Chapter 1

554 24 35
                                    

SELENE’S POV

"CAPTAIN, maaga practice natin bukas sabi ni coach,” wika ni Max, isa sa miyembro ng basketball team, bago nito tinapik ang braso ng lalaking kausap niya. Kilala ko 'tong si Max dahil isa siya sa magagaling maglaro sa basketball team. “Alis na kami."

"Sige, ingat,” maikling sagot lang nito bago ito kumaway nang bahagya sa mga kaibigan niyang naglalakad na palayo sa kan’ya.

Pagkatapos umalis ng mga kaibigan niya ay nagpatuloy na siya sa ginagawa niya… ang pagpipinta.

Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kan’ya habang nagpipinta siya rito sa park sa loob lang din ng school namin. Ang sosyal, hindi ba? May park sa loob ng school. Kung tutuusin ay medyo bigatin din kasi talaga itong school namin. Kaya nga ay dito nag-aaral ang ilan sa mga anak ng mga mayayaman dito sa Pilipinas.

Pero, hay. Ang guwapo niya kasi talaga kaya hindi ko maalis ang tingin ko sa kan’ya kahit na nagmumukha na akong abnormal dito, eh! Kaysa alisin ko ang tingin ko, mas lalo lang akong natutulala sa kan'ya habang nakikita ko ang saya niya habang isinasawsaw sa water color— kung water color nga ba ang tawag doon, hindi ko kasi alam eh— 'yong paint brush na hawak niya.

Ang guwapo niya lang talaga habang ginagawa niya 'yon, tapos ang seryoso pa ng mukha niya habang nagpipinta.

Sa sobrang seryoso ng mukha niya ngayon, kitang-kita ko kung gaano siya kaseryoso sa ipinipinta niya.

Sana ay ako na lang 'yong ipinipinta niya, ano? Kung ako talaga 'yan, magpapagawa ako ng museum para lang ma-display niya ang painting niya! Totoo 'yon, ano! Talagang magpapagawa ako ng sariling building para lang sa kan’ya! Siyempre naman, ganoon ako kahanga at ka-proud sa kan'ya, eh, at kahit naman hindi ako ang ipinipinta niya, mananatili akong proud sa kan'ya.

Hay, kapag nga naman patay na patay ka sa isang tao, talagang magiging guwapo siya sa paningin mo kahit na hindi naman siya guwapo, but in my case, guwapo talaga siya, okay? Guwapo ang crush ko dahil hindi naman ako nagkaka-crush sa pangit. Real talk 'yon, ha? Real talk!

Para sa akin, guwapo siya kahit na suminghot man siya ng rugby, pumatay man siya ng palaka, o magsuot ng bahag habang nag-aalien dance. Ay basta, guwapo siya. May kamukha nga siya, eh. ‘Yong future husband ko.

Walang aangal. Period.

Sinubukan kong lumapit nang kaunti mula sa pinagtataguan ko pero hindi ko makita kung ano 'yong ipinipinta niya. Gusto ko man lumapit nang sobra pero hindi puwede kasi mahahalata na niya ako kapag lumapit pa ako nang husto sa kan’ya.

Pero isa lang ang sigurado ako. Maganda ang pinipinta niya. Aba, siyempre naman, ‘no! Basta siya ang nagpinta, siguradong maganda!

Hindi ko talaga maiwasang hindi humanga habang tinititigan ko siya. 'Yong paraan ng pagpinta niya, ‘yong pag-stroke niya roon sa dina-drawing niya, para siyang isang professional painter. Magiging magaling na painter siya sa future at maraming bibili ng paintings niya. Sigurado ako roon. Itataga ko iyon sa abs niya na sigurado akong mayroon.

Tapos, ang guwapo niya pa lalo na kapag nagseseryoso na siya.

Sa bagay, kailan ba siya hindi naging guwapo sa paningin ko? Saka, ilang beses ko na bang binabanggit na napakaguwapong nilalang niya?

"Grabe, ang guwapo niya talaga," pagda-daydream ko na naman sa kan’ya habang pinapanood ko siya mula sa malayo.

