Simula

8 1 0
                                    

DISCLAIMER | Any resemblance to other stories, places, actual events, establishments, person's names, living or dead are purely coincidental.
All Rights Reserved © fibonaccci, 2023


-

 

Cupid Hernandez

“Nareview mo na ba?”

"Pictures at polish nalang po ang kailangan then ready for publishing na."

"That's good. How about the latest showbiz issue?"

"Nakuha ko na po ang ibang details pero naghahanap pa ako ng tiyempo para makakuha ng statement mula sa mga taong involved."

"Good Job, I want you to know that I appreciated all the efforts and perseverance you exerted on this. Keep it up, Cupid. Lalo na't malapit na ring maaprove ang promotion mo."

"Thank you, ma'am."

Malaki ang ngiti ko ng lumabas ako sa opisina ni Ma'am Kathy. It's been five years since I've started working as an advise columnist here in Wink Magazine. I love my job but it didn't stop me from wanting more.

Sa tagal ng panahon kong pagtatrabaho ko sa kompanya ay gusto ko rin namang mapromote. And my dream position is about my reach. Konteng panahon nalang at magiging isa narin akong Head Writer at magkakaroon ng sariling team sa kompanya. 

Actually, hindi naman talaga ang pagiging journalist/writer ang pangarap ko dati. I was a frustrated Teacher. Pero dahil sa hirap ng buhay ay kinailangan kong tumigil para magtrabaho. Pero dahil nga undergrad ako ay nahirapan akong makahanap ng trabaho na may matinong sweldo at kayang tustusan ang pamilya ko sa probinsya pati narin ang pagaaral ng kapatid ko. Kung hindi nga lang dahil sa pinsan kong isang photographer ay hindi ako makapasok sa Wink Magazine.

"Cupid!"   

"Uyy on the way na ang promotion mo ah? Libre naman diyan. Libre! Libre!" tukso pa nito gamit ang pinaarteng boses.

"Gaga, hindi pa nga naapprove diba?" irap ko.

Kung makapagsalita kasi ito akala mo nama'y talagang promoted na ‘ko.

"Kahit na noh. Eh papunta din naman 'yon doon. Kaya sige na. Manlibre ka na diyan. Advance celebration, ganon!" muling hirit nito matapos akong irapan.

"Ewan ko sayo Alfredo pero sige na nga tara sa cafeteria."

”Ay bongga! Manlilibre talaga si anteh! Taralets!"

Wala akong nagawa kundi pagbigyan ang kalokohan ng bakla kong kaibigan. Mayroon pa naman akong naitabing extra money sa wallet niya kaya ano pa't ilibre ko ito paminsan-minsan.

Magkasabay kaming naglalakad ni Alfredo papuntang cafeteria ng paglingon ko sa likod namin ay ganon na lamang ang gulat ko. Paano kasi'y hindi lang pala iyon ang kasabay ko kundi nakasunod din sa amin ang dalawa pa naming katrabaho.

“Saan punta niyo?” tanong ko sa kanila.

“Manlilibre ka di ba? Tara na!”

Ano raw?

Wala na akong ibang nagawa kundi ang mapabuntong hininga nalang ng hilahin nila ako papuntang cafeteria. Ngayon ko lang narealize ang disadvantage ng maraming kaibigan. Hays!

Napapailing nalang ako ng magsimula nang umorder ng kanikanilang pagkain ang tatlo kong hudas na mga kaibigan. Hindi pa nga tuluyang naapprove ang promotion ko parang namumulubi na ako. Hays! Sakit sa bangs!

“Yung pagkain lang ang babayaran ko, yung mga drinks niyo kayo nang magbayad niyan,” saad ko matapos nilang umorder. Sabay-sabay naman silang ngumuso. “Kuripot talaga kahit kailan,” pabirong reklamo ng mga ito kaya inirapan ko.

“Kuripot na kung kuripot. May dalawa akong kapatid na pinapag-aral sa probinsya kaya dapat lang noh.”

“Oo na po ma'am. Salamat sa libre,” sabay ngiti ng mga ito at sabay-sabay na kaming bumalik sa trabaho pagkatapos.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtitipa sa computer ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ang screen ay nakita kong rumehistro doon ang pangalan ng kapatid kong si Lucas kaya dali-dali ko iyong sinagot.

”Hello, Lucas?” bungad ko pero imbes na ang boses ni Lucas ay boses ni inay ang narinig ko.

[“Piding!”] sambit nito sa palayaw ko.

“Nay? Kumusta? Napatawag kayo, may problema ho ba diyan?” tanong ko.

[”Ano kasi... Piding...ang tatay mo isinugod namin sa ospital.”]

Agad akong napatayo sa upuan. “Ho?”

Naglakad ako papuntang CR para makausap ng mabuti si inay. “Ano pong  nangyare kay itay?”

[“Ang sabi ng doctor mahina na raw ang puso niya.”]

“May siya sa puso? Malala ho ba? Binigyan ba siya ng gamot? Uuwi ho ako diyan,” sunod-sunod kong tanong dahil sa labis na pag-aalala.

[“Naku, anak, h'wag na. Hindi mo na kailangang umuwi. Hindi naman daw masyadong malala ang lagay itay mo. Isa pa naresitahan narin siya ng doctor, kailangan niya lang uminom ng gamot.”]

Nakahinga naman ako ng maluwag matapos ang sinabi ni inay.

Nanghihina akong napaupo pabalik sa chair ko matapos ang  pag-uusap na iyon ni inay.
Bigla akong nalungkot sa natanggap kong balita pero pinilit ko paring payapain ang isipan at ibinalik ang atensyon sa trabaho.

Kailangan kong mag-focus lalo na ngayong may dagdag na naman akong paglalaanan ng pera sa probinsya. Pero hindi nagtagal ay muli na naman akong natigil sa ginagawa ng pumasok sa pinto si Leana, ang secretary ng boss naming si Miss Katherine. Sabi nito ay pinapatawag daw ako ni boss. Agad naman akong tumalima at nagtungo sa opisina nito.

Kung kaninang umaga ay abot tenga ang ngiti ko ng lumabas ako sa opisina ng boss namin, ngayon ay hindi na maipinta ang mukha ko. Muli kasi akong kinausap ni Miss Katherine tungkol sa promotion at ngayon ay binibigyan ako nito ng isang misyon bago ko tuluyang makuha ang promotion ko.

-----





“Interview with a HELLION member?” hindi makapaniwalang bulalas ng bestfriend kong si Claire matapos kong ikwento sa kanya ang tungkol sa kundisyong hinihingi ng boss namin para sa promotion ko.

“So pupunta ka ng US? Ang swerte mo girl, makakatungtong kana ng Amerika! Kainggit!”

“Pero ang problema ay kung maiinterview ko nga ba ang kahit na isa lang sa HELLION na ‘yon! Eh ang makalapit nga sa mga ‘yon halos pabuwis buhay na, makausap pa kaya!?” ani ko na puno ng hinanakit.

Paano e suntok sa buwan naman kasi ang misyon na binigay sa’kin! Pwede naman kasing SB19, The Juans, Ben&Ben, BGYO at kung ano-ano pang sikat na boy band o boy group ngayon ang interbyuhin pero bakit iyon pa?

Marami namang banda at boy group rito sa Pilipinas, bakit iyong nasa Amerika pa?

HELLION? Eh ang kumuha nga lang ng kakarampot at kahit blurred na litrato ng mga iyon ay halos maituring nang krimen, paano pa kaya ‘yong interbyuhin sila? Daig ko pa ang nagpakamatay at naghukay ng sarili kong libingan.

“Alam mo sa tingin ko ginagawa nila sayo yan kasi iniisip nilang duwag ka at hindi ka karapatdamat sa promotion mo. Gusto ka nilang i-test girl!” maya-maya'y saad ni Claire. Bigla naman akong napaisip at napakuyom ng kamao.

“Kung ganon nagkakamali sila. Deserve ko ang promotion ko at papatunayan ko ‘yon sa kanila!”

“H'wag mong sabihing tutuloy ka parin? Ikaw na nga mismong nagsabi na imposibli ang pinapagawa nila sayo.”

Imbes na sumagot ay isang nakakalokong ngisi ang iginante ko kay Claire.

Well, sorry nalang sila dahil hindi ako gano'n kadaling sumuko gaya ng inaakala nila sa'kin.

---

A/N: And the mission impossible is about to begin haha. Sana suportahan at subaybayan niyo rin ang story na 'to :))

HELLION BAND SERIES 2: Shawn Harris Spencer [SOON] Where stories live. Discover now