Prologue

35 12 26
                                    


Prologue

“Hoy gising na,” naputol ang aking pagtulog sa biglang pagyugyog sa akin ng kung sino. “Ano wala kang balak bumangon?”

“Oo na, babangon na po.”

Ang aga aga panira ng araw, “Ano tutulala ka na lang? Anong oras na oh!” sabi ni mama.

Anong oras na ba? Kinuha ko ang cellphone ko at...hala????

“Mama! Bakit ngayon mo lang ako ginising?!”

Agad akong bumangon at dumeretso sa cr, shete malapit na akong malate! Dali dali akong kumilos, hindi na ako mag shashampoo! Mabango pa rin naman ako, pero putakte patay ako nito!

Nagbihis na agad ako, hindi na ako nag ayos pa. Kinuha ko ang bag ko at tumakbo pababa ng hagdan, naabutan ko pa si mama na nakapamaywang sa kusina.

“Kumain ka muna,” alok sa akin ni mama. “Wow ma, ha? Nagbibiro po ba kayo? Late na ako!” saad ko at lumabas na agad ng bahay.

Pumara ako nang tricycle, pero grabe napaka malas. May kasabay akong taga ibang school, siguradong ililibot pa ako nito sa buong bayan.

NAKARATING ako sa school na nakakunot ang noo, hinarang pa ako nung guard na kung umasta akala mo dean eh. Gusto ko lang naman makaabot sa first subject ko pero bakit may interview pang nangyari sa gate?

Sa sobrang late ko halos malapit na matapos ang first subject, kaya hindi na lang ako a-attend. I didn’t expect na mag s-skip ako ng class ngayon, sobrang malas dahil terror 'yong professor na 'yon!

Dumeretso na lang ako sa cafeteria since hindi pa ano nag b-breakfast, umupo ako sa dulong table. Chinat ko na rin si Kairy na puntahan ako dito pagkatapos ng first subject niya.

Pumunta ako ng counter para umorder, may twenty minutes pa naman. Maya-maya ay nandito na si Kairy, for sure kasama na naman niya si Kuya Klydie.

“Bakit nandito ka? Hindi pa tapos ang mga klase ah?” pag uusisa sa akin ng tindera.

“Nandito po ako para kumain, hindi para makipagkwentuhan sainyo,” ngiting saad ko. “One slice of chocolate cake and one glass of juice” order ko.

Ang sama ng tingin sa akin ng tindera, tss. Bumalik ako sa table ko at hindi na lang iyon pinansin. Mabubusog ba ako sa titig niya? Hindi ‘di ba. Pero pag ako ang tumitig sa kaniya, siguradong hindi na niya gugustuhing kumain pa.

Naghintay lang ako sandali, tas ito na. Nasa harap ko na siya, tingin pa lang masarap na. Kakainin ko na ‘to? Oh, tititigan na lang? Pero kahit gano kaganda ang cake na ‘to kailang ko pa rin siyang kainin kasi gutom na ako!

Habang kumakain ay may biglang tumabi sa akin, isa pa ‘to panira ng araw. Nakakawalang gana ang mukha niya! Mas masarap sa mata ang cake na kinakain ko kaysa sa itsura niya.

“Hi Lhirfa, good morning.”

“Walang good sa morning kung ikaw ang bubungad sa akin,” pabalang na sagot ko sa kaniya. “Alis.”

“Ang aga aga ang sungit sungit mo,” saad niya. Ang kapal talaga ng lalaking ‘to.

“Ang aga aga ang epal epal mo,” napangiwi siya sa sinabi ko, totoo naman eh. ”At oo masungit talaga ako.”

“Sabi ko nga aalis na ako, enjoy your food baby,” he said. Bwisit na lalaki, mga lason. Lason sa buhay ko, letche.

Mabuti na lang at hindi siya ganon kakulit, matatahimik na rin ako ngayon. Pero mali ata ako ng akala dahil dumating na sina Kairy kagaya nga ng inaakala ko ay kasama niya si Kuya Klydie.

Lost in your eyes Where stories live. Discover now