Chapter 18: Regrets

15 0 0
                                    

GULAT ang lahat sa nangyari, maski si Avari ay hindi makapaniwala na nagawa iyon ng kanyang Tatay Rivar.

Si Wilder nag-agaw na rin ng baril sa dalawang bantay. Akma sanang bubunot ng baril sina Wela at Rango nang mabilis na binunot ni Avari ang kanyang tinatagong baril sa combat shoes na suot. Tinutukan niya ang dalawang mag-asawa.

"Sige, subukan niyo. Kung ayaw niyong humandusay at maligo sa sariling dugo," banta niya sa dalawa.

Mabilis namang nagtaas ng kamay si Rango at Wela sa kanyang ginawa. Hindi ang mga ito nanlaban. Nilingon niya si Wilder at napatumba na nito ang dalawang bantay. Maging si Rivar ay napatumba na rin ang dalawang nagbabantay rito.

"Halina kayo, bago pa magising silang lahat." Anyaya sa kanila ni Wilder.

Sumunod si Rivar kay Wilder at tinanguan nito si Avari. Kinarga ni Wilder si Rango at kinarga naman ni Avari si Wela.

"Buksan niyong dalawa ang pinto," utos niya sa mga ito.

Wala namang nagawa ang dalawang mag-asawa at binuksan iyon. Pagkalabas, pinaputukan agad nila ng bala ang mga bantay sa pasilyo. Dahil hindi nakapaghanda ang mga ito naubos nilang patumbahin. Mabuti na lamang at wala roon si Hamber, tila lumabas ito kanina habang nag-uusap sa loob. Mas mainam iyon, dahil oras na makatunog ang head ng security, paniguradong papalibutan sila at hindi makalabas ng buhay.

"May shortcut bang daanan na walang halos na bantay?" tanong nio Wilder kay Rango.

"Oo, sa bandang kanan. Sumakay tayo ng elevator at pindutin mo ang first floor."

Sinunod ni Wilder iyon. Nanatiling nakasunod naman si Avari sa kanya habang dala si Wela at ang kanyang ama na si Rivar sa hulihan. Tama naman ang sinabi ni Rango wala ngang bantay sa pasilyo, pero may mga CCTV. Pinaputukan iyon ni Wilder at ang maging sa loob ng elevator

Nang makarating sila sa first floor, tumungo agad sila sa exit. May mga ilang bantay roon ang nakaabang pero inunahan na agad nila ang mga ito. Alam nila na narinig ng iba ang putukan na nangyari, kaya't kinakailangan na nilang makaalis ng lugar na 'yon.

"Saan ang sasakyan niyo?" si Wilder.

Tinuro naman ni Rango ang mamahaling sasakyan na nakaparada sa parking lot ng gusali. Mabuti na lamang at walang mga kalaban doon kaya mabilis ang kanilang kilos. Hindi na nila inaksaya ang panahon at mabilis na sumakay ng sasakyan.

"Isasama niyo kami?" sigaw na tanong ni Wela.

Pumunta sa likuran si Avari at Rivar habang dala ang dalawang mag-asawa. Si Wilder naman pumunta sa harapan ng sasakyan para magmaneho.

"Oo, gagawin namin kayong bihag," sagot ni Avari.

Tinutukan nila ng baril na mag-ama ang mag-asawa para hindi ito makagawa ng kahit anong balak laban sa kanila. Kinapkapan ni Rivar ang dalawa para hanapan ng mga sandata na nakasukbit sa katawan ng mga ito. At hindi nga nagkamali ang ama ni Avari, may nakuha itong dalawang kwarenta y sinko kay Rango at ganoon din kay Wela. Kinuha nila na mag-ama iyon at isinukbit sa kanilang baywang.

Mabillis ang pagmamaneho ni Wilder. Kinakailangan dahil mahirap na ang maabutan sila ng mga kalaban. Kilala niya si Hamber, gagawin nito ang lahat para mahanap lamang sila. Lalo na at nabaril ang amo nitong si Miss A.

Ipinarada ni Wilder ang sasakyan sa likod ng kanilang hideout. Isang lumang aprtment iyon at sila lamang ang naroon, kaya walang makakaalam sa sasakyan at sa kanilang bihag.

Lumabas naman sina Ange at Wesly nang makitang paparating sila. Nanlaki ang mata ng mga ito nang makita kung sino ang mga panauhin.

"Pumasok na muna tayong lahat sa loob. Wesly, kumuha ka ng malaking tela at takpan ninyo ang sasakyan. Hindi dapat iyon makita," utos ni Wilder sa dalawa.

Land of SinnersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon