Chapter 20

68.3K 810 163
                                        

Chapter 20

Nanatili akong nakayuko, naghihintay sa pagsisimula ni Ma'am Dreya. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya sa mga sandaling ito. Maaaring dahil alam niyang empleyado ako ng anak niya pero heto at nagpabuntis ako.

Pasimple akong napatingin sa gawi ni Dice. He was sitting beside Candy who was staring at Ma'am Dreya and Sir Dashiel with a proud smile. Para bang masaya pa siya na buntis siya, at buntis rin ako. Na iisa ang ama ng mga pinagbubuntis namin.

Pero kung sakali, siya ang legal dahil siya raw ang nobya, ano ang tawag sa akin? Kabit? Hindi, ah. Wala naman kaming relasyon ni Dice. Kaya hindi ko matatanggap na ganoon ang magiging label sa akin.

Nakita ko ang pagtayo ni Dice at naupo malapit sa akin. The smile on Candy's lips immediately faded upon seeing that. Habang si Ma'am Dreya at Sir Dashiel naman ay nakasunod lang rin ang mga mata sa kaniya.

Bakit naman ito lumipat malapit sa akin?

"How old are you, Madisson?" biglang tanong ni Sir Dashiel sa malalim na tono.

Kumurap kurap ako. "Nineteen, sir."

"Masiyado ka pang bata." Si Ma'am Dreya.

"Ganiyan rin ang edad mo nang magsimula akong ligawan ka." sagot ni Sir Dashiel sa kaniya.

"Pero hindi ako pumayag magpabuntis sa'yo sa ganiyang edad ko, Dashiel. Alam mo kung paano kita nilimitahan sa bagay na iyan."

Hindi umimik si Sir Dashiel. Titig na titig sa akin si Ma'am Dreya na para bang ako lang ang nandito ang nagsasabing buntis.

"I'm twenty nine, Ma'am. Sakto lang po sa edad ni Dice." sabat ni Candy kahit hindi naman siya tinatanong.

Gumalaw ang mga mata ni Ma'am Dreya papunta sa kaniya. Walang emosyon. Kung ako ang tatanungin, para bang hindi niya ito gusto para kay Dice.

At ikaw ang gusto, Madisson?

Bumuntonghininga siya.

"Narito ang dalawang babae na sinasabing nabuntis mo, Dice Atreus. Sabay..." pagod na sabi ni Ma'am Dreya. "Kailan mo balak magtino? Ano'ng akala mo sa mga babae? Na puwede mo na lang anakan dahil gusto mo? Anak, sa laki ng pamilya natin, hindi mo na kailangan magkalat ng lahi!"

Gusto kong matawa lalo pa dahi pinagagalitan ni Ma'am Dreya si Dice na tila isang bata. Pero tama naman siya. Malaking pamilya naman na sila. Bakit nga ba nag-iipon ng panganay itong si Dice?

"You can do that with whoever you want, son, but make sure to use protection. Isang babae lang ang maaari mong buntisin-"

"Dashiel!" kalmadong suway ni Ma'am Dreya sa asawa niya at nag-angat ng tingin dito. Inosente siyang tiningnan nito pabalik na para bang walang nasabing hindi maganda. "Hindi porque lalaki at may proteksyon, puwede nang gawin iyon sa iba't ibang babae. Hindi ba at mas maganda kung sa iisang babae ka lang makikipagtalik? Lalo pa at mahal mo ito? Kung walang nararamdaman, mas mabuti pang manahimik na lang!"

"Adrestia, your son is a man and it's just normal for him to do it with other women as long as he's not in a relationship-"

"Then don't normalize it, Dashiel. Sa ganiyang paniniwala mo, tingnan mo ang nangyari sa anak mo. Dalawang babae ang nabuntis. Sabihin mo sa akin na tama iyang mga sinasabi mo."

Sila na ata ang nag-aaway. Puwede bang umuwi na lang ako? Hindi ko na kayang humarap pa sa kanila lalo pa at maging sila na mag-asawa ay nagkakainitan na rin.

Puwede kayang mag Zoom meeting na lang kami?

Hindi na sumagot pa si Sir Dashiel. Naiintindihan ko naman ang punto nila parehas. With the way they talk, I can already tell that they have different perspectives in life. Nasisiguro ko na noong kapanahunan nila, si Ma'am Dreya ang makaluma at si Sir Dashiel ang agresibo.

Monasterio Series 9: Enslaved by Her InnocenceWhere stories live. Discover now