Kabanata 23

5 2 0
                                    

Kabanata 23

Thunder

The morning came so this is our last day in the resort. May pangalawang lugar na gustong puntahan sina Serena. Sa Hulugan Falls o sa Mt. Makiling na parehas nasa Laguna. Balak talaga namin mag-hike. Aabutin kami ng 5-7 hours kaya nakakapagod talaga yun. But in the end, hiking ang napagdesisyunan ng lahat saka na lang dadaan ng Hulugan Falls for some last relaxation.

Humikab ako. I feel like I didn't sleep well last night. Natapos kaming kumain ng breakfast na nagbubukas ng 7am. So before we all leave, we decided to swim for one last time here at the beach. Marami kaming nakuhang magagandang litrato ng sunrise. Mas hinabol pa namin yun kaysa sa breakfast.

"Skimboard na tayo Rose!" Anyaya ni Serena.

"Sama ako!" Si Astrid na kakasunod lang.

"Tara!" Ngumiti ako. I wanted to enjoy this place for the last time with my board. Tagal ko ring hinintay masubukan ulit ito.

Nakita ko si Ezrael at ang ibang boys na tinutulak si Archie sa dagat. Dinig mula dito ang mga mura ni Archie habang nagsitalunan na rin ang boys sa tubig. Tumakbo na rin kami ng girls habang hawak ang mga skimboards na dala namin.

Inabangan ko ang unang wave so I can skim for the second one. It is much better so the sand will be washed with water first, making it easier for me to slide through it with my board. Habang hawak ko ang aking purple na board ay tinapunan ko muna ito ng buhangin gamit ang aking paa para maging maayos ang pag-slide ko. Hinulog ko na ito nang pantay sa nabasang buhangin saka ko ito tinapakan ng kaliwa kong paa bago ang kanan, at sinakyan ito sa paparating na second wave. My ride went smooth and accurate with the water, then bumalik na'ko sa shore at nagpatuloy pa rin ang aking board sa pagslide kahit na bumaba na ako rito.

Someone picked it up.

I stared at Ezrael who's walking towards me.

He's alone while the other boys are on the other side. Ang mga girls ay nag-s-surf pa rin.

Kumunot ang noo ko habang pinapanuod siya.

"That was neat. Can you teach me?" Ngumisi siya.

I don't even know what he's doing here.

"Don't fool me. Magaling ka sa pag-surf, Ezrael."

"Yeah, but not skimboard. It's smaller." Tawa niya.

Binalingan ko ulit sila Astrid at Serena na busy kasama na ang boys. Kinuha ko sa kaniya ang skimboard ko.

"Bakit ka ba nandito? Also... have you talked to Aimee yet?" Pasimple kong tanong.

"I tried. Hindi ko naman siya mahanap." Walang ganang saad niya at nagkibit-balikat.

"You should go to her. Hanapin mo."

I'm trying okay!

"Ezrael, stop bothering Rose!" Sigaw sa amin ni Serena mula sa malayo.

Nilingon siya ni Ezrael at ngumisi lang sa kaniya. Stupid jerk.

Sinenyasan ko si Serena na ayos lang kami. She narrowed her eyes then saka lang din tumango na parang napanatag na siya. There.

"Dun ka na. Inaabangan ko pa sila Tanya dito." Sabi ko.

"Hmm. Kasama si Aimee?" Ngumuso siya at nagpamulsa habang nasa akin ang kaniyang buong atensyon.

Is it possible to hate the way he stares because it's too much to handle? Ang hirap kumalma sa paraan ng paninitig niya. It builds crazy tensions and I'm too goddamn weak for it.

"Oo." I shifted my eyes.

Unti-unti niya na bang nagugustuhan si Aimee? Hindi ko alam kung bakit mas nasasaktan ako sa ideyang mas magkagusto siya kay Aimee kaysa kay Livia. Maybe because she's my close friend. Mas doble ang sakit.

Yours To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon