24: Let's Go Up

34.6K 1.2K 128
                                    


Chapter Song: Airplane by f(x)

Kararating ko lang sa kwarto nang maabutan ko ang nakaupong si Miesza sa kama ko. Err. Mukhang mali ata ang kamang inupuan nya o baka naman hinihintay nya talaga ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil wala naman akong balak na kausapin sya. Ang dami kong gagawin ngayon. Exam is fast approaching.

Pumunta ako sa closet para magbihis nang marinig ko ang pagtawag nya sakin. Isang malaking 'hoy' ang tinawag nya sakin.

Another set of discussion na naman ba ito?

"Stay away from him,"

Natigilan ako. Ano daw?

"Anong sinasabi mo?," takang tanong ko.

Tumayo sya at humalukipkip na tiningnan ako.

Ang sama na naman ng tingin nya sakin. For Pete's sake. Wala akong ginagawa sayo Miesza.

"Alam mo ang sinasabi ko Mozy," mataray nyang saad.

Sa totoo lang, wala talaga akong ideya sa sinasabi nya.

"Tungkol saan ba to?," walang ganang kong tanong. Napagod kasi ang utak ko sa Statistics namin. Ang hirap. May assignment kami at may quiz bukas kaya irereserve ko tong energy ko para sa pag-aaral mamaya. Pero kailangan ko munang tapusin ang tungkol dito.

"Hindi tungkol saan kundi tungkol kanino," she answered.

Bumuntong hininga ako.

"Si Minhyuk ba ang tinutukoy mo?," hula ko. Wala akong maisip na 'sino' na tinutukoy nya bukod kay Minhyuk.

"Matalino ka naman pala," muli akong bumuntong hininga.

"What about him?," tanong ko na naman. Hindi ko kasi alam ang pinupunto nya.

She took two steps towards me.

"Stay away from him. I saw you, nilalandi mo sya," walang gana ko syang tiningnan. Saan na naman nya kaya nakuha ang binibintang nya. Okay. She saw you daw Mozy. Sira ata ang mata ni Miesza.

"Hindi ko sya nilalandi, we're friends," diin ko.

Hindi sya kumbinsido at wala na talaga akong magagawa sa bagay na yun. Utak nya kasi yan.

"Friends? Talaga lang ha. Alam mo Mozy, wala naman akong pakialam kung lumandi ka sa boys. I don't care if you're dating Kihyun yet you're flirting with Hyungwon because it's not my business anyway. Pero kapag si Minhyuk na ang pinag-uusapan, hindi ako papayag na isali mo sya sa koleksyon mo," napaawang ang bibig ko.

Ganun talaga ang tingin nya sakin? Kelan ko pa nilandi ang Sleeping Pills na yun? Paglalandi na bang matatawag ang pakikipag-usap ngayon? Kung ganun, edi malandi tayong lahat? Hindi ko talaga alam kung maiinis o matatawa ako sa pagseselos ni Miesza sakin.

"Teka nga, una sa lahat pagod ako ngayon. Pangalawa, hindi ko nilalandi si Hyungwon at pangatlo magkaibigan lang kami ni Minhyuk. Kuha mo?," malumanay kong saad.

Infact nga, tinutulungan ko pa ang babaeng to para maging maayos sila ni Minhyuk.

"Alam ko ang mga kauri mo Mozy. Kunyari mabait at painosente sa mga bagay pero sila yung mga delikado at may mga mababahong sekretong tinatago," grabe talaga tong si Miesza.

Sasabihin ko sanang 'tinutukoy mo ba ang sarili mo?' pero hindi ko na ginawa dahil hahaba ang usapan namin to na wala namang katotohanan. Hindi ko naman nilalandi si Minhyuk.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now