CHAPTER 34 : GRADUATION

28.4K 1K 884
                                    

#SAT9S



DEDICATED TO : LILY ABUBACAR



CHAPTER 34 : GRADUATION


I'm sure it's her. I've seen her once but it was enough for me to recognize the girl who was the main reason of my break up with Ren. Sandali akong napatitig sa mga bulaklak na dala ni Ren at kahit wala na akong karapatan ay napuno ng katanungan ang aking isipan.


Are they together?


Nang magtama ang paningin namin ni Ren ay natigilan siya. Napatitig ang dalawang bagong dating sa akin. Naka-uniform pa rin si Ren. Mas lumaki ang pangangatawan niya at halos humapit na sa kanya ang suot niyang uniform. Si Georgia ay naka-civilian pero may ID lace ng dating university na pinasukan ko. I'm certain that it's not for students, though. Naramdaman ko naman ang paggapang ng kamay ni Coby sa kamay ko upang hawakan 'yon ng mahigpit.


"Hijo." Tawag ni Tito Loren sa kanyang anak. Do'n lang naputol ang pagtititigan namin nang bumaling siya sa kanyang ama. Tumikhim ako kasabay ng pag-iwas ng tingin. Bumaling na lang din ako kay Tito Loren.


"May bisita ka pala, Dad." Sa unang pagkakataon matapos naming maghiwalay sa New Zealand ay narinig kong muli ang boses niya. Mas naging buo ang kanyang boses ngunit nahimigan ko ang tabang sa kanyang pasasalita. "Mamaya na lang kami ni George."


Humigpit ang pagkakahawak ni Coby sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Matiim siyang nakatitig kay Ren. Marahan kong pinisil pabalik ang kanyang kamay at nginitian na lang siya.


"No, hijo. May kailangan tayong pag-usupan. Umupo na muna kayo ni George." Tinignan ni Tito Loren si George at ngumiti rito.


Alanganing ngumiti si George sa Daddy ni Ren. "Hi po."


Tumango si Tito. "Galing ba kayong school?"


"Yes." Simpleng sagot ni Ren pagtapos ay hinila na si Georgia sa katapat naming settee.


Napansin ko ang matagal na pagtitig sa akin ni Georgia kaya hindi ko maiwasang tignan rin siya pabalik. Walang emosyon ang kanyang mukha. Nagtataka ako sa klase ng tingin na pinupukol niya sa akin.


Kilala niya ba ako?


Nang bumaba ang tingin ko sa kamay nilang magkahawak ay napabuntong hininga na lang ako.


"Hindi ko pa nasasabi sayo ang tungkol sa pag-uusapan natin ngayon pero tungkol ito sa institute na binili natin, Ren."


"What about it, Pa?" Tanong ni Ren sa kanyang Daddy pagtapos ay napabuntong hininga. "I'm sorry. Naalala kong inutusan mo akong pumili ng firm. I'm working on it. Busy lang ako ngayon."


"No need, Ren." Ngumiti si Tito sa kanyang anak at binalingan ako. "Rhea will work with us."

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now