Kabanata 1

8 1 1
                                    

CUPID 

Dahil sa labis na pagnanais na makuha ang promotion at mapatunayan sa boss niya na karapatdamat siya para rito ay pumayag parin si Cupid na pumunta sa America, with only one thing on her mind—ang mainterview ang isa sa mga miyembro ng HELLION.

Pero gaya ng inaasahan niya ay hindi nga magiging madali ang misyon niya.

Magdadalawang linggo na siya ngayon sa Amerika pero ni ha, ni ho ay wala parin siyang nakukuha sa HELLION. Mahirap din hagilapin ang mga staff ng ng banda dahil bukod sa once in a blue moon lang din ang mga ito magpakita sa publiko ay halos sandamakmak ding mga security guards ang nakabantay sa harap ng building ng agency ng banda.

“Itumba mo na kaya ‘yang mga security guards na ‘yan. Gamitan mo ng flying kick technique o di kaya naman bigyan mo ng drinks na may pampatulog,” suggestion ng katrabaho at kaibigan niyang bakla na si Alfredo na kausap niya ngayon sa telepono.

“Gaga! Sa tingin mo gagana ‘yung trick na ‘yun sa kanila? Nag-iisip ka ba Alfredo?” himutok niya.

“Sabi ko nga hindi. At mukhang malabo mo nga talaga silang maiisahan,” sabay tawa nito na ikinairap niya.

Kung kausap niya lang talaga ito ngayon sa personal siguradong binatukan niya na ito. Namumublema na nga siya puro kalokohang suggestions ang binibigay nito sa kanya.

“So paano na ngayon ‘yan? Ano nang gagawin mo? May deadline ‘yang mission impossible mo di ‘ba?”

Napabuntong hininga nalang siya at napayuko sa sinabi nito.

“Oo, isang buwan ang binigay na palugit sa’kin ni Miss Kath pero magdadalawang linggo na ako rito hindi ko parin nagagawa ang misyon ko,” malungkot niyang anas habang nakatitig sa kawalan.

Ang totoo ay nawawalan na rin siya ng pag-asang magagawa niya nga ang misyon kong ’to. Bakit kasi kailangan pa siyang pahirapang ganito? Nakakainis talaga!

“Naku, girl! Kailangan mo na palang bilisan. Kung hindi ay good bye promotion na.”

Mas lalo siyang nalungkot sa sinabi ni Alfredo at napasabunot nalang sa buhok  sa sobrang frustrations.

Gusto niya nang maiyak. Ano ba kasing gagawin niya? Hindi niya na alam kung paano niya maiinterview ang letseng HELLION na ‘yun na hindi nalang mag face reveal at may nalalaman pang pa-mysterious effect na pagtatago ng mga mukha!

“Uy maiba nga muna tayo. Kumusta pala diyan sa Amerika? Marami bang fafa diyan? You know, ‘yung blue eyes, green eyes at gray eyes?” kinikilig na turan ni Alfredo na ikinairap niya ng husto.

“Tinatanong pa ba ‘yan? Syempre maraming ganyan dito. Halerr! Amerika kaya to.”

“So may kakilala kanang porener diyan?”

“Sinabi ko bang may kakilala ako? Sabi ko maraming ganyan dito.”

“Gaga na ‘to. Bakit wala pa? Dapat maghanap kana ng kakilala diyan. Kahit ‘di mo maging jowa basta makipag-one-night stand ka!”

Muntik na siyang mabuwal sa kinauupuan sa sinabi nito.

Pucha! Ano raw?

“Nababaliw ka na talaga, Alfredo! Ano bang pinagsasasabi mo!?”

“Cupid my friend, come on, don't be stupid. Alam mo kalimutan mo muna ‘yung tungkol sa interview na ‘yan. Total andiyan kana din naman sa amerika bakit di mo nalang sulitin? Bago ka umuwi rito sa Pilipinas dapat makabingwit ka manlang ng mayamang porener diyan. Siguraduhin mong magbubuntis ka pagkatapos ay hingan mo ng sustento para bata. Basta kailangan mong magkajunakis ng imported, yung hindi itim ‘yung mata! Tiba-tiba ka na nun ‘pag nagkataon!”

HELLION BAND SERIES 2: Shawn Harris Spencer [SOON] Where stories live. Discover now