KABANATA VI

1.9K 63 0
                                    

ATASHA'S POV

Nanatili lang naman kaming tahimik sa biyahe hanggang sa tuluyan na niyang ipark ang sasakyan niya sa parking lot ng isang italian restaurant na siyang paborito ko ng puntahan noon pa man.

Pero sa palagay ko ay matagl tagal na rin mula noong huling beses na kumain ako rito dahil sa dami na ng nagbago, magmula sa disensyo ng lugar at ayos ng paligid n ito. Naging mas maganda na siyang tignan ngayon kumpara noon.

"Dami na palang nagbago rito" Usap ko na lang ng pagbuksan na ako ni Mitridates ng pinto.

"Hmm, matagal ng ganyan yan" Simpleng sagot niya at nag una ng maglakad.

"Alam mo bang favorite restaurant ko to" Usap ko pa sa kaniya ng habulin ko na siya.

"Oh bakit hindi mo alam na marami ng nagbago't nangyari rito?" Tanong niya ng harapin na niya ako. Napaisip naman ako at napatingin na lamang sa restaurant.

"Kasi ngayon lang ulit ako nakabalik?" Patanong na usap ko pa kaya ginulo na lang naman niya ang buhok ko.

"Bakit hindi ka ba dinadala ng manliligaw mo rito?" Tanong pa niya ng pagbuksan na niya ako ng pinto sa restaurant.

"Hindi naman niya alam na favorite ko rito" Sagot ko na lang. Hindi naman na siya nag usap pa at inalalayan na lang naman ako nito sa pag upo.

Wait? hindi rin naman alam ni Mitridates na paborito ko rito pero dinala niya ako rito. Hmm.

"Salamat"

Ilan sandali pa ay may lumapit ng waiter at nagulat ng makita si Mitridates.

"Max?!" 

"Kamusta?" Tanong na ni Mitridates ng harapin na niya ito. 

Halata pa rin naman sa mukha ng waiter ang gulat kaya hindi niya agad nasagot si Mitridates.

"Ano ba dapat ireact ko?" Gulat pa ring aniya niya kay Mitridates kaya napailing naman ito. 

"Manahimik ka lang at itikom yang bibig mo" Sagot nito kaya natawa na lang naman ang waiter.

"Jao! Yung ngang ---

"OMG? MAXIM??" Hindi natapos niyang sasabihin ng biglang naman din siyang napasigaw at mabilis na lumapit kay Mitridates para yakapin ito. 

okay? pero masyado naman yatang close.

 i mean okay lang naman, maganda naman siya, matangkad, maputi, mukha ring may lahi, mayaman din kung umasta, single naman na si mitridates, bagay din naman sila pero mas ...

nevermind.

"Oh?! Hi A---

"Atasha si Jasmine, friend ko, anak siya nung owner nitong resto na 'tto"

"Jasmine si Atasha, kaklase ko" Pakilala pa niya sa amin dalawa kaya agad naman nilahad ni Jasmine ang kamay niya na siya naman agad kong tinanggap.

"Kaklase?" Takang tanong pa ni Jasmine kaya agad naman siyang sinungitan ni Mitridates.

"Jasmine pwede ba?" 

"Okay chill hahaha" Natatawa ng aniya nito at bahagya pang ginulo ang buhok ni Mitridates.

"Don ka na nga, ito naman si Jao, kapatid niya, nag ojt lang dito kaya ganyan" Wala ng ganang pakilala ni Mitridates kaya natatawa na lang naman nilahad ni Jao ang kamay niya sa akin.

"Nice to see you aga--

"Nice to see you lang pala hehe" Napapakamot na aniya niya matapos namin mag shake hands kaya napangiti na lang naman ako.

MAYBE  (DON'T LOOK BACK)Where stories live. Discover now