18: Fever

37.8K 1.3K 84
                                    

Chapter Song: Because of U by Monsta X


Matapos kong makapagbihis ng pantulog ay lumabas na ako sa banyo. Naabutan ko naman si Cindy na nahiga sa pangalawang kama at malapad ang ngiti nya na nakatuon ang atensyon sa cellphone nya. Katext nya siguro si Jooheon kaya ganyan na lang ang mga ngiti sa labi nya.


Mabuti lang talaga at hindi nya nakita si Hyungwon.

Pinasadahan naman nya ako ng tingin nang mahiga na ako sa kama.

"Queen,"

"Hmm?,"

Tiningnan ko sya.

"Okay lang ba na tanungin kita tungkol sa picture na yun?," nag-aalinlangan ang tono ng boses nya.


"It's okay. Hindi rin naman totoo yun," tinanguan nya ako.

"Wala ba talagang kayo ni Hyungwon?." umiling ako.

"Wala. As in wala," muli syang tumango.

"Pasensya na at ang dami kong tanong sayo, nalilito kasi ako," kumunot ang noo ko sa tanong nya.

"Nalilito?," binalik ko ang tanong.

"Yeah. Napapansin ko kasi na parang merong ano sainyo ni Hyungwon pero naisip ko naman na nililigawan ka ni Kihyun kaya imposibleng meron," napakagat sya ng labi nya nang magtama ang mga tingin namin.

"Ah. Nevermind me Queen. Naiirita ka na siguro sakin," umiling ako.

"Hindi no, gusto ko nga na may kaibigan akong babae dahil nakakapagkwentuhan ng ganito," napabangon sya matapos kong sabihin iyon.

"Kaibigan? As in Queen! Friends na tayo!?," natawa ako sa reaskyon nya.

"Oo naman. Girlfriend ka ni Jooheon tsaka mabait ka sakin kaya bakit hindi," tumalon-talon sya dahil sa tuwa?


"Omg! Friend kami ng Queen!," natatawa lang talaga ako sa reaksyon ni Cindy ngayon. Masaya din ako dahil may kaibigan na akong babae. Hindi kasi ako palakaibigan na tao kaya bilang lang talaga ang mga kilala at tinuturing kong kaibigan.


"Ah. Cindy, alam mo ba ang Bro Code?,"natigilan sya sa pagsasaya saka nag-isip. Nalabas lang kasi sa bibig ko ang tungkol sa sinabing iyon ni Minhyuk.

"Bro Code? You mean, Bro Code ng Monsta X Clan?," tumango ako.

"Hmm...sa pagkakaalam ko, kapag may gusto ang isa sakanila ay susuportahan nila ito 100%. Ganun kasi ang ginawa sakin, parang nilagawan din ako ng anim sakanila. Tapos kapag nagkagusto sila sa iisang babae, dapat irespeto nila ang magiging desisyon ng nagugustuhan nila. Bakit mo nga pala natanong Queen?,"


Mabilis akong nag-isip ng isasagot.


"Wala, nasabi lang ni Minhyuk kaya natanong ko," I honestly said. Mukhang mapagkakatiwalaan naman si Cindy sa mga ganitong usapan.

"Hmm..ganun ba, anyway, kelan mo nga pala sasagutin si Kihyun? Dapat hindi mo na pinapatagal ang panliligaw nya sayo! Mabait naman si Kihyun at sigurado akong gusto ka talaga nya, kung alam mo lang talaga Queen na ikaw lang ang mukambibig ni Kihyun kapag kami ang kasama nya," binigyan nya ako ng nanunuyang tingin.




"Sa totoo lang, kailangan ko pang kausapin ang dad ko tungkol dito, baka atakihin sa puso yun kapag nalaman na may boyfriend na ako," sagot ko. Hindi ko pa talaga pwedeng ibigay ang sagot ko dahil kay dad.



MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now