Sa lalaking nagpipinta ngayon habang nakaupo sa bench ng school namin.

Sa lalaking hinahangaan ko na nang mahigit dalawang taon.

Sa pinakaguwapo at pinakamisteryosong nilalang na nakilala ko.

"Kent," banggit ko sa pangalan niya.

'Yong pagbanggit ko sa pangalan niya ay with feelings. At siyempre, ako lang, the one and only Selene Perez, ang may kaya noon. Kasi I'm unique at walang ibang may kaya na mahalin siya tulad ng pagmamahal ko. Boom, panis!

Ang lalaking tinitingnan ko ngayon na parang isang manok ay walang iba kung hindi si Kent Fujimoto. Half-filipino, half-japanese, at ang half ng puso niya ay para lang sa akin dahil ipinanganak kami para sa isa’t-isa, charot. Teka, ano’ng half-half na naman ang sinasabi ko rito? Parang manananggal lang, ah?

Naaalala ko noong una kong nakilala si Kent nang mag-transfer siya sa school namin. Muntik pa akong ma-bash ng fans niya noon na hindi ko naman alam na mayroon pala dahil siya ang captain ng basketball team, at hindi lang iyon, ang guwapo niya pa kahit na mukha siyang cold at masungit.

[FLASHBACK ]

“Si Kent, guys! Nandito na si Kent sa school natin!”

“Hindi ako makapaniwala! Is this a dream come true?!”

“Is this a dream come true?” pabulong na panggagaya ko sa kanila habang nagdududutdot ako ng kung ano rito sa cellphone ko. “Ang aarte, kaloka,” dagdag ko pang sambit bago ko ibinalik ang atensiyon ko sa phone ko.

Ang totoo niyan ay naghahanap ako ng oorder-in na pagkain. Nakakagutom kasi pero ayaw ko na ng mga pagkain namin dito sa canteen at nauumay na ako. Hindi rin naman ako nakapagbaon dahil sa dahilan na tinamad akong magluto. Kaya order na lang!

“Kent, oh my gosh! Pansinin mo naman ako!”

“Kent, lumingon ka naman dito, oh!”

“Kent, anakan mo ako!”

Dahil doon sa huling nagsalita ay napakunot ang noo ko. “Ano’ng kalandian ‘yon? Ang babata pa! Kurutin ko kaya sila sa singit?” bulong ko habang nakatanaw ako sa bintana namin sa labas. Katabi ko kasi ang bintana kaya naman ay dito na lang ako sumilip para naman makita ko kung sino ba ‘yong kinahuhumalingan nila sa labas. “Sino ba ‘yang Kent na ‘yan?”

Saktong pagkasabi ko no’n ay biglang tumigil sa harap ko ‘yong Kent, at huwaw, hindi ko alam kung tama ba ang word na mersmerize para i-describe ang nararamdaman ko ngayon. Itim na buhok na medyo gulo-gulo, maputi at makinis na balat na mukhang mas makinis pa sa buong buhay ko, pilikmata na pak na pak sa haba, matangos na ilong, at labi na parang kay sarap halikan-

“Kent Fujimoto, ano ang masasabi mo sa paglipat mo ngayon dito sa school na ito? Hindi ba nagalit ang mga kasamahan mo sa basketball doon sa dating school mo?”

Napatigil tuloy ako sa pag-iisip nang biglang may sumulpot na parang mga miyembro ng broadcasting club sa harapan niya. Pero, ano raw?

“Ajinomoto?” Kasabay ng pagkakasabi ko no’n ay ang pagkulo ng tiyan ko… at doon ko na lang din napansin na masama na pala ang tingin sa akin ng lahat ng tao ngayon.

At kasama na roon si Kent na nakatingin lang sa akin ngayon.

[END OF FLASHBACK]

[Note: This only contains preview chapters. You can read the rest of the chapters on Novelah, Finovel, and StoryOn. Thank you!]

She's The Lovely Angel [COMPLETED/PREVIEW ONLY]Where stories live. Discover now