II.

201 26 0
                                    

Typographical and grammatical error are inevitable.

WARNING: Sensitive words might encounter. Be guided.

SECIL

Sa City Main Jail na ako dumeretso, dala pa ang backpack na mga damit ang laman. Nagmamadali ako dahil ang sabi ni Jumae ay on the way na siya papunta sa waiting shed sa Publacion kung saan niya ako susunduin. Mag a alas-singko na kasi nang makarating kami sa mismong City Hall, at dahil malapit lang naman 'yon dito eh napagdesisyonan ko nalang na bumisita saglit.

"Ano pong pangalan mo Ma'am?" Tanong sa'kin ng babaeng pulis na nasa front desk.

"I'm Secil Manalo, one of the city journalist, I think nagpadala na ang office namin sa inyo ang sulat regarding sa proyektong gagawin ko ngayon," ngiti ko.

May chineck siyang sulat na sa tingin ko'y letter ng agency namin. "Ay oo Ma'am, sige po p'wede na kayong pumasok," itinuro niya ang daan papuntang hallway.

Bale, dadalawin ko lang muna ngayon ang lalake para bukas alam ko na kung sino ang oobserbahan ko at gagawan ng documentary.

Mukhang nakilala ako ng pulis sa may entrance sa visit area kaya agad niya akong pinagbuksan ng pinto.

"Ma'am, kayo po pala ulit." Bati ng pulis na nginitian ko lang.

This is not my first time to work in this kind of place. Hindi na mabilang kung ilan ang mga bilanggong nasubukan ko ng gawan ng observation paper. Sana lang matino ang isang 'to. Sana lang matapos ng apat na taon niyang pagkakakulong niya eh may pagbabago. Sa previous observation report paper kasi niya ay med'yo naroon parin ang mga epekto ng druga sa kaniya.

Nang nakakuha na ako ng lamesa ay agad na tinawag ng isa sa mga pulis ang preso mula sa loob para ipaharap sa'kin.

Napabuga ako ng hangin. Bakit ba kinakabahan ako? Sabagay, palagi naman akong kinakabahan. Sinong hindi, eh mga kriminal ang makakasalamuha.

Maya maya ay may kasama na ang pulis.

"Nas'an?" My gaze automatically flew to that man who speak up with a baritone voice.

"Ayon," turo sa'kin ng pulis.

Nagtama ang paningin namin ng lalake. I froze at that very moment. I blinked twice, thrice and again. Hindi ako gumalaw lalo na nang unti-unti siyang lumapit sa'kin. Napalunok ako ng paulit-ulit. Nanginig ang kalamnan ko.

Siya.

A good-looking man not bad in his orange shirt. A lot of tattoos in his body. A lot of pearcing. Look like an addict.

Hindi ako p'wedeng magkamali, ang lalakeng 'yan . . .

I mentally waking up my system. Bangungot siguro 'to. 'Diba natulog ako kanina sa van? Shits! Napatunayan ko nga na binabangungot ako, lalo na no'ng sumilay ang isang nakakalokong ngisi sa labi ng lalakeng nakatayo na sa harapan ng lamesang kinauupuan ko.

Hindi ako umimik. Nanatiling nakatitig sa kaniya, hinihintay na maglaho siya sa panaginip ko na siya ring paggising ko—

"May magandang babae akong bisita, ang swerte ko naman," natatawang aniya.

Totoo 'to. Totoong kaharap ko siya.

Ang lahat ng kabang nararamdaman ko kanina lang ay napilitan nalang bigla ng galit at pandidiri.

Napakuyom ako. Ang lalakeng 'to?! Ang gagawan ko ng documentary? Napasinghap ako sa ere. Para akong kinakapos ng hininga.

"Anong kailangan mo?" Tanong niya pagkaupo.

That guy in jailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon