Chapter 11

46 1 0
                                    

Days, months, and years passed by... with me, having a heavy heart. Mahirap at masakit. Losing someone was my biggest heartbreak. Mahirap. Sobra. Hindi ko alam kung paano at kailan ako makaka-ahon.

Growing up, I always believe that love doesn't have to hurt. That it will always make you feel home, safe, happy... without hurting. Because if it's hurting you, it's not love.

But I was wrong. All of what I thought was wrong.

Dahil kapag nagmahal ka pala, masasaktan ka rin.

"Leyzan, anong balak mo? Anong oras na, bumangon ka na!"

Tinakluban ko ng unan ang mukha ko nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Mas lalo pang hinawi ni Erich Lyn ang kurtina upang mas sakupin ng liwanag ang buong kwarto ko. Inis tuloy akong bumangon at sinamaan siya ng tingin. Bwiset, ang aga-aga naman nitong manggulo!

"Wag mo akong murahin dyan sa isipan mo!" sambit niya habang sinisimulan akong tulungang tiklupin ang mga kumot ko. Ha! Buti alam niyang tino-torture ko siya sa isipan ko.

Inis ko siyang tiningnan. "Ano bang kailangan mo?!"

Inirapan niya ako. "Baka ikaw ang may kailangan sa 'kin?" Umirap ulit siya. "Anong balak mo ngayong bakasyon, ha? Magmukmok?"

"Bakasyon," I echoed. Hindi ko man lang naramdaman na bakasyon na pala.

Masyadong mabilis ang oras para sa akin... Parang hinahabol ako.

I graduated last week with honors. Hindi high... at mas lalong hindi highest. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako nagkaroon ng ganoon. I'm no longer living for academic validation. Mabuti na lang at walang sinasabi ang mga magulang ko tungkol doon.

Nang mawala sa 'kin si Sonson, nawalan na rin ako ng gana sa lahat... dahil parang may kulang. Parang hindi talaga ako kumpleto at buo. Parang hindi na ako ito. Hindi ko na makilala ang sarili ko.

"Ang balak ko ngayong bakasyon ay saktan ka," sabi ko nang makabawi. "Kailangan bang by partner ang pagmu-mukmok?"

"Edi inamin mo ring nagmu-mukmok ka?" Binato niya ako ng unan. "Dalian mo dyan at aalis tayo!"

"Mag-isa ka."

She raised a brow. "Sasama ka ngayon sa 'kin... or ikaw naman ang hindi ko sasamahang kuhanin ang requirements mo bukas?"

Saglit akong napaisip. Tangina, sige na nga. Kinuha ko ang isang unan para kunyaring aayusin 'yon, pero agad kong binato kay Erich Lyn. Natawa ako nang tumama 'yon sa kaniyang mukha.

"Okay, girl, liligo na ako!" sambit ko, at agad nagtatakbo papuntang C.R. para di niya ako magantihan.

Muli akong natawa nang maalala ang mukha ni Erich Lyn nang matamaan siya sa mukha.

What a great start of my day... hopefully.

Thirty minutes ang itinagal ko sa C.R. bago natapos maligo. Nang maibalot ko ang buhok ko gamit ang towel ay dumeretso ako sa closet ko. Nagsuot lang ako ng sando at shorts dahil itatanong ko pa kay Erich Lyn kung saan kami pupunta. Gusto kong malaman 'yon para umakma ang susuotin ko sa lugar.

Pero bigla akong tinamad dahil ang comfy ng sando at shorts, parang ayokong umalis! Chos.

Wala na si Erich Lyn sa kwarto ko nang makalabas ako kaya bumaba na ako. Dumeretso ako sa kusina dahil paniguradong nandoon 'yon. Wala ngayon sina Mom at Dad sa bahay dahil as usual, business na naman. Naiintindihan ko naman dahil sanay na sanay na ako.

Nadatnan ko si Erich Lyn na naglalagay ng plato sa lamesa. Saglit siyang tumingin sa akin nang maramdaman ang presensiya ko. Inanyayahan niya akong maupo para makakain na.

Way Back Home (Rekindled Series #1)Where stories live. Discover now