LOLLIPOP

739 28 28
                                    

TAMING VIOLET
LOLLIPOP

HI BABIES, SORRY NOW LANG, SHORT UD MUNA LOVE YOU ALL

MAUREEN POV

"Dali na kasi, Mau!"

"Ayaw konga!"

"We need you, kulang kami ng isang tao para sa sport na yun, ikaw agad ang naisip ko dahil pasok naman ang height mo"

Kanina pa sumasakit ang ulo ko dahil sa pangungulit ni Vlain, sinabi ko lang na alam ko kung paano mag volleyball tapos kinulit na ako. Ayaw kong sumali dahil nangunguna ang katamaran ko.

Intramurals na next month kaya abala ang mga student sa pag reregister sa mga gusto nilang laro, ang plano ko ay manood nalang since I'm not interested, but this girl ayaw akong tigilan kaya para kaming tanga dito sa hallway dahil kanina pa kami naglalakad at hindi alam kung saan ang destinasyon. Gusto ko siyang takasan kaso para siyang kabute.

"Si Svea nalang kaya? bakit ba ako ang kinukulit mo jan, alam mong ayaw kong maglaro?" Gusto kong bumusangot dahil ayaw ko talaga.

"Basketball ang kinuha nila ni Val, mga varsity player mga yun, allowed kasi ang babae maglaro ng kahit ano since the university is promoting equality." Basketball? hindi pa ako nakakita ng babae na nagbabasketball, naging interesado tuloy ako kung paano sila maglaro, pabebe ba o astig? And why Svea, and Val choose Basketball, ang dami namang laro.

"Marami namang student dito, I can't really play, Vlain. Tinatamad ako" She hold my hands and squeezed it bago ako tinignan na parang nagsusumamo, hays.

"Dali na kasi, Mau, wala na akong maisip kung sino ang isasali, gusto ko maglaro at ngayon na ang deadline sa pag reregister pag hindi tayo umabot hindi na ako makakalaro, pangarap kopa naman to matagal na. I'm waiting for this every year tapos hindi lang pala ako makakasali" Ang galing niyang mang guilty, oo.

"Vlain.."

"Please?"

Ang sarap naman magdabog ngayon, wala na akong choice kundi ang umo-o, baka magtampo siya, worst hindi ako pansinin.

"Okay, papayag ako sa isang kondisyon." Kita ko ang pag ningning ng mata niya, tumili pa ito at niyakap ako ng mahigpit

"Oemjieee spill it gagawin ko ang lahat!" Bakit ba gusto niya akong sumali?

"Mag papractice lang ako kapag gusto ko, ayaw kong masayang ang oras ko, Vlain. I have works and I can't add another schedule for practice, gagawin ko naman ang makakaya ko kapag laro na." May kapatid ako na dapat uwian, I have work and pendings.

Tumango ito at sinabi sa aking huwag na mag-alala dahil mabait naman daw ang coach nila.

Naglakad kami ngayon papuntang library dahil hindi namin mahanap ang iba naming kasama, wala rin naman ang subject teacher namin since busy ang lahat dahil inagahan nila ang registration para mas makapaghanda ang mga councils. Kailangan kopang mag advance study para hindi na ako mabahala kapag may surprise quiz ang mga professor. Ang hilig nila sa ganun, lalo na si miss. Salvahera.

Speaking of her, ilang weeks nadin mula nong sinamahan niya kami sa sementeryo, pagkatapos ng araw nayun, bumalik ulit siya sa dati niyang ugali, malamig. Nagkikita kami kapag may klase lang siya sa amin, yun lang. Hindi na ulit siya nakabisita sa bahay, siguro busy dahil sa professor ito. Hindi niya din naman ako napapansin dahil tahimik lang ako sa klase niya, minsan nga lang napapansin ko ang titig nito sa akin.

"Ano pala ang ibang laro?" We sat in the dark corner of the Library. Earlier, I grabbed a book to keep myself occupied. There are only a few people here now because I'm sure they're busy choosing games.

TAMING VIOLET (GXG) Where stories live. Discover now