Lost 1

12 5 0
                                    


Chapter 1

Lhirfa's P.O.V

“Ok class, ito na ang huling gagawin niyo. Tandaan niyo malaking factor sa grade niyo ‘to kaya ayusin niyo, may three weeks kayo para dito.” announce ng Prof namin.

Hindi naman ganon kahirap ang performance task namin, pero mahirap maging kagroup ‘tong mga kaklase ko. Mga pabigat na nga sa bahay, pabigat pa sa groupings.

“Nakikinig ba kayo?!” sigaw ni Prof. “Natatandaan niyo naman siguro na kahit isang bagsak lang ang meron kayo ay hindi kayo mag mo-moving up,” at iyon ang dahilan kaya natatakot ako ngayon. Ayaw kong bumagsak!

Binigyan kami ng time para mag decide kung ano ang gagawin namin, pwedeng acting, debate, or poetry. Kaso lahat ay may twist, kaya mahirap. Nasa isang side kami ng classroom kasama ang mga kagroupmates ko, kagroup ko rin pala ang pinsan ko kaya ayos lang. Pero kagroup ko rin ang president namin, ang galing talaga niya walang ginagawa.

“So anong gagawin natin?” tanong ko. Ako na ang nagsimula dahil kung mananahimik ako for sure na wala kaming magagawa.

“Acting na lang tayo,” suggestion ni Warn.

Mahirap ang acting, may dalawang phase na binigay si Prof. It’s either acting na may kanta or acting na about religion, if about religion make sure raw na gagawa kami ng scene about catholic and muslim.

“Alam mo ba gagawin sa acting?” tanong ni Trina dahilan kung bakit natahimik si Warn.

Ayan ang mahirap sa kanila, gusto nilang gawin kahit hindi nila alam kung ano  ‘yon. Hindi man lang nila inisip na kami ‘yong mahihirapan na gumawa, kasi alam naman namin na wala silang gagawin!

“Hoy Trolly, ano? Ikaw leader, wala kang plano?” napunta sa akin ang atensyon niya, nakakabwisit.

Siya itong leader pero ayaw niyang kumilos, nakaupo lang siya at nakikipag daldalan sa iba. Nakakainis lang, palagi kaming ganito. Ang lumalabas ay nakadepende kami sakanya.

“Kaya niyo na ‘yan,” wtf?

“Sawayin mo naman sila,” saad ni Trina. Ang ingay kasi ng mga kagroup namin.

Sobrang init, hindi ako makahinga.

Nilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko para tignan kung normal pa ba ang tibok ng puso ko, lately kasi napapansin ko na palagi akong pagod at...sobrang hina nga pulso ko. I’m too sensitive, ilang beses na akong nag overthink na what if may sakit ako sa puso, nakakainis bakit kasi ang hina niya.

Hindi ko maramdaman ang tibok kaya chineck ko ang pulso ko, pero ang t*nga hindi ko maramdaman.

“Ayacinth, check mo nga pulso ko,” tawag ko sa kagroup ko. Close kami, isa siya sa friend ko here.  Mabait siya, pero palaging tahimik.

“Hindi ko ramdam.”

“Rainy, tignan mo nga,” inilagay ni Rainy ang kamay niya sa pulso ko.

“Mahina pero mabilis,” saad niya na tinanguan ko lang.

Inutusan ko silang mag survey na lang, at kung anong maraming sagot ay ayon ang gagawin namin. Hindi na ako nag vote, kahit naman hindi ako mag vote ay sure na isa ako sa gagawa.

“Acting,” saad ni Trolly.

“Tanungin mo sila kung bakit acting,” utos ko. Siya ang leader pero inuutusan ko siya, bossy man pero no choice.

“Hoy Kyle, bakit acting ang pinili mo?” pagkakarinig kong tanong ni Trolly.

“Ah? Eh kasi sabi nito,” sagot ni Kyle sabay turo kay Milan. Ayan na naman, nagtuturuan na naman sila!

Lost in your eyes Donde viven las historias. Descúbrelo ahora