Order a copy of Enslaved By Her Innocence at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.
Please expect slow updates. Completed on VIP Group, Spaces, and Patreon. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.
—
Chapter 31
Mula sa kama ay tumayo ako at walang alinlangan siyang sinundan. Wala akong suot na damit pero hindi na ako nahihiya pa. Sa hindi na mabilang kung ilang beses namin ginagawa 'yon, mahihiya pa ba ako?
Kahit nga ang maliit na taling niya sa may singit ay nakita ko na.
Hinawakan ko ang kamay niya dahilan para mabilis siyang mapalingon sa akin. His brows snapped together as soon as our eyes met.
"Bakit ka nalilito?"
His eyes darkened. "Go back to bed, Madisson. Stop walking here like that as if you aren't naked."
Ngumuso ako at inayos ang suot kong salamin.
"Bakit? Palagi mo naman akong nakikita na walang suot na damit, ah? Naaalibadbaran ka na ba?"
Lalong lumalim ang busangot sa mukha niya. Pero kahit ganoon, aaminin ko na mas lalo siyang gumagwapo.
"I wouldn't fuck you earlier if I see you that way. Buntis ka at hindi tamang naglalakad ka ng ganiyan ang ayos mo. Paano kung may ibang pumasok dito at makita kang ganiyan?"
Fuck.
Fuck lang ba talaga? Hindi man lang ba aangat 'yong label namin mula doon? Baka naman puwedeng make love na?
Itong si Dice, minsan daig pa ang isang babae. Ang hirap suyuin. Ang hirap kunin ng loob. Kung sa bagay. Gwapo kasi kaya hindi basta-basta bumibigay.
Ang lagay ba, Madisson, ay ikaw pa ang kukuha sa loob niya? Hindi ba at wala ka rin namang pakialam kung hindi ka niya mahalin?
Kahit pa mahal mo na siya.
"Sino naman ang papasok dito? May iba ka bang pinsan na may access sa penthouse mo?"
Umiling siya saka bumuntonghinga.
"Just put your clothes on, Madisson. We will be leaving in an hour."
"Saan tayo pupunta?"
"It's Skyler's birthday. There's a family lunch in his house-"
"Family lunch, Dice. Hindi ako puwedeng sumama sa ganiyang okasyon ninyo dahil hindi naman ako parte ng pamilya."
Hindi siya kaagad nakasagot ngunit nanatiling nakatitig sa akin. Kung hindi niya man ako isama sa ganoon, ayos lang sa akin at wala namang problema. Totoo naman na hindi ako parte ng pamilya niya at kahit pa buntis ako, labas pa rin ako sa kanila.
"You are carrying a Monasterio. That only means you are already part of the clan."
Tinalikuran niya ako at nilagpasan. Ngumiti ako habang sinusundan siya ng tingin. Mula pa noong mabuntis ako ay napansin ko na ang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin.
Naging masungit siya at ramdam ang panglalamig. Kung sensitive lang siguro akong tipo ng tao, nasisiguro ko na hindi ako makakatagal sa kaniya. Ni hindi ko iisipin ang manatili sa iisang bahay kasama siya. Kahit pa magiging mahirap para sa akin ang suportahan ang pagbubuntis ko.
Pero hindi naman ako ganoon. Kung saan mas makakaramdam ng kaalwanan ang anak ko, doon ako. Hindi ako madamot at sarili lang ang iniisip. May bata ako na kailangan buhayin.
"E, parte ng puso mo? Hindi pa ba?"
Napahinto si Dice sa paglalakad. Hindi pa siya lumingon sa akin. Tumungo siya na para bang pinipigilan niya ang sarili na awayin ako.

YOU ARE READING
Monasterio Series 9: Enslaved by Her Innocence
RomanceDriven by his anger to the man who harassed his mother twice, Dice Atreus Monasterio was set to have his revenge to him by using his daughter. His plan was to enter Madisson's life, make her fall in love with him and dump her after. But getting her...