Special Chapter-Wonho Kriston

29.7K 1K 49
                                    

Chapter Song: Rainy Days by ToppDogg





"Wonho may bibilhin ka sa labas diba? May ipapabili din ako," saad ni Shownu.

Tinanggap ko ang pera na inabot nya. Sana may sukli pa to.

"I.M samahan mo ko sa labas," nilapitan ko ang naglalarong si I.M.

"Mamaya na. Matatalo ko na si Jooheon dito," hindi nya ako tiningnan. Tch.


"In your dreams dude," tumawa na parang halimaw ang katabi nyang si Jooheon.



Mga ungas naglalaro lang. Makaalis na nga.

"Saan ba ang punta mo Wonho?," tanong ng kalalabas na si Mozy. Tinitigan ko sya. Ang simple nyang tingnan sa suot nya pero ang lakas ng dating nya

"Ah. Sa labas ng academy. May bibilhin akong parts ng bike ko," sagot ko. Tumango sya.


"Pwedeng sumama?," she asked.

"Sure," sagot ko. Bakit hindi diba?


"Sasama din ako. I need to buy some catfood," napatingin ako kay Hyungwon.

Tch. Naiisip ko talagang binabakuran nya si Mozy. Ang bilis makaisip ng dahilan para sumama e. Dinahilan pa ang pagkain ng pusa nya.Wala na ngang Kihyun may pumalit namang Hyungwon. Halatang gusto nya si Mozy.


"O sha tara na at baka abutan tayo ng ulan!," sabi ko at nilabas na ang bmx ni Minhyuk na hiniram ko. Sira ang bmx ko.

Sumunod sakin ang dalawa. Pinanood ko ang pag-angkas ni Mozy sa bmx ni Hyungwon. Nagsimula akong mag pedal palabas ng academy. Pinagbuksan kami ng guard. Nauna akong magpedal sakanila. Ang sama kasi ng panahon. Ayokong maabutan ng ulan.


"Hoy Hyungwon! Bilisan mo ang pagpedal!," nilingon ko sila. Napailing ako at binalik ang tingin sa daan at baka mamatay ako ng wala sa oras.


Nauna kaming pumunta sa All-In Shop. Kailangan ko ng bagong gulong at iba pa. Pati rin pala yung inuutos ni Shownu.


"Sino yang kasama ni Hyungwon?," nakichismis pa tong si Lawrence (may-ari ng shop.) Nakatingin sya kina Mozy na nasa labas.


"Wala ka na dun," sagot ko. Tinawanan nya ako.

"To naman Wonho. Nakikibalita lang. Rinig ko kasi na nagbalik na kayo," aniya.


"Huli ka na sa balita," sagot ko. Muli syang tumawa.


"Discount ulit Lawrence ha. Tag-gipit ngayon e," ngiti ko. Minura nya ako. Salamat sa mura Lawrence.

Pagkabayad ko sakanya ay binigay nya ang mga pinamili ko.


"Salamat sa discount! Haha," lumabas na ako ng All-In Shop. Galing ko talaga tumawad.


Tiningnan ko ang dalawa.

"O,tara na sa petshop ni Delilah!," saad ko. Pinsan ni Hyungwon si Delilah pero hindi kami close nun. She hates me.

Nagpedal ulit kami, malapit lang naman ang petshop ni Delilah sa All-In Shop kaya madali kaming napunta dun.

Iniwan namin sa labas ang bmx saka punmasok sa loob. Bumungad samin ang pagtahol ng aso. Mukhang ako pa ang tinatahulan nito. Pati aso mukhang pinagsabihan ni Delilah na magalit sakin.


"Mozy!," napunta ang tingin ko sa maingay na si Delilah. Ang ingay nya parin hanggang ngayon. Kelan ba nagbago ang babaeng to Wonho.

"O. Andito ka rin," bakit parang masama ang tingin ni Delilah sakin? Parang gusto nyang baliin ang mga buto ko at ipakain sa mga alaga nyang aso dito.

Hindi parin ba sya nakakamove on sa nagawa ko sakanya nung mga bata kami? Tagal na nun e.

"Yeah. I'm here," bored kong saad. Inalis nya ang tingin sakin at binalik kay Mozy. Magkakilala na pala sila. Mukhang nadala na ata ni Hyungwon dito si Mozy.

"Catfood please," sabi ni Hyungwon. Lumapit sya kay Delilah.

Inalis ko ang tingin sakanila at pinasadahan ang loob ng petshop. Ang daming hayop at ang ingay nila. Kasing ingay nila ang may-ari dito.

Lumapit ako sa mga Hamster. Parang si Hyungwon yung isa dahil nahilik ata sa sobrang tulog. Yung isa naman parang si Minhyuk. Yung isang natakbo si Jooheon.

"Ang cute cute!," tinabihan pala ako ni Mozy. Naturo nya yung natutulog na Hamster na sabi ko ay si Hyungwon.

"Parang ikaw Wonho o," natatawa nyang saad at tinuturo yung Hamster na kinakamot ang mukha nya.

Mukhang compliment ang dating nun sakin a.

"Let's go," lumingon kami kay Hyungwon.

Nagpaalam si Delilah sa dalawa maliban sakin. Okay lang naman. Hindi big deal sakin na hindi nya ako pansinin.

"Huwag ka ng bumalik dito," paalam nya.

"Hanggang sa muli Delilah," kinindatan ko sya at nanliit ang mga mata nya sakin. Ang sarap nya paring asarin.



Lumabas kami ng tuluyan at umalis rin dun. Habang pabalik kami sa academy ay nagsimulang umambon. Nah.

"Tigil muna tayo. Magkakasakit tayo sa ulan," saad ko nang lumakas ang ambon.

Tumigil nga kami sa isang 7/11. Iniwan namin sa labas ang mga bmx saka pumasok sa loob. Gusto ko ng kape. Ang lamig. Lumapit sakin si Mozy at sabing gusto nya ng hot choco kaya nilibre ko sya. (May sukli pa ang binigay ni Shownu e.)

Naupo kami sa isang bakanteng pwesto sa labas matapos yun. (Dahil aircon sa loob, mas malamig.)

Magkaharap ako sa dalawa. Kumakain ng Clubhouse Sandwhich si Hyungwon habang si Mozy ay nakatingin sa hot choco nya. Sumimsim ako ng kape ko.

"Saan mo ko naaalala Wonho?," gulat kong tiningnan si Mozy (kahit na nakatingin naman na ako sakanya.)

Tinutukoy nya yung sinabi ko nung isang gabi. (Nung party.) Na pamilyar sya sakin.

"Hmmm...hindi ako sure. Parang nagkita na tayo nung mga bata pa tayo. May bata kasi akong naalala na napunta sa bahay namin," sagot ko. Inisip ko ng maigi ang mukha nung bata. Medyo kamukha ni Mozy.

"Kung sana naaalala ko ang lahat," sabi nya.

"Hayaan mo na yun. Kung tama nga ang mga hinala namin ay malalaman din natin, tiwala lang," sagot ko saka sumimsim ulit.

Mas lalo siguro syang napaisip nang sabihin din ni Kihyun na pamilyar sya sakanya. Tiningnan ko ang walang kibo na si Hyungwon. Feel na feel nya ang pagkain.

Napatingin naman ako sa pagbuhos ng malakas na ulan. Ang totoo, gusto ko naman talaga ang ulan, kung hindi kasi dahil sa ulan ay hindi ko makikilala ang batang tinutukoy ko na maaaring si Mozy o hindi.

×××

UPDATED ❤

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now