4 -

13 0 0
                                    


Chapter 4.


Noa's POV

Maaga akong nagising at nag ayos, baka kasi mag hintay pa sakin si jake mamaya, nakakahiya naman.

Nag aayos na lang ako ng buhok sa harap ng vanity mirror ko, pagkatapos ay dinampot ko na ang bag ko na nasa kama at lumabas na ng kwarto ko.

Saktong pagkabukas ko ng pintuan ng masalubong ko si ethan, he is standing infront of my door, napaatras naman ako ng konti dahil ang lapit lapit niya sakin, he is also wearing his college uniform at medyo nakataas ang bangs niya, ang gwapong bungad sa umaga.

Mukhang galing siya sa kwarto ni Ate Fey, nag sisleep over siya dito minsan eh.

"Hey" Nakangiti niyang bati sakin. Ayoko ng maging marupok sa ngiti niya.. kalma lang noa.

"A-ah hi" Bati ko sa kaniya tsaka lalagpasan sana siya ng hilahin niya ko pabalik at hinarap sa kaniya.

"You look so pretty" Mahinang bulong niya malapit sa tenga ko. It sends me chills, tangina! Pakiramdam ko bigla akong nakuryente.

Hindi ko siya sinagot, hinigit ko lang yung kamay ko tsaka siya iniwan don, gosh! Ayoko ko na, please, ayoko ng umasa tsaka i need to accept na boyfriend siya ni ate fey at kay ate fey lang!

"Oh tamang tama you're here na sis, kakarating lang ni jake" Nakangiting bati ni ate fey sakin, nakita ko naman agad si jake sa sala.

He smiled at me tsaka tumayo para abutin yung bitbit kong bag, hindi naman ako umangal ng kunin niya.

"Good morning Noa, you're so pretty" Sabi niya sakin tsaka ako kiniss sa cheeks, rinig ko naman yung kilig ng ate ko sa tabi.

"Oh my god!!! Yung baby sissy ko! Kinikilig ako sa inyong dalawa!" Kinikilig niyang saad. Natawa naman kami ni jake sa kaniya.

"I bought you coffee and egg sandwhich in my car baka malate na kasi tayo eh" Mahinang bulong niya sabay kamot sa batok niya, cute!

"Alis na kami ate, baka malate na kami e" Sabi ko kay ate fey.

"Teka! Hindi ba kayo muna mag breakfast? Sabay na kayo samin ni ethan" Umiling naman ako.

"Hindi na, next time na lang kami sasabay sa inyo ate" Paalam ko sa kaniya tsaka siya hinalikan sa pisnge at inaya na si jake palabas ng bahay.

Pinag buksan pa niya ako ng pintuan ng sasakyan niya. Prente naman akong umupo sa passenger's seat at sinuot ang seatbelt ko.

"Here's your iced coffee and egg sandwich, eat it while we drive to school" Inabot niya sakin yung coffee na nasa cupboard at nakabalot na egg sandwich.

Aww ang sweet naman niya, ang swerte siguro ng magiging girlfriend ng isang Sim Jaeyun.

Inabot ko naman yun at masayang kinain, sinisilip naman niya ako paminsan habang iniinom ang coffe niya tsaka ulit mag fofocus sa daan.

Ilang minutes lang nakarating agad kami ng school at nag park sa parking lot.

"Hey, Let me carry your bag" Sabay kuha ng bag ko sa kamay.

"Uy wag na, ako na jake" Aagawin ko pa sana yung bag ko ng bigla niya ako hinila palapit sa kaniya at hinawakan ang kamay ko. My gosh anteh! bakit parang bumibilis ang pintig ng heart ko!

"Ako na, ubusin mo na yang kape mo habang naglalakad tayo papunta sa room" Sabay ngiti sakin. Shocks! Bakit ang gwapo naman nito Lord!

My Unnie's Boyfriend (HeeJake)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon