KABANATA XXXI

1.6K 51 0
                                    

Pagtapos namin maubos ang isang bote ng alak  habang nagkwekwentuhan ay napagdesisyunan na nilang umuwi pare-pareho. Sakto naman na paghatid ko sa kanila sa labas ng pinto ay siyang dating naman ng sasakyan ni Mommy.

"What's up! Tita ganda!" Bungad ni Collins ng buksan na ng driver ni mommy ang kotse nito.

"Tita! Fresh pa rin natin ah!" Dagdag pa ni Gunther kaya napailing na lang naman ako.

San nanaman ba galing tong mommy ko?

"Maka natin ka e si tita lang naman fresh! Tita! Mukhang hindi ka tumatanda ah! Ano bang sikreto?" Tanong pa ni Johannes sa mommy ko.

"Ay nako! Kayo talaga!"

"Wala naman sikreto! Minahal lang naman ako ng tito niyo at inalagaan ng tama" Proud na proud na sagot naman ng mommy ko sa kaibigan ko kaya sabay-sabay naman napasigaw ang mga ito.

C OA

"Kaya alagaan niyo mga girlfriend niyo ah" Bilin pa ni Mommy sa tatlo kaya sabay-sabay naman tumango ang mga ito.

"Makakaasa ka tita!" Sagot pa ni Gunther kaya napangiti na lang naman ang mommy.

"Ah, sige po tita una na po kami, nakainom na rin po e may pasok pa rin po bukas" Paalam na ni Collins at humalik na sa pisnge ng mommy ko, na siya naman sinundan ng dalawang ugok.

"Oh siya! mag iingat kayo ah! Dahan-dahan lang sa pagmaneho"

"Yes po, Tita!"

"Babye! Tita!

"Tita Ganda! Bye!

Napailing na lang naman ako ng tuluyang makaalis ang sasakyan nila kaya agad ko naman hinarap ang mommy ko.

"Hi, beautiful" Bati ko rito at hinalikan na ang noo nito.

"Saan kayo galing?" Tanong ko.

"May kinita lang akong importante, nga pala tumawag sa akin si Dr. Ramirez, napadala na raw niya ang mga results ng laboratory mo, kamusta?" Tanong na rin niya habang papasok na kami sa loob ng bahay.

"Hmm, hindi ko pa po nakikita, pagdating na lang po ni Daddy" Sagot ko kaya agad naman siyang tumango.

"Mabuti pa nga"

"Kumusta ka, anak?" Tanong niya ulit ng maupo na kami sa sofa.

"Okay naman po, napasa ko na lahat ng paper works sa school, wala pa naman din pending na kaso sa headquarters kaya na lahat" Sagot ko kaya napailing na lang naman si mommy.

"Mabuti kung ganon, pero hindi ayon ang ibig kong sabihin"

"Kumusta ka? Kumusta araw mo? Kumusta pakiramdam mo? Kumusta puso mo? Kumusta kayo ni Atasha?" Tanong niya na siyang nagpatigil sa akin.

Kumusta nga ba?

"Ayos naman, mmy"

"Sadyang nagkasabay sabay lang, yung sa amin ni Atasha, bahala na kung saan man kami dalhin, ang importante naman sa ngayon e, kahit papaano nandito siya at nakakasama natin pare-pareho" Sagot ko na siyang nagpatango sa kaniya.

"Sa bagay, pero anak, magsabi ka kay mommy kapag may problema ah, nandito lang kami ng daddy mo" Usap niya habang kita sa mga mata niya ang pag aalala.

"Copy, mommy! Salamat po" Nasabi ko na lang.

Nagpaalam naman na siya para magpahinga ng siya naman bigla rin baba ni Natasha mula sa itaas ng bahay.

"Arc!"

"Hello, baby" Nasabi ko na lang ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

Iba talaga nagagawa ng yakap, kahit papaano bigla na lang gumagaan ang lahat. Pakiramdam ko may kasama ako, pakiramdam ko hindi ako nag iisa sa laban na hinaharap ko.

MAYBE  (DON'T LOOK BACK)Where stories live. Discover now