkakaibigan nila ay talagang masayang kasama si Nicolo dahil bukod sa nagpapatawa Ito ay magaling din itong magbigay ng advice sakanya.

Pero ngayon na nasira na ang lahat sa isang iglap dahil sa sikretong binunyag ni Augusto ay nalagay lang iyon sa wala.

Umuwi siyang nanlumo at iniisip kong paano siya makipag ayos rito dahil mukhang galit na galit si Nicolo dahil sa nalaman nito.

Nang makapasok sa loob si Augusto ay agad siya lumapit rito at tinanong ang kaibigan niya pero hindi siya nito sinagot at bagkus ay hindi siya nito pinansin.

"Augusto asan nasi Nicolo at Rance? Anong ginawa mo sa kanila—"

"CAN YOU SH*T UP! I DON'T WANT YOU TO TALK ABOUT THEM IN FRONT OF ME!!" Napatigil siya sa pagsigaw nito.

"Hanggang kailan kaba magiging ganito Augusto? Napaka praning mo sa maliit bagay—"

"Praning na kong praning wala akong pakialam! Hindi ako papayag na makakalapit sa dalawang iyon dahil kapag oras na nakita kita nakipag usap Lang sakanila..... Makikita mo Melvin! Hindi mo kakayanin kapag nagalit ako sayo." May halong pagbabanta sa boses nito.

"Ayoko na pag usapan ito!" Iniwan ako nitong tulala at naiinis na ako dahil sa kinikilos niya. Sobrang nakakasakal na pinanggagawa niya saakin di ba siya napapagod?

Author's note:
🤗

Stalking the Psycho (BL story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon