√Chapter 3√

50 9 0
                                    

"Sana maging masaya ang pasko ko, if not i would go back to this december and change everything"

December-25-2022
_____________________

Caleb's POV

Nagising ako sa ingay sa ibaba, ramdam ko na rin ang prisensya ni nica. gawain na niya iyon tuwing pasko na mag decorate sa bahay taon taon para sa reunion namin kasama ako. rinig ko na rin ang pinapatugtog ni mama na Christmas song.

"Santa, tell me if you're really there
Don't make me fall in love again
If he won't be here next year
Santa, tell me if he really cares
'Cause I can't give it all away
If he won't be here next year"

Arinators rin pala si mama haha, tinatamad pa ako bumaba dahil masakit pa ang likuran ko. kailangan ko na rin maligo dahil anytime puwede nang dumating mga kamag anak namin. mga kapatid ni mama, sina lolo at lola. mga pinsan at mga pamangkin ko. napaka ingay nanaman rito mamaya sa bahay, but at the same time masaya rin. Hashiero family nga lang pala pupunta rito samin. hindi kasama yung family side ni papa. and yes, surname ni mama gamit ko. pinapalitan namin 'yun pati na rin sa birth certificate.
tumingin ako sa orasan at eksaktong 8am na , kailangan ko na rin bumaba at mag ayos. ayoko namang madatnan ako ng pamilya namin na nakahiga pa, baka kung anong sabihin nila. well, hindi sila ganoong tao pero mas okay pa rin na mag ingat.

bumaba na ako sa sala, and as expected nandoon si nica,mama,kuya,sina tita amelia, tito john at ang kambal na kapatid ni nica na sina chloe and zoe, mas nakababata silang dalawa saamin ni nica ng dalawang taon, and yes magkasing edad kami ni nica.

"hi kuya clyde" ani ni zoe, habang ako'y kinukoskos pa ang mata dahil kakabangon lang.

"good morning kuya" pandagdag pa ni cloe, hanggang ngayon ay nalilito parin ako sa mukha nitong dalawang 'to, buti nalang at may pag kakaiba sila. si cloe ay may nunal sa baba ng mata habang si zoe ay wala.

binati ko na rin sila ng good morning at saka pumasok sa banyo upang maligo.
pagkatapos ko maligo ay agad akong nag tooth brush at nag bihis, color coding rin kami. ako si mama at si kuya ay naka pink habang ang kapatid naman ni mama na si tito ed at pamilya niya ay naka green, including nica at ang kambal, and marami pang iba. andami kasing magkakapatid nila mama eh. biruin mo 'yun sampo sila. and yes kasya kami sa bahay, sa harapan ng bahay naman namin gaganapin ang reunion at malaki laki rin iyon. napagkasunduan rin nila na lagyan nalang rin ng dekorasyon ang sala para mas maganda tignan.

pagkatapos ko mag bihis ay agad akong pumunta sa harapan ng bahay upang tulungan si nica mag decorate, pipigilan ko muna galit ko sa kaniya tutal pasko na. siya rin kasi may kasalanan bakit naluhog isanlibo ko sa kanal eh.
pinuntahan ko rin si mama kasama ang iba niyang kaparid na nag luluto para kamustahin at sabihing tapos na kami mag decorate. sa labas pa lang ay amoy na amoy ko na ang kare kareng niluluto nila. My favourite!

matapos namin mag decorate ni nica ay agad na akong pumasok sa loob dahil wala na rin naman kaming gagawin. lahat kami may sari sariling toka kaya pwede na ako mamahinga. habang nasa sala ay nanood muna kami ng movie kasama ang kambal at si nica. ewan ko ba bakit gustong gusto nila ang horror movies, well although nanonood ako paminsan hindi ko pa rin favourite and isa pa hindi ko rin kayang manood mag isa.

habang nanonood ay naalala ko yung cellphone ko sa itaas nakalimutan ko pala tanggalin sa saksakan dahil naka charge. dali dali akong umakyat sa taas at kinuha ang cellphone, at tsaka ko lang rin naalala na may manliligaw pala ako. and there it is nag reply na pala si kyle, how could i forget.

On chat

"sorry clyden,naka sleep kasi ako last night im really sorry. by the way kumain ka na ba clyden?" sabi niya, 1hour ago yung chat niya and walang naka lagay na online status sa fb niya. it's either naka offline siya or naka off yung status niya, hayss hayaan mo na nga.

"it's okay i understand, and nope hindi pa busy kasi eh, siguro mamaya nalang" sabi ko sa kaniya.

End of chat

habang hinihintay ang reply ni kyle ay bumaba muna ako sa sala at kinuha ang tinapay na may palaman upang mag almusal, kaya pala parang may nakalimutan ako kanina. Ang cellphone ko, si kyle at ang mag almusal, hay nako.

Unti unti ay dumarating na rin ang mga bisita. nandito na rin sina lolo at lola kasama si tita Nelia at ang mga anak niya. lumipas ang ilang oras ay wala pa rin reply si kyle, at parang naka off status talaga siya. kasi nakapag post pa 10minutes ago eh.

nag simula na ang reunion at hindi ko muna binigyang pansin ang chat namin ni kyle, tinuon ko muna ang pansin sa pamilya ko at kung gaano sila kasaya, sabay sabay kami kumain at nag dasal. may mga palaro rin silang hinanda para saamin. at ngayon, punong puno ng harina ang muka namin ni nica pati na rin si kuya at mga pinsan ko dahil sa palaro ni mama. muka akong white lady nito.

inabot na kami ng gabi at nag simula na ang kantahan, kumakanta pa si nica ng
"you belong with me" by Taylor Swift.
kasabay rin ng kantahan ang pag bibigayan ng kaniya kaniyang regalo, punong puno ng regalo ang Christmas tree na naka lagay sa harapan ng kainan. sa dami ba naman naming magpapamilya ay hindi pa ba ito ma pupuno? hanggang sa bumunot na ako ng numero ng regalong matatanggap ko, at sa kasamaang palad kay kuyang regalo pa talaga nabunot ko. But not bad rin kasi ticket 'yun para sa concert ng enhypen, na parang bumilog ang mga mata ko sa tuwa at kilig.
at dalawa pa 'yun pwede ko isama si nica since pareho rin kaming engene, ang yaman talaga ng kuya ko.
at ang naka bunot naman ng regalo ko ay si kuya rin, ang malas niya naka kuha siya ng unan.
na guilty rin ako sa regalo ko kaya nilagyan ko 'yun ng salamin at lavariante na pabango sa loob. swerte rin pala siya.

habang nag sisiyan sila sa ibaba ay umakyat muna ako sa loob ng kwarto ko upang mag bihis, punong puno na rin kasi ng pawis yung likod ko.
habang nasa taas ay binuksan ko muna 'yung cellphone ko at tinignan ang reply ni kyle.

habang binabasa ang sinabi niya ay parang gumuho ang mundo ko nang makita ko 'yung sinabi niya, halos hindi ako makagalaw at kasabay nito ang pag luha ng mga mata ko. hindi ko alam kung dapat ba akong masaktan o hindi?

naging masaya nga pasko ko, pero panandalian lang pala.
_______________________
Author:

i'll publish more story like this, but soon pa since wala pa tayo sa half way ng story. Btw thank you sa mga nag babasa, i promise na hindi ko puputulin story nito. may nag babasa man or not tatapusin ko, para anytime pwede nyo ulit ulitin. Btw thankssss babess♥️♥️♥️

Back To December (BxB)On GoingWhere stories live. Discover now