Chapter 28

53.1K 891 91
                                        


Order Monasterio 9: Enslaved By Her Innocence published book at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Chapter 28

Chaos.

Hindi ba at siya iyong lalaki na tumapik sa balikat ko nung nasa bahay ako nina Ma'am Dreya?

Tama! Pinsan siya ni Dice kaya kilala niya ako dahil nga naroon rin siya nung gabing 'yon.

"Hello!" kumaway ako.

Leaning his arms against the handle of the cart, the corner of his lips curled up. Katulad ni Dice, mukha rin siyang pilyo at maraming kalokohan sa katawan. Parang hindi na ata iyon mawawala sa lahi nila. Pero karamihan sa mga lalaki, mukhang seryoso at palaging tila iritado.

Dice and Chaos seems to have similar vibes.

"What are you doing here?" he asked. "Alone."

Mayroon rin siyang napakaliit na hikaw sa tainga na kapag natatapatan ng ilaw ay kumikinang.

Sabi ko rin noon, hindi ako nagagandahan sa lalaking mahaba ang buhok. Pero dito kay Chaos, kulang ang salitang gwapo at bagay para ilarawan ang dating niya. Medyo magulo ang buhok niya kahit nakaipit pero kahit ganoon, tila malambot kapag hinawakan.

That if I rake my fingers in between his hair strands, they would go down smoothly.

"Madisson..."

Kumurap kurap ako nang muli niya akong tawagin.

"Huh?" tanong ko. "Ano 'yon?"

He smirked. "I'm asking you what you are doing here alone."

"Ah!" hilaw akong natawa at iginala ang mga mata sa paligid. "Naghahanap ako ng talbos ng kamote at bagoong. Gusto ko kasi sanang kumain no'n."

"Why not ask Dice to buy it for you?"

"Sinabi ko naman na. Kaya lang ay ayaw niya pumayag dahil hindi daw healthy sa pagbubuntis iyon."

Tumango tango si Chaos. "It is too salty."

"Alam ko naman at sinubukan ko rin pigilan kaya lang kasi ay hindi ako mapakali. Gusto ko talaga kainin."

He chuckled amusingly. "Pregnant things, huh?"

"Oo ata. Paano mo nalaman? May anak ka na rin ba o babaeng nabuntis rin?"

Umiling siya nang hindi pa rin naaalis ang ngisi sa mga labi.

"Still single, ma'am."

Ngumiwi ako. "Hindi ako naniniwala. Iyong meaning ng single sa inyo, ibig sabihin may ka-fling kayo."

Humalakhak siya dahilan para makita ko ang pantay at mapuputi niyang mga ngipin. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang hikaw sa dila niya na ikinalaki ng mga mata ko.

"Hala!"

Tumakbo ako palapit sa kaniya at pilit na tumingkayad dahilan para kaagad na mabura ang ngiti sa mga labi niya. Marahil ay hindi niya inaaasahan ang naging biglaang galaw ko.

"What?" his eyes blinked.

"May hikaw ka sa dila? Patingin!"

Kumurap-kurap siyang muli bago ako alanganing natawa.

"What?"

I giggled. "Ang cool kasi ng mga taong may hikaw sa dila. Babae man o lalaki. Dati, iniisip ko kung ano kaya ang pakiramdam kapag may ganiyan. Hindi ba masakit?"

Monasterio Series 9: Enslaved by Her InnocenceWhere stories live. Discover now