Kabanata 11

25 5 3
                                    

Kabanata 11

I Win

Gabi na kaya napagdesisyunan na naming lahat umuwi. Pero nagkaroon nang kaunting problema dahil malayo pa ang uuwian nila KB, Monica, Tanya, at Aimee. Nagdedecide pa kami kung sino ang maghahatid sa kanila pauwi. Ayaw nila Estelle na pauwiin sila nang nakainom.

"Huy, okay lang ano ba kayo! Nakalibre na nga kami sainyo ng pagkain at inumin eh! Hanggang dito na lang kami, okay lang talaga!" Ani KB.

Mukhang wala namang choice kundi sumang-ayon na rin sila Monica. Aimee looks sleepy, and Tanya is with her trying to help her. Lumapit naman ako sa kanila.

"Aimee, kaya mo pa ba?" Tanong ko habang alalay ko sa kaniya.

"Parang hindi na Rose. Mabilis kasi itong tamaan. You know, mababa lang ang tolerance nito sa alcohol." Ani Tanya.

"It's fine KB! Girls papahatid na lang namin kayo isa sa mga boys! But the question is, who's free?" Ani Serena.

Hindi ko alam anong umudyok sa akin na magsalita pero sinabi ko ang pangalan ni Ezrael.

"Si Ezrael na." Napalingon siya sa amin na nagtataka habang katawanan sila Archie at Nik.

"Ikaw ang maghahatid sa girls pauwi. Can you do that?" Ani Serena.

"Why me?" Kumunot ang noo ni Ezrael.

"Dude? Just stop questioning it! Swerte mo na nga!" Sapak sa kaniya ni Archie.

"What?" Halakhak ni Ezrael at binawian din siya.

"Hudson doesn't know these girls, ihahatid niya pa mga kapatid niya pauwi. Also, puno ang fortuner ni Dom, dahil sa amin sasabay si Archie. Lastly, I don't trust Callum." Ani Serena.

"Damn!" Humalakhak si Dom saka tinapik si Callum na nakangisi lang at napailing.

"Teka bakit sainyo ako sasabay?" Reklamo ni Archie.

"Kasi nga po si Ezrael ang maghahatid! Dapat ba kasali ka?" Ani Astrid sa kaniya.

"You won't fit, Archie. Apat ang babae." Pahayag ni Nik na tinawanan siya nang malakas.

"Please, Ezrael? Rose will accompany you naman." Si Estelle.

Nanlaki naman ang mata ko dun. Na naman?

"Teka–"

"Alright." Ngumisi si Ezrael at humilig sa pinto ng kotse niya.

"Teka! Hindi ba ako sa inyo Serena?"

"Nope, Rose. The girls will need you there too." Ani Serena.

Napabuntong hininga naman ako. Damn, she's right!

"Tapos na ba? Gusto ko na umuwi." Walang pakealam na sabi ni Russ.

"Yes, we're done here. Okay, everyone, ingat sa pag uwi!" Ani Estelle.

Nagyakapan naman ang mga girls at nag-high-five rin ang mga boys.

"Rose. Thank you. I really enjoyed tonight." Biglang sulpot ni Ethan sa tabi ko.

"Ethan! I-I should thank you too. For the food and for accompanying us? Naappreciate namin nang sobra, lalo na ang girls." Sabi ko.

"Just the girls? Ikaw ba hindi?" Ngisi niya.

"Hindi 'no! Oo syempre!"

"That's good to know." Humalakhak siya like he was just teasing me. "Goodnight, Rose. I'll see you again." Saka kinuha ang kamay ko para dampian ito ng halik. Cheesy yet I like it. Kaya naman napangisi rin ako.

Yours To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon