Chapter 03

285 13 5
                                    

"Finally, balanced na!" I let out a joyful shout.

Muntik na akong mawalan ng pag-asa dahil ang akala ko ay hindi ko na matatapos 'to. I smiled as I look at my paper and exhaled with a sense of ease. Muntik ko nang iyakan 'to kanina dahil kahit anong gawin at baguhin ko ay hindi pa rin balance, buti na lang ay nagtanong ako sa teacher namin kanina. FABM na yata talaga ang sisira sa senior highschool life ko.

"What if balanced nga pero may maling entry?" It was Yvelle.

"Oo nga, sabi ni ma'am hindi porke balanced na ay tama na," Jiro said, trying to annoy me.

I couldn't help my self but to laugh, knowing that they were just teasing me.

"Mga inggitera at inggitero nga naman. Inuuna pagiging bitter instead na unahin 'yong pagbalance."

Nandito kami sa tabi ng school ground, may mga upuan dito na may mga lamesa rin, malilim dito dahil may mga punong kahoy kaya naman presko, pero medyo may kaingayan dahil na sa labas kami. Sa library sana kami tatambay kaso baka pag-initan kami roon dahil sa hindi mapigil na kaingayan namin. May meeting ang mga teachers at vacant and next period namin kaya mahaba ang time namin para gawin kung anong gusto naming gawin. Tuwang-tuwa naman kami dahil mahaba ang free time namin dahil bugbog kami kaninang umaga sa mga sunod-sunod na subjects.

"Laro na lang tayo ng uno, tutal free time naman natin kaya 'wag muna tayong magstress sa FABM na 'to," pag-aaya ni Jiro.

"Dinadamay mo na naman kami sa katamaran mo ha," pag-angal naman ni Yvelle.

"Takot ka lang yata na matalo ko kayo e', hindi ko naman kayo papahirapan."

Bago kami magsimula ay dumating naman si Kyler kasama ang isa pa naming kaklase kaya namam sinali na lang namin sila dahil ang boring naman kung kaming tatlo lang ang maglalaro. Ang nagshu-shuffle naman ng cards ay ang kaklase naming lalake na kasama ni Kyler, at habang nagshu-shuffle siya ay niligpit ko muna ang gamit ko at itinabi para walang sagabal habang naglalaro kami. P'wede naman daw maglaro ng uno rito, pero dati ay hindi talaga p'wede, pero dahil ngayon na iba na ang student council president ay pinayagan na ito, 'wag lang daw kaming mahuhuling magsusugal.

Habang naglalaro kami ay tawa lang kami nang tawa ni Yvelle dahil tinotoo nga ni Jiro ang sinabi niya na hindi niya kami papahirapan, dahil sa first game hanggang fourth game namin ay talo siya. Ang dahilan naman niya ay pinagtutulungan daw namin siya kaya hindi siya nananalo.

"Jiro, masyado ka namang nag-eenjoy sa pagiging talo, magpasublat ka naman, loose streak ka na nga oh," pang-aasar ni Yvelle.

"Ang dadaya niyo talaga, kapag ako nanalo ha."

Nagpaalam na sila Kyler na aalis na raw sila dahil i-checheck pa raw nila 'yong classroom kung magulo ba o hindi para naman kapag nagcheck ulit ng classroom ang mga members ng student council ay malinis ito at hindi na kami magmumulta. Wala naman na kaming ibang gagawin at ayaw pang tumigil ni Jiro sa paglalaro dahil babawi pa raw siya sa amin kaya itinuloy na lang namin ang laro kahit tatlo lang kami.

"Uno!" sabi ni Jiro pagkababa niya ng kaniyang card dahil isa na lang ang natitira niyang card.

Dalawa na lang kaming naglalaro, habang si Yvelle naman ay tahimik lang na nanonood sa amin. Ayaw ko pa namang natatalo sa ganitong bagay kaya naman focus na focus ako sa laro, lalo na't sigurado akong kapag natalo niya ako ay magyayabang na naman siya sa kung sino-sino gaya ng lagi niyang ginagawa.

Ang inihulog niya ay color yellow na number 8, tinignan ko naman ang cards ko na tatlo na lang pero bumuntong hininga ako nang makitang wala 'yon sa cards na meron ako. Napilitan na lang ako na bumunot, dahan-dahan kong tinignan ang card na nabunot ko, color yellow na plus two. Malalim akong bumuntong huminga dahil ang gusto kong mabunot ay change color.

Every Guitar StringWhere stories live. Discover now