Typographical and grammatical error are inevitable.
SECIL
Day 4
"Call me whenever that sort of thing happened again," paalala ni Jumae bago ako lumabas sa kotse niya. Napahinga ako ng malalim. Kahapon hindi maayos ang ending ng usapan namin ni Adik. Kailangan ko rin sigurong magsorry dahil nasobrahan na ang pagiging mataray ko.
Kahit ano pang sabihin ko, anak niya ang mga anak ko. Siya ang tatay nila.
Pagpasok ko palang sa waiting area ay may mga tao nang nakaupo ro'n. Nagtaka ako. Ang aga naman yata nila para maghintay ng dalaw?
Bigla nalang sumulpot si Adik. Mukhang bagong ligo ito at nakasout ng formal attire. Maayos ang hitsura niya ngayon, tila ba may espesyal na okasyon siyang dadaluhan.
"May Thursday Service kami ngayong umaga, ayos lang ba sa'yo na maghintay ng isang oras."
Napasapo ako sa noo dahil sa sinabi niya. "Kung sana sinabi mo kahapon na may Service kayo e'di sana nagpalate ako." Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko at walang ganang inilibot ang tingin. Puro mga naka orange ang nandito, naiiba sa kulay itim kong damit at sa puting sout ni Adik.
Natawa siya. "Attend ka nalang din total dito lang din sa waiting area magaganap ang Service."
Tumango nalang ako. Uupo na sana ako sa isang bakanteng lamesa sa gilid ngunit tinawag ako ng isang grupo ng kababaihan. Hinahap ng mata ko si Adik. Tinignan ko siya na parang nagpapatulong. Baka kung anong gawin sa'kin ng mga babaeng ito! Pero imbes na kaawaan ay sinenyasan ako ng mokong na makisali sa kanila. No choice.
"Magandang umaga sa inyo," bati ko sa kanila. Nag bow pa ng kaunti. Sa totoo lang kinakabahan ako na natatakot.
"Mas maganda ka pa sa umaga sis," wika ng isang babaeng tingin ko ay kaedad ko lang. Bakit kahit nasa preso ang mga 'to ay ang kikinis parin ng mga balat nila at magaganda ang pangangatawan? Ibang iba sa inaakala ko.
"Maupo ka na, mas makikita mo rito si Pastor Alwin hihi," singit naman ng isa. Mukhang mas bata sa'kin ang isang 'to.
Wala akong ibang nagawa kun'di ang makiupo nalang sa apat na babae. Hindi ko maiwasang mag-isip. Ano kayang mga kaso nila? Mga kriminal parin sila.
Napatingin nalang ako sa harapan, kasalukuyan nilang inaayos ang disenyo ro'n. Dahil narin siguro, ro'n pwe pwesto ang Pastor.
"Siya nga pala, ikaw si Secil 'diba?" Dumako ang tingin ko sa katabi ko.
"Oo ako nga, paano mo nalaman?"
"Sus, paanong hindi namin malalaman eh hindi marunong maglihim ang Pastor namin?"
Nagtawanan silang apat.
"Ako nga pala si Mayda." Pakilala ng isa.
"Ako naman si Sheril. 'Yan si Lozel, feeling boss sa'min, ampt."
"At syemp're papahuli ba ako? Ako naman 'to, si Sheyn," ngiti ng katabi ko.
Sheyn, Ako
---LAMESA---
Lozel, Sheril, MaydaDumako ang tingin ko sa Pastor na nakatayo na ngayon sa aming harapan. Hawak ang mikropono. Mukhang handa nang magsalita.
"Ayan na, magsisimula na ang misa." Bulong ni Sheyn sa'kin.
"Magandang umaga sa inyo mga kapatid!" Pagbati ni Alwin. "Handa na ba ang inyong puso, isip, diwa't kaluluwa sa paglilingkod sa Kaniya?"
"Amen!" Sigaw ng lahat.
YOU ARE READING
That guy in jail
Teen FictionSi Secil Manalo ay isang ordinaryong babae, may pangarap hindi para sa kaniya ngunit para sa kaniyang pamilya. Puro pag-aaral ang inatupag ng dalaga, ni hindi na niya naranasang makipag socialize sa iba o pumasok man lang sa isang romantic relations...