ATASHA'S POV
"Anong gusto mong lunch?" Tanong na niya sa akin ng ayusin na niya ang bow and arrow na ginamit niya.
"Dito na lang ba tayo kakain o sa labas?" Dagdag na tanong pa niya.
Bakit ganito siya? Ganito ba siya sa lahat? Hays.
"Okay ka lang?" Muling tanong niya ng maupo na siya sa tabi ko.
"Dito na lang tayo" Nasagot ko na lang at agad naman niyang nilabas ang cellphone niya at nag type ng kung ano.
"Magaling siguro mag archery girlfriend mo" Nasabi ko na lang ng muling tignan ang bow at arrow ng girlfriend nito.
Tumango naman siya bilang sagot at bahagyang ngumiti bago tuluyang maupo sa tabi ko.
"Magaling talaga, ako nagturo e" Pagyayabang pa niya kaya napangiti naman na ako.
"Yabang naman nito" Natatawa ko ng usap sa kaniya at ngiting ngiti naman niyang tinataas taas baba makakapal na kilay niya.
"So, bakit na umabsent ang magaling na si Mitridates?"
"Bakit din muna nag cut class ang makulit na si Aster?" Tanong niya pa pabalik kaya sinamaan ko naman na ito ng tingin.
"Isa"
"Late na kasi ako nakatulog at nagising kakaisip ng kung ano anong wala naman kwenta, kaya naisip ko na umabsent na lang para makapag libang at makapag pahinga na muna" Sagot niya.
"Anong ginagawa ng number ko sa contacts mo? Design?" Tanong ko na sa kaniya.
"Huh?"
"Tawagan mo ko, text mo ko, kulitin mo ko" Sagot ko pa at napangiti naman ito.
"Para sabay tayong hindi makakapasok? Ganon ba?" Natatawang tanong niya pa kaya natawa na lang din naman ako.
"Parang ganon na nga"
"Bad, Aster, bad"
Ilan sandali pa ay may kumatok na sa pinto kaya agad-agad naman lumapit doon si Mitridates.
"Ito lang yung amin tas yan ipamigay mo na yan sa mga kasamahan mo, kumain na muna kayo" Rinig ko ng usap niya sa tauhan niya bago tuluyang isara ulit ang pinto.
"Mabait ka naman pala" Biro ko pa sa kaniya ng isa isa na niyang ilapag sa mesa ang pinadeliver niya.
"Pero sa akin, ang sungit sungit mo" Dagdag ko pa at agad naman siyang napatigil sa pag aayos ng pagkain.
Totoo naman.
"Oks na yon buti nga hindi ako ganon kasalbahe sayo" Pangangasar na niya kaya inis ko naman na siyang tinignan.
"Tignan mo to!"
"Sorry po, mahal na prinsesa, paano po ba ako makakabawi po sa inyo po?" Tanong niya ng maupo na ito at iabot na sa akin ang pagkain ko.
"Hmm"
"Joke lang pala, mainis ka na lang" Natatawa pang aniya na nito ng magsimula na kaming kumain.
"Wala, bumawi ka, naiinis kaya ako sayo kapag napaka sungit mo, medyo nasasaktan din kasi parang ayaw mo kong maging kaibigan kapag ganon ka sa akin" Pag amin ko na sa kaniya.
Napatitig lang naman ito sa akin at napahinga ng malalim.
"Paano ako makakabawi?" Tanong niya ulit kaya napangiti na lang naman ako.
"Date mo ko" Biglang sagot ko.
Sakto naman na iniinom niya ang bottled water na kasama ng inorder niya kaya naman muntikan pa niyang maibuga iyon.
YOU ARE READING
MAYBE (DON'T LOOK BACK)
Fanfiction"Ang pinaka mainam at ligtas na isauna sa ngayon ay ang isantabi ang puso sa anuman operasyon". Mitridates Maxim "Archer" Lim. Lider ng isang prestihiyosong grupo na kung tawagin ay 'BINUS' na kung saan sila ang nangungunang sumugpo sa ilang mga il...