Prologue

926 23 2
                                    

TW: Physical abuse

"Kahit kailan talaga walang laman 'yang utak mo!"

Pain—that is all I felt.

Diniin ni papa ang hintuturo niya sa noo ko habang ang isa niyang kamay ay nakakapit nang mahigpit sa buhok ko. Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa buhok ko ngunit hindi sapat 'yong lakas ko para magawa 'yon. Pinipigilan siya ni mama pero hindi niya ito pinapansin na parang wala siyang naririnig.

"Pa, masakit po," sabi ko, may halong panginginig sa boses.

"Pagpa-plantsa na nga lang hindi mo pa magawa nang maayos," gigil na sabi niya, mas dumiin pa ang pagkakahawak niya sa buhok ko.

Hindi ko man lang siya matignan sa mata dahil sa tuwing nagsasalubong ang tingin namin ay halimaw ang nakikita ko. Kahit pagmamahal ay hindi ko makita at mabasa sa mata niya. Parang kusang namimilipit ang dila ko sa tuwing tinatawag ko siyang 'papa', he never treated me like a daughter.

"Hindi ko na po uulitin, kumalma ka na po, pa."

I cried harder.

Lumipat ang tingin niya sa nakababata kong kapatid na lalake. Padabog niya akong binitawan at nagpunta sa kapatid ko na kanina pa umiiyak. I immediately caressed my head, ramdam ko kung gaano kahapdi ang anit ko. Tinignan ko ang braso ko at bahagya ko rin itong hinaplos, pulang-pula ito at nagbakat pa ang kamay ni papa rito sa higpit ng hawak niya sa akin kanina.

My brother gasp when my father reached his left arm, he's holding it tightly with all of his strength. Mas lalo namang lumakas ang iyak ng kapatid ko dahil sa pagkakahawak ni papa sa kaniya. Itinutulak siya palayo ni mama pero hindi pa rin siya nagpapaawat.

My whole body is throbbing with pain, pero nang makabawi ako ng lakas ay dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa kanila. Nagsalubong ang tingin namin ng kapatid ko at kitang-kita ko rito ang takot sa mga mata niya.

Lumuhod ako sa harap ni papa at pinagdikit ang dalawang palad ko. "Pa, ako na lang po saktan mo, 'wag na si Art," pagmamakaawa ko.

Hindi niya ako pinakinggan. He took his belt hanging beside the door. Kinaladkad niya si Art papunta sa upuan at pinadapa. Hinarang ko ang sarili ko sa harap ng kapatid ko pero mabilis niya akong tinulak. Napahiga ako sa sahig kung saan nakakalat dito ang mga bubog na kagagawan ni papa. Ramdam ko ang hapdi sa ibabaw ng aking siko nang mapagtanto na nasugat ito ng mga basag na bagay.

Hawak ni mama ang t'yan niya habang papalapit saakin. Halata sa kilos niya na nahihirapan siyang gumalaw dahil sa laki na ng tyan nito. Hindi ko na kaya pang tumayo kaya nanatili na lang akong nakasalampak sa sahig, puro sigaw, pagmamakaawa at iyak na lang ang nagawa ko habang nakikita kung paano paghahampasin ni papa si Art ng sinturon.

I feel like I'm drowning in the pool, full of my tears.

My brother is screaming in agony. Naaawa ako sa kapatid ko dahil sa murang edad pa lamang ay nararanasan na niya ang mga bagay na ito. Ngunit kahit minsan man lang ay hindi ko siya narinig na nagreklamo sa pagtrato saamin ni papa.

If I were given a chance to describe how evil my father is, that would be a 'beast'. More than a beast, that's my thoughts about him. A four words that suits his entire personality. But those words are not enough to describe how vicious he is.

"Nak, anong masakit sa'yo?" nag-aalalang tanong ni mama. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos ito.

"Ma, si Art." Lumipat ang tingin niya kay Art na walang tigil sa pag-iyak.

Agad siyang tumayo at buong lakas na itinulak papalayo si papa. She's trying her best to be strong. Pero agad na bumangon si papa sa pagkakatumba, at nang makabangon siya ay isang malakas na sampal ang binigay niya kay mama. Hindi pa siya kuntento sa ginawa niya, sinuntok pa nito ang t'yan ni mama at 'saka lang tumigil nang may tumulo nang dugo sa hita ni mama.

Every Guitar StringHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin