"Mga Tanong.."

18 0 0
                                    


Bakit...

Bakit?
Isang tanong na mahirap sagutin.
Malayo ang pwedeng lakbayin,
At marami ang nagiging usapin.

Isang tanong na hindi mo alam,
Kung sa anong salita ka manghihiram,
Madalas gusto mong daanin sa liham,
Dahil hindi mo alam kung sagot ay mainam..

Kung tatanungin kaya kita,
Masasagot mo nga ba?
At kung masasagot mo, kaya ko ba?
Ang makuntento sa bawat letra?

Bakit?
Bakit umiwas ka na lang?
Bakit gumawa ka ng mga harang?
Bakit hindi na kita makausap man lang?

Bakit?
Bakit ka bumitaw?
Bakit ka umayaw?
Bakit hindi mo man lang nilinaw?

Bakit?
Bakit ka napagod?
Bakit ka tumalikod?
Bakit ang dami ng bakod?

Bakit?
Bakit ka huminto?
Bakit ka sumuko?
Bakit ka lumayo?

Bakit?
Bakit wala man lang eksplenasyon?
Bakit wala ka ng  reaksyon?
Bakit hindi man lang lumilingon?

Paano..

Paano?
Napakahirap  itanong.
Para kasing isang bugtong,
Hindi mo alam ang idudugtong.

Tanong na kahit masagot,
Marami pa rin ang gusot.
At kahit anong lusot,
May maiiwang salitang may hugot.

Lagi mong gustong subukan,
Pero lagi kang kinakabahan,
Alam mo kasi na wala ng atrasan,
Kapag nasimulan na ang tanungan.

Paano?
Paano akong mananatili?
Kung sa bawat sandali,
Hindi ako ang iyong pinipili.

Paano?
Paano akong kakapit?
Kung sa bawat paglapit,
Sukli mo ay galit..

Paano?
Paano kong lilinawin,
Ang aking damdamin,
Kung lagi kang nakaiwas sa akin..

Paano?
Paano ko ipapadama?
Paano ko maipaparating sa salita?
Kung lagi mo akong hindi nakikita.

Paano?
Paano akong magpapakita ng emosyon?
Alam ko namang wala kang itutugon.
Kaya minabuti kong wag ng lumingon.

Saan....

Saan?
Isang tanong na mahirap sundan.
Bawat sagot ay maraming dadaanan.
Nag-iiwan ng nagsasangang katanungan.

Saan?
Tanong na tatangayin ka sa malayo.
Bibigyan ka ng sagot na lalong magpapalabo.
Sa takbo ng usapang di mo na mahihinto.

Saan?
Hindi mo malaman kung saan nanggaling.
Di malaman kung saan babaling.
Walang ibang magawa kundi ang umiling..

Saan?
Saan ba ako nagkamali?

(Itutuloy hahaha)

Spoken POETRY In WattyWhere stories live. Discover now