CHAPTER 42

321 10 4
                                    

This chapter is dedicated to EmoInked and @arileeshly can't mention thank you po!

ACYLLE'S POV

Tanghali na ako ng magising. Napagod ako ng husto kahapon sa gala namin ni Jaydeen. Laking pagtataka ko dahil napaka-tahimik ng bahay. Wala na rin si Astrea sa tabi ko. Hindi ko rin naririnig ang boses niya na kausap ang daddy niya. Sa curious ko ay napabangon ako ng walang suklay-suklay. Hinanap ko ang mag-ama sa bawat sulok ng bahay ngunit hindi ko natagpuan. Bigla akong tinubuan ng kaba sa dibdib. Paano kung tinakas na sa akin ni Hammer ang anak namin? Naku, hindi!

Tumakbo ako palabas nang pinto. Wala rin sila sa bakuran. Muli akong bumalik sa loob upang kunin ang susi ng kotse ko. Nang lumingon ako sa pinto napakunot ako ng noo nang makitang nakasandal si Hammer sa pader habang magka-cross ang kamay. He's looking at me.

"Nasaan si Astrea?" Tanong ko agad sa kaniya nang makalapit ako.

He shrugged his shoulder. Nilampasan niya ako at prenteng umupo sa sofa. Inis ko naman siyang sinundan.

"Anong hindi mo alam?! Saan mo dinala ang anak ko, Hammer?!" Naglabasan na ang litid ko sa sobrang inis.

"Relax. She's just playing with her cousin today napaka-ano mo naman." Umikot ang mata niya.

"Dinala mo siya kayla Gray?"

Tumango siya. "Oo, bakit? Hindi ba dapat?"

Sa inis ko ay hindi na ako nakasagot sa kaniya. Kukunin ko ang anak ko. May usapan kaming dalawa ni Jaydeen na igagala namin sa enchanted kingdom si Astrea!

Hinawakan niya ang pulsuhan ko. "Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong niya.

"Saan pa ba?! Malamang kukunin ko ang anak ko dahil may gala kaming dalawa!"

"Wala kang gala, Acylle. I texted your best friend na hindi kayo matutuloy ngayon. You are going to stay here and we will talk something important." May kariinang saad niya.

Lalo akong nagpuyos sa inis. Anong karapatan niya para mag-desisyon sa buhay ko?! Pilit kong inaalis ang kamay niya sa pulsuhan-hinahampas ko.

"Bitawan mo nga ako! Sinong may sabi na magdesisyon ka para sa akin, ha?! Malaki na ako, Hammer at hindi ko kailangan ng approval mo kung aalis ako o hindi! Wala rin tayong dapat pag-usapan kaya pakawalan mo na ako bago ako magsisisigaw dito!" Banta ko sa kaniya habang pilit pa ring inaalis ang kamay niya. Malakas ang puwersa niya. Hindi ako nasasaktan sa kapit pero hindi ko rin naman maalis ang kamay niya.

"Go on. Shout all you want. Anong pake nila? Stop being hardheaded, Acylle marami tayong dapat pag-usapan," giit niya.

"Wala tayong dapat pag-usapan, Hammer kaya bitawan mo na ako!" Akmang ihahakbang ko na ang paa ko pero mabilis niya akong hinila palapit sa kaniya.

Bumunggo ang likuran ko sa matigas niyang dibdib. Kinuha niya iyong chance upang yakapin ako mula sa likod. Nagpupumiglas pa ako ng husto ngunit hindi siya nagpatinag. Pinatong niya pa ang ulo niya sa balikat ko. Tumatama ang hininga niya sa aking leeg na nagbibigay ng kiliti sa buong parte ng katawan ko.

"Bitawan mo 'ko, isa!" Binilangan ko na siya baka sakaling matakot.

"Let's talk, my queen. Stop being stone hearted, please. I'm begging you." Nakikiusap na sabi niya. His husky voice made my body weaker.

"S-Sinabi ko na. W-Wala tayong pag-uusapan!" Pinagpipilitang sabi ko mapagtakpan lang ang panghihina ko.

"Marami. Marami tayong pag-uusapan. I am sorry for being insensitive, my queen. I didn't realize na ginalit na kita because of what I said. Listen to me, please? Can we fix this?" Puno ng panunuyo ang kaniyang boses. Mahina at malambing. Para akong hini-hele na hindi ko mawari.

Playful TemptationWhere stories live. Discover now