Kabanata 5

31 8 2
                                    

Kabanata 5

Family Friend

Nasa kuwarto ko ako habang kasama si Astrid. We're getting ready for the grand dinner later. Dito siya pumunta dahil wala namang ibang babae sa Monteverde na makakasama niya para mag-ayos. Dumaan ang dalawang araw pagkatapos nung huling pag-sasama naming magpipinsan. Kaya ito kami ngayon ni Astrid. Hinatid siya ni Hudson dito sa bahay namin kaninang after lunch.

"May nabili kang gift?" Tanong sa akin ni Astrid.

Inaayos niya ang kaniyang mahaba at straight na kulay ash brown niyang buhok sa harap ng vanity table ko.

"Yeah. Pero hindi ko pa nababalot. Andun sa bed side table ko." Sabi ko habang inaayos din ang straight kong buhok sa harap ng malaking salamin sa kwarto ko. Mine is a bit of a light brown.

"Sinong nabunot mo?" Aniya.

Kahapon kasi ay nag text sa group chat naming lahat si Serena. She announced our annual gifting. Kung saan randomize ang makakabunot sayo. Naging tradition na rin namin ito alongside the grand family dinner. Pero kami kami lang magpipinsan ang gumagawa nito. Dahil nakita nilang may niregalo ang tita namin sa nanay nila Astrid, without us knowing na birthday niya pala iyon. We were too young to understand what was going on back then, all we knew was we wanted gifts too. Kaya hanggang sa naging tradisyon na lang namin at hindi na natigil pa. Si Serena at Estelle taaga ang mga nagpasimuno. But of course, the boys find it childish. Pero wala silang choice dahil pinilit pa rin sila ng dalawang magkapatid.

May mga pagkakataon naman na walang gift iyong iba. Either walang naisip or tinamad na. Normally between the boys nangyayari. It's gotten normal to us dahil halos taon taon din kaming nagreregaluhan. Kaya iyong iba naumay o nawalan na ng gana. Minsan hard liquor bottles na lang ang nireregalo ng boys sa isa't-isa. Kami naman ng girls ay inuulit na lang iyong same type of gift. Kung dress last year, dress ulit ngayon dahil naubusan na ng idea.

"Si Archie." Sagot ko sa tanong ni Astrid. Tinignan ko naman siya mula sa malaking salamin.

"I wonder who picked us 'tho. Malaki ang chance na isa sa mga boys. Sana naman kahit papaano matino ang i-regalo nila." Sabi niya nang nakanguso.

Dahil nga sa paulit ulit na regaluhan, minsan kung ano na lang maisipan ng boys. Last year Archie got Gavin a condom from a drugstore. Para naman daw hindi siya mapagiwanan sa babae. I'm pretty sure it's from his pockets too. Hindi pa iyan. It varies from time to time. Minsan napakawalang kwenta, minsang sobrang weird, minsan naman ay masyadong binonggahan. They don't care. Minsan nirerecycle na lang din nila iyong regalo.

"Sino ang nabunot mo?" Tanong ko naman sa kaniya.

Tinignan naman niya ako mula sa salamin.

"Si Ezrael. I got him perfume. Wala dapat akong ibibigay. Pero napadaan ako kahapon sa Mall kaya naisipan ko na lang bilhin sa kaniya iyong lagi niyang gamit na pabango." Aniya.

Tumango lang ako habang nilalagay sa buhok ko iyong diamond hair clip na niregalo sa akin noon ni Gavin.

"Never mo siyang nabunot diba?" Random niyang tanong.

"Yeah." Tumingin naman ako sa harap ng salamin at pinasadahan ng tingin ang buhok ko.

"Pero nabunot ka niya last time. I remember."

Yeah, last year. It was a jewelry box. And I've never worn what's inside it. Not even once. Because I never tried to see what it was. Nilagay ko lang sa loob ng wardrobe ko at hindi ko na pinakialaman pa kailan man.

Bigla namang may kumatok sa pinto. Bumungad sa amin ang naka-tuxedong si Archie.

"Hindi pa ba kayo tapos?" Pumasok siya at agad humiga sa kama ko. He groaned like he's been through a hectic day at work.

Yours To LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant