introduce

17 1 1
                                    

Shane pov

it's already afternoon pero andito pa rin kami sa campus and to be exact sa may field kasama namin yung mga boyfriend nila yaks haha. anyways they we're planning to party because it's friday means party.

"papunta na sila Dwayne."saad ni angel habang naka higa sa grass.

"sila? sino kasama nya?" tanong ni nikki within a week naging close din namin yung apat na transfer. lalo na di naman sila mahirap paki samahan pero medyo makulit nga lang lalo na si Peterson kung hindi lang sya kambal ni heaven matagal ko na syang nabigwasan.

"hi everyone!"saad ni Miguel bago umupo sa tabi ni roxsan habang si heaven tumabi na agad kay mika tsk ang landi habang yung isang itlog humiga din sa tabi ni angel.

"uhm guys, okay lang ba if may another introduction ulit tayo sa isa't isa? nag tatampo kasi mga tropa ko about sa pag papakilala sakanila eh." maingat na saad ni Shawn at tumingin samin pero ang mga gaga sakin at kay alliyah tumingin.

"ano pres?"tanong ni alliyah kaya tumango na ako dahil introduction lang naman ulit nila. ano nanaman kaya ang pakana nila ngayon.

"nice thank you pres!" saad ni Shawn at tinawag yung tropa nya na naka higa sa damo na ngayon nag papagpag na ng damit.

"sam pa check likod ko kung madumi."saad ni Peterson habang nililinis yung pants nya after maalis ni Samuel yung dumi sa likod nya agad nag tama ang aming mga mata at sempre kumindat nanaman sya pero umiwas lang ako ng tingin at nag tuon na lang kay shawn na nag sasalita.

"so Dwayne, Miguel, Ashton, Samuel, Angel, Ethan,and Traven, meet my girlfriend Samantha."pag papakilala nya ng maayos na kina tuwa naman ni Samantha

oh kaya pala need ulit ng introduction para ma flex ng maayos sana all I guess?

"my turn, I know kilala nyo na sya pero guys roxsan my one and only."saad ni Miguel habang si roxsan ngumiti lang sakanila pero napansin ko na nag katinginan sila ni Peterson pero umiwas agad. suspicious

"ako naman, bub mga kaibigan ko alam ko sa muka nila hindi sila ganon katiwa tiwala pero sinasabi ko sayo mabait sila hindi rin manloloko sa babae pero sa quiz oo."saad ni Samuel na kinatawa nila nikki ng malakas habang yung mga kaibigan nya binubugbug sya kuno.

"sa pogi namin ginanyan mo kami."saad ni Ashton at kunwaring sinasapak sya sa tyan

"bakit ganyan ang beshy ko."saad ni ethan at nag tumbling na lalong kina tawa ng mga gaga puro kasi kalokohan.

after nilang maka recover bumalik na ulit sila sa kanya kanya nilang pwesto."it's my time to shine!"saad ni Ashton at pumunta sa pwesto ni alliyah at inakbayan ito.

hays ang yabang

"everyone meet my soon to be girl, alliyah."saad nya kaya ngumiti si alliyah kaila Angel na kumakaway sakanya ngayon na parang bata.

"alliyah sure kana ba dyan kay singkit? kasi may oras kapa para humindi."saad ni Peterson at ngumiti ng nakaka loko sakto naman binato sya ng chips ni Ashton

"hahahaha biro lang pero sabihin mo lang if may ginawa yung tropa ko kami na bahala ilibing yan ng buhay." seryoso nyang saad bago tumingin kay alliyah kaya tumayo tong isa at nakipag shake hands

"it's good deal Peterson, thanks." saad nya kaya natawa sila miguel

"hindi lang kay alliyah kundi sainyo din Samantha, felice at roxsan."saad nya kaya nakipag shake hands din yung tatlo kagaya ng ginawa ni alliyah

it's good tho. kasi hindi nila tinotolerate yung masamang gawain ng tropa nila pero hindi pa din sure. someone said na your boyfriend friends are not your friends.

"ako naman." saad ni heaven na kina gulat ng lahat dahil bihira lang sya sumali sa usapan madalas nakikinig lang sya at pinapanood kaming mag rambulan.

"my kuya's meet Mikaela my girlfriend."saad nya at ngumiti kaya sinalubong naman sya ng yakap nila Peterson

na banggit nya na kuya tawag nya kaila Miguel kahit months lang agwat nila nasanay lang daw kasi sya kaya ganon

"aww dalaga na ang baby heaven namin pero demonyo yung ugali." biro ni Shawn kinurot naman sya ni heaven bago tumingin sa kambal nya

"kuya yael, I know nakita mo na sa bahay si mika-" hindi na natapos ni heaven ang sasabihin nya ng ginulo ni Peterson ang buhok nya at hinalikan sya sa ulo.

"hi mika, I guess ikaw na ang magiging kaagaw ko kay heaven when it comes to attention yet please take care of my twin and love her."saad ni Peterson at niyakap saglit si mika bago bumalik sa kina uupuan nya ganon din si heaven na kanina pa naka tayo.

"dahil tapos na tayo sa introduction nyo keneme, let's talk about the plan."saad ni Traven bago tumayo at tumingin sa lahat na akala mo nasa isang meeting

"plan about?"naguguluhan na tanong ni ethan binatukan naman sya ni angel

"sempre yung party mamaya."sagot nito after nyang mabatukan si ethan pero babawi pa lang yung isa ng gumitna sakanila si Traven

"kaninong bahay muna para mapag usapan na kung anong iinumin." saad ni Peterson habang naka tuon sa phone nya

"sa bahay na lang." sagot ni nikki dahilan para nag plano na ang lahat para mamayang gabi and nag dedecide kung overnight or uuwi din after mag saya.

habang busy sila sa kung paano ang ganap mamaya naka received naman ako ng message from someone.

from: someone

galit ka ba?

binasa ko lang at binaba ulit ang phone ko para maki sali na usapan nila dahil naka pag desisyonan na nila na mag overnight dahil nasa abroad naman ang magulang ni nikki kaya walang problema kung doon kami mananatili ng buong gabi.

habang nag uusap kami kung anong alak ang iinumin naka received nanaman ako ng message kaya binasa ko ito through notification

from: someone

really seen?

Shane Margaret really ignoring my messages?

pero sa pangalawang pag kakataon hindi ko nireplayan bagkus naki sali na lang ulit ako sa usapan.

"Smirnoff please." request ko dahil puro hard drinks ang suggestions nila. hindi naman masama kung may beer pang banlaw

"wala na ba, yon lang?" tanong ni alliyah dahil sya yung nag lilista ng bibilhin

nag assigned na din sila kung sino ang bibili while kaming girls ang mag decorate ng bahay at mag linis. pag dating naman sa pag luluto ako, nikki at Shawn ang naka toka with help ni angel dahil mahilig din sya mag luto.

habang nag uusap ang lahat bigla na lang tumayo si Peterson at inayos yung mga gamit nya.

"oh saan punta mo?"tanong ni ethan dahil ang usapan sabay sabay kaming aalis dito

"una nako."maikli nyang sagot at nag lakad na palayo

tsk

susundan pa sana sya nila ethan pero pinigilan sila ni heaven at sinabing bad trip ang kambal nya kaya nauna na. "pano mo nasabi na bad trip si wayne?" tanong ni Ashton habang yung iba tuloy pa din sa plano

"hindi nyo napansin kanina pa sya naka simangot habang naka tingin sa malayo."saad nito at binato kay ethan yung susi ng kotse nya

"aray ko naman!"reklamo nito at hinimas yung noo nya na natamaan

"alam ko kay kuya kayo naka sabay kaya gamitin nyo muna kotse ko sasabay na lang ako kay mika." saad nya at inayos yung gamit nya dahil aalis na din kami tapos na sila mag usap ng kung ano ano kaya aalis na.

-
UPDATE!!!
have a nice day everyone
mwa!

LOWKEY INLOVE Where stories live. Discover now