CHAPTER 30 : WITHOUT ME

28.9K 976 356
                                    

#SAT9S



DEDICATED TO : ALANA GIANNE MARIÑAS



CHAPTER 30 : WITHOUT ME



"Are you sure?" Tanong sa akin ni Kuya. May pag-aalala sa kanyang mukha. Bahagya akong ngumiti para matanggal ang pag-aalinlangan niya.


"Sa flight ko lang naman makakasabay si Shinn kaya wala kang dapat ipag-alala. Si Kuya Ryan naman ang susundo sa akin pagdating ng New York."


"That's not what I meant." Nagbuntong hininga si Kuya Rex at humalukipkip sa harap ko. "What about Ren? Ang alam niya nandito ka lang. Pabalik-balik siya rito. Ano bang pinag-awayan niyo? Ayoko makisawsaw pero mukhang malala na 'tong nangyayari sa inyo."


Umiwas ako ng tingin kay Kuya. Tinignan ko ang isang malaking bagahe na dadalhin ko sa New York. Kararating ko lang rito pero aalis na naman ako. Napagtanto kong hindi ako matatahimik kung nasa malapit lang siya. Gusto ko ng sapat na oras at distansya. Paano ko makukuha 'yon kung palagi siyang nag-a-attempt na mag-usap kami?


Tumatabang ang pakiramdam ko pag naiisip ko siya, Hindi ko siya gustong makita dahil tiyak na magkakasakitan kaming dalawa. Kung hindi man sa salita ay baka masaktan ko siya ng literal. Hangga't maaari ay 'yon ang iniiwasan ko.


Nang magkausap kami ni Shinn tungkol sa pagpunta sa New York ay napakarami naming napag-usapan at humantong pa sa awayan.


"Sasama ka na talaga?" Mapaglaro ang mga mata niyang nakatunghay sa akin. Tila mahirap mapagkatiwalaan dahil maloko ang una kong naisip sa kanya.


"Kilala mo ang bestfriend ko?"


Kumunot ang kanyang noo. "Who?"


"Annielle Martin."


Tumaas ang kanyang kilay. "So, nagsasabi ng totoo si Rex? Bestfriend mo nga siya?"


"Sagutin mo na lang kaya ang tanong ko?" Asik ko sa kanya.


"Chill." Marahan siyang tumawa. "Her boyfriend is one of my closest friends. Namukhaan ko siya sa isa sa portraits na nakadisplay sa sala niyo. Sa Stanford siya nag-aaral, di ba? We own a branch of hospital in California. Isa siya sa mga nakuha naming OJT."


"Magkakilala kayo?"


Umiling si Shinn. "Ako lang ang nakakakilala sa kanya. Sa ngayon." Ngumisi siya sa akin. "Isa pa, Martins negotiates with us. Same line of business ang tinatapakan ng mga pamilya namin. Mas marami nga lang ang amin."


Napairap ako. Kailangan pa talagang idikit ang kayabangan niya.


"I know where she stays." Segunda pa niya.


"Stalker ka ba ng bestfriend?"

Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon