HEARTBEAT

1.8K 86 22
                                    


TAMING VIOLET
HEARTBEAT


"Class dismissed."

Agad kong niligpit ang mga gamit ko at hinintay na matapos sila Val.

"Teka saglit mag reretouch muna ako" napatingin kami kay Jairenx, tanginang bakla to.

"Make it fast Nikolas, I'm getting hungry." Vlain pouted

Kanina pa kasi sila nagrereklamo dahil late dumating 'tong si professor. Salvahera, kumukulo na tiyan ko sa gutom, nakalimutan kong kumain kanina dahil sa pagmamadali

Muntik na akong ma late sa first subject dahil sa walang jeep na dumaan, plano ko ngang umabsent kaso hindi naman ako mahilig sa ganun, may grado akong kailangang i maintain!

"Ano ba Jairenx, kumukulo na ang tiyan at dugo ko sayo, bilisan mo jan hindi mo naman ikagaganda yang pag papaganda mo, tanggapin mo nalang na ganyan na talaga itsura mo"

"Ay wow Val, kung makapagsalita ka, akala mo naman nakalamon ka ng isang sakong sama ng loob, sa panget moba namang yan"

"Your face is really annoying, do you even know that?"

Hindi ba sila aware na nandito pa ang prof namin? Mga wala talaga silang hiya sa katawan

Mabuti nalang at wala si Cleo, dahil kung pati 'yon makikisali sa bagurbulan ng dalawang to ay baka masipa ko silang tatlo sa Pacific Ocean.

Tumingin ako sa harap, Professor Salvahera is still busy with her laptop, she must still be doing something. Sana hindi niya pinakinggan ang mga bunganga nitong kasamahan ko, ako na ang nahihiya

"Stop your pointless fight, let's go." Hindi narin ata kinaya ni Svea kaya pinatahimik niya na yung dalawa, tahimik lang akong sumunod sakanila.

"Miss. Servione, stay."

"P-po ma'am?" Napatingin ako sakanya pero tinignan niya lang ako pabalik at hindi inulit yung sinabi niya.

Rinig ko naman, gusto ko lang makasigurado

Tumingin ako kila Svea na ngayo'y nakatingin sa akin

"Mauna nalang kayo, sunod ako" Kita ko ang pagtango nila bago lumabas, I sigh first before turning my head to professor Salvahera.

She handed me her Books, and bag bago ako tinalikuran "Follow me."

I blink several times and repeatedly checked her belongings and her back. I even discreetly frowned before following her.

Iwan koba, bakit ako kinakabahan.

I quietly followed her, secretly admiring her captivating back as she walks with elegance. Every student we pass by couldn't help but glance at her; some even turned their heads just to catch a glimpse. I can't blame them for being enthralled by this professor; her physical appearance is undeniably perfect.

Halos ata ay maganda sakanya, maliban sa ugali, SALVAHE.

Condolences to the Salvahera family. Damay sila.

"Bilisan mo jan Carlo, kailangang macheck yan ng Staff agad"

Napatingin ako sa taong sumisigaw hindi kalayuan sa amin, may dala 'yong lalake na kahon, marami-rami din ito at halatang mabigat, hindi niya nakikita ang daan, tinuturo lang nong kasama niya

I shifted my gaze to ma'am as she continued walking, she seemed not notice the person in front of her.

Ano bang iniisip niya? Naa-out of place ata siya dahil nakayuko itong naglalakad na tila nasa simento niya nakita ang importanteng bagay

TAMING VIOLET (GXG) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن