Ako Lang Pala 'Yun

15 0 0
                                    


Natapos ang pag-uusap at napatulala
Nagpakawala ng malalalim na hinga
Umiiling at halos hindi makapaniwala
Dinalaw muli ang mga ala-ala
Akala ko pareho tayo ng pahina
Pero ibang pangalan pala ang hinahanap at gusto mong makita
Sana hindi na lang pala kita nakilala

Bakit hindi pala ako?
Samantalang ikaw ay palaging nasa sistema ko
Buong akala ko ako ay minahal mo
Pero nahulog lang pala ako at di mo sinalo
Lang'ya namang buhay 'to
Ang tagal kong nagmamahal sa'yo
Tapos malalaman ko na lang na ganito?
Hustisya naman sana kahit papa'no!


Ikaw iyong taong gusto ko laging puntahan
Gustong magsumbong at sa'yo ay tumahan
Ikaw iyong taong kayang magpagaan
Kayang magbigay liwanag sa gitna ng kawalan
Pero bakit sa'yo din ako nalugmok at napuruhan?
At kahit na talo na ay gusto ko pa ring ipaglaban
Kahit na alam ko na ang katotohanan,
Ikaw pa rin ang gustong balikan




Lahat ng ngiti na inakala kong para sa akin
Balewala lang pala sa'yong paningin
Ako lang pala ang nahulog sa bangin
Iba pala ang gusto mong saluhin
Sa kanya ka naman pala nakatingin
Ala-ala ko'y gustong baliktarin
Gustong itaboy lahat ng damdamin
Pero paano gayong ikaw pa rin ang daang nais kong tahakin?



Ako lang pala 'yun,
'Yung nagmahal, 'yung naiwan,
'yung gustong bumalik
Ako lang pala 'yung nandu'n
'Yung nasaktan at nawasak pero palagi pa ring nananabik.

Spoken POETRY In WattyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora