Kabanata 2

3 1 0
                                    

CUPID

“Please Mr. Security guard. Just give me at least 5 minutes. Please? I'm begging you!”

Halos mamatay na sa pagmamakaawa si Cupid sa mga security guards na naroon sa labas ng building ng agency ng HELLION. Pero kahit siguro nagpakamatay pa siya sa harapan ng mga ito ay hindi parin siya nito pagbibigyan.

“NO!” matigas na sabi ng isang security bago siya ulit itaboy palayo. Wala siyang nagawa kundi ang lumayo doon pero hindi siya tuluyang umalis bagkos at pumwesto siya ilang distansiya ang layo mula sa building.

Hindi siya pwedeng sumuko. Kahit anong mangyare ay kailangan niyang magawa ang misyon niya. Kailangan niya ang promotion na ‘yun at hindi siya uuwi ng Pilipinas hangga't hindi niya na-i-interview ang isa sa HELLION!

Nakatanaw parin siya sa entrance ng building at nag-aabang  na baka sakaling lumabas doon ang apat o kahit ang isa manlang sa staff ng mga ito.

Hanggang sa ilang sandali pa ay may lumabas na isang magandang babae. Pamilyar sa kanya ang mukha nito dahil minsan na niya itong nakita sa TV.

Tama! Ito ang manager ng banda!

Napatiim bagang siya at mariing Napakuyom ng kamao. Nakapahdesisyon na siya. Kung hindi niya ito makukuha sa santong dasalan pwes kukunin niya ito sa santong paspasan!

Agad siyang kumaripas ng takbo at tinawid ang distansiya papunta sa babae at narinig niya pa ang impit nitong pagsinghap dahil sa biglaan niyang paghablot sa braso nito.

“Miss, you're the manager of HELLION, right?” hinihingal niyang tanong. Hindi naman nakasagot ang babae at nanlalaki parin ang mata sa gulat habang nakatingin sa kanya.

Hindi na siya nagdalawang isip at mabilis na lumuhod sa harapan nito dahilan ng lalo nitong pagsinghap.

“Please help me. I need an interview with them!” pursigidong pagmamakaawa niya pero hindi parin nakakarecover sa pagkabigla ang babae hanggang sa tuluyan nang makalapit ang mga security guards at hinila siya palayo rito.

“Let go of me! Tang*na niyo bitawan niyo ako anu ba!!!” Napamura na siya sa pagpupumiglas sa mga security guards.

“You crazy wowan! I already told you! You are not allowed in here!” sabi pa ng isa sa mga ito.

“I just need 5 minutes, or at least 2. Just let me interview them! Please! Just a voice over interview or a phone interview! Just give me a chance! Please I'm begging you!” pagmamakaawa niya ng husto pero ang mga damuho ay talagang walang mga puso.

“I said No!”

“Wait!”

Natigil ang mga security guards sa pagkaladkad sa kanya at gaya niya ay napalingon din ang mga ito sa nagsalita. Nakita niyang naglakad palapit ‘yong magandang babae sa kanila.

“Let her go,” utos nito sa mga security guards na nagdalawang isip pa bago sumunod.

“I said let her go!” ulit ng babae at this time ay binitawan na siya ng mga ito.

“You!” Tinuro siya ng babae dahilan para mariin niya itong titigan.  Handa na siya sa kahit anong panenermon nito sa kanya dahil sa ginawa niyang pag-e-eskandalo ng bigla itong magsalita na siyang lubos na ipinanlaki ng mga mata niya.

“You need an interview with HELLION?”

Walang pakundangan siyang tumango.

“Who sent you here?” muling tanong ng babae na agad niya namang sinagot.

“I'm from the Philippines. From Wink Magazine.”

Agad niyang ipinakita rito ang kanyang ID.

Nakita niyang biglang kumunot ang noo nito at sa hindi malamang dahilan ay parang may naaninagan siyang kislap sa mga mata nito dahil sa sinabi niya.

“Yes, ma'am.”

Ganon na lamang ang pagtataka ni Cupid ng makita niya ang bahagyang pagngiti nito habang nakatitig sa ID niya.

“Here's my calling card. Please come at my office tomorrow and let's talk about the interview,” iyon ang tinuran nito bago siya tinalikuran.

Hindi naman napigilang magtatalon sa tuwa si Cupid habang abot langit ang ngiting nakatitig sa calling card na binigay ng babae.

Kung ganon maiinterview niya ang HELLION!

At makukuha niya ang promotion niya!

Parang gusto niyang mamatay sa tuwa!











SHAWN

“You want me to have an exclusive interview with that Filipina Journalist? Damn it Elle! Are you even thinking? No way!”

”Look Azil, it was just like a 5 minutes interview. It won't do any harm. Beside, people are already talking a lot of nonsense about your band's reputation. Mga panget daw kayo, mga hukluban, ex-convicts at kung ano-ano pang maisip nila.”

“Then let them think that way. I don't f*cking care!”

“It's been six years. Don't you think it's the perfect time to prove all those rumors wrong?”

“No I'm not gonna do this!”

Napangisi nalang si Shawn ng maabutan niya si Craine na nakahilig ang ulo sa pintuan ng opisina ng manager nilang si Elle na tila ba may kung anong pinapakinggan sa loob.

Eavesdropping is a crime don't you know?”

Nakita niya ang gulat na gulat nitong mukha matapos niya itong tapikin sa likod.

“You seemed tense. Who's inside, huh? Is it a producer?” usisa niya at akmang bubuksan na sana ang pinto para sumilip ng pigilan siya nito sa braso at hinila palayo doon.

“What the hell, Craine?!” reklamo niya sa panghihila nito.

“It's not a producer, okay!” ani Craine na ikinakunot ng noo niya. Para kasing matatae na ito na hindi niya mawari.

“What? Then who is it?” muli niyang tanong. Nakita niya naman itong bumuntong hininga. Parang alam niya na kung sinong nasa loob.

“Wait! Don't tell me Elle is with her boyfriend?” Pinaningkitan niya ito ng mata.

“And you're eavesdropping them? Are you jealous? You really like her huh!”  natatawang asar niya kay Craine at nakita niya naman agad ang pamumula ng mukha nito.

Hindi lingid sa kanila na may gusto itong si Craine sa manager nalang si Elle. But it was a one-sided love though.

“Shut up, hyung! It's not her boyfriend! She's talking with Azil!” asar na asik nito sa kanya that made him grin even wider.

“Goodness gracious! So Azil is her boyfriend? Damn it kid! You're screwed!”

“Aish!!! It's not what you think! They're not together! They're talking about the interview!”

Doon na unti-unting kumunot ang noo ni Shawn hanggang sa panlakihan niya ito ng mata. “Did you just say ‘Interview?’ Don't tell me...F*ck! You mean we're going to have an interview? That's sick!”

“Yeah right, but correction it's not ‘we’, it's just Azil.”

“What?”

“Well, based on what I've heard, Elle is asking Azil to have an exclusive interview with a Filipina Journalist. But of course, Azil doesn't like the idea.” kibit balikat ni Craine. Pero sa buong sinabi nito ay tila dalawang salita lang ang tumatak sa utak ni Shawn.

‘Filipina Journalist’

Those two words gives him ridiculous thoughts in his mind and he doesn't seems to like it too.

-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HELLION BAND SERIES 2: Shawn Harris Spencer [SOON] Where stories live. Discover now