Chapter 02

274 12 0
                                    

"Malapit na ang students' day, any suggestions kung ano ang booth natin?" tanong ng class president namin, si Kyler.

"Pres, can we just sell food instead?" tanong pa ng isa kong kaklase.

Nag-agree naman ang iba kong mga kaklase at pati rin ako ay tumango. Sa tingin ko ay mas matrabaho kasi ang booth dahil magde-decorate pa kami, pero kapag magbebenta kami ay pagluluto nalang ang iisipin namin.

Tipid na ngumiti si Kyler. "Your suggestion is great, but, it's not possible because the grade twelve students are assigned to be incharge of the food as part of their entrep."

I raised my right hand, trying to get Kyler's attention. "Required ba na may booth every section?" I asked.

"Absolutely! Isa 'to sa mga napagmeeting-an naming mga class presidents together with the SSG officers," he answered.

Next week na raw ang students' day that's why napagdesisyunan ni Kyler na magpa-meeting dahil sakto namang vacant namin. Wednesday pa lang naman ngayon kaya marami pa kaming time na magdecide at magplano kung anong booth ang gagawin namin. Last students' day kasi ay DIY craft station ang booth namin, nagprovide kami ng mga different materials for students to create their own handmade items, kaso lang nalugi kami.

"Pres, I suggest na board game lounge na lang ang booth natin. We can create a cozy space for the students where they can play variety of board games, maglagay na rin tayo ng snacks station para hindi magutom 'yong mga students na pupunta sa atin," Yvelle suggested.

"Nice, may budget ka? Ikaw sponsor?" pambabara ni Jiro.

Nagtawanan ang mga kaklase namin at pati na rin ako ay nadala sa tawanan nila.

Tumaas naman ang kilay ni Yvelle. "Eh, ikaw? May suggestion ka?"

Jiro stood up from his seat confidently. "Pres, what if horror booth na lang? Sigurado akong dadayuhin tayo rito lalo na 'yong mga na sa lower year."

"Booths should be fun, right? Mukhang pisikalan lang naman ang aabutin natin diyan. Lalo pa't hindi maiiwasan na magkatulakan sa loob, at baka magkasakitan lang din because some people can't control their actions when they are scared," I said.

Totoo naman kasi, kapag nagpanic ang mga students ay baka mahampas o mabugbog pa 'yong mga nananakot sa loob, magkakatulakan, magkakasakitan, and much worse is may mawalan ng malay sa loob ng classroom. Thinking about those possible things that might happen stresses me out.

His forehead creased. "Eh, 'yong suggestion nga ni Yvelle boring masyado, aantukin lang mga students, saan ang fun doon?"

"Hindi 'yon boring, peaceful ang tawag doon," I corrected him.

Kyler signaled us to stop dahil nagsasayang lang kami ng oras sa pagbabarahan.

"Let's just vote between horror booth or board game lounge to wrap this up quickly," sambit ni Kyler.

Honestly, hindi naman ako gano'n ka-excited sa students' day dahil parang normal day lang din naman, o baka kaya ko lang nasasabi 'to dahil maraming beses ko nang naranasan 'to at puro gastos at pera lang ang umiikot sa students' day. There are variety of booths, games, competitions and food stalls na mga students lang din ang gagastos at magpre-prepare. Two days lang, and after that balik ulit sa normal, tons of schoolworks na naman ang maghihintay sa amin after nito.

Ever since grade seven, I've been consistently participating in the quiz bee competition inside the campus every students' day because there's always a cash prize. Hindi man gano'n kalaki para sa iba 'yong nakukuha kong cash prize pero para sa 'kin ay sapat na 'yon para makatulong sa mga gastusin sa bahay, lalo na't hindi naman ganon kalaki ang kinikitang pera ni mama.

Every Guitar StringWhere stories live. Discover now