ep. 00: prologue

11 2 0
                                    

[PERMUTATION refers to the different possible arrangements of a set of objects...]

Sabado. Nag-aadvance study si Moshan sa kwarto niya dahil wala siyang magawa. Nanonood siya ng mga YouTube videos tungkol sa mga future lesson nila sa iba't ibang subjects, ngayon ay sa Mathematics. Hindi siya maalam sa mga e-games kaya never naging option niya ang maglaro tuwing nabobored. Kung hindi magbasa ay matulog ang gagawin niya.

Napatigil siya sa pagko-compute at ni-pause ang pinapanood nang may kumatok sa pintuan at napatingin doon. Sunod na bumukas iyon.

"Moshan..." Papa niya.

"'Pa?"

"Aalis na kami ng mama mo, 'nak." Pagpapaalam sa kaniya ng papa niya. "Gumawa rin ako ng pancakes, mag-meryenda ka pagkatapos mo riyan ha!"

Marahan na tumango si Moshan. "Opo." Ngumite siya, bahagya ngunit tunay.

"Sige! Alis na kami-" Napatingin ang papa ni Moshan sa gilid nito. Lumapit pala ang mama niya na tatlong buwang buntis at may hawak na pregnancy booklet, hindi maalis sa mukha ang guhit na ngiti.

Tumabi ang papa ni Moshan para bigyan ng espasyo ang asawa. Nakangiti na tinignan si Moshan ng mama niya.

"Tumawag po kayo pagnandoon na po kayo." Nakangiting sabi ni Moshan. "Balitaan niyo rin po ako agad ha kung!-"

"Lalaki si baby!" Agad na singit ng papa niya at tumuro pa sa kaniya. Agad namang mapaglaro na hinampas ng mama niya ang papa niya sa balikat, natatawa. "Wala pa nga!"

"O siya, Moshan, alis na kami." Sabi ng papa niya at binaling ang tingin sa asawa. "Baka ma-late pa tayo sa appointment."

Mas lumawak ang ngiti ng mama ni Moshan, nasisiyahan. Nasasabik rin itong tumango at kumaway. "Bye, kuya!"

Muling nginitian ng papa niya si Moshan bago nito sinara ang pinto. Hindi rin mawala-wala ang ngiti sa mukha ni Moshan.

Maya-maya ay na-lowbat na ang cellphone ni Moshan. Chinarge niya muna ang cellphone niya saka lumabas ng kwarto at nagpunta ng kusina para mag-meryenda. Naka-alis na sa apartment ang papa't mama niya para sa prenatal check-up ng huli. Siya na lamang mag-isa ang naiwan.

Aktong kukuha na sana si Moshan ng maliit na plato mula sa aparador nang makarinig ng biglang malakas na kalabog, na sinundan ng isa pa. Napatigil siya, nagtataka. Biglang nanlaki ang mga mata niya at napaharap sa pintuan nang makaramdam ng masama.

TILA NAKATINGIN sa kawalan, natagpuan na lamang ni Moshan ang sarili na naestatwa sa kinatatayuan. Pagkababa niya, hindi pa man tuluyang nakalalabas ng apartment ay sumalubong na sa kaniya ang magulong tagpo: Isang kotseng sira at umuusok na nakabalandra sa may kalsada, halos matabunan na ng mga taong nakikiusyuso. At isa pa na sumalpok sa harapang bahagi ng apartment, kung saan naipit ang papa niya, at sa hindi kalayuan ay nakahandusay ang duguan at walang buhay na katawan ng mama niya.

Hanggang sa dumating ang mga awtoridad ay hindi nagawa ni Moshan na lapitan ang mga magulang niya. Napako lamang ang lumuluha niyang mga mata sa kanila, gaya sa kung paanong napako ang hindi niyang maigalaw na mga paa sa kinatatayuan niya. Hindi siya makagalaw, maging ang pagkurap ng mga mata ay parang imposible.

Kabilaan ang ingay ng mga tao at patuloy ang pagtunog ng ambulansya ngunit wala siyang ibang naririnig kung 'di ang nakabibinging katahimikan.

Hindi makapaniwala nang lubos si Moshan sa nangyari. Hindi niya matanggap. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi makita kung saan pa patutungo ang buhay niya ngayong wala na ang mga magulang niya. Nawalan na siya ng pag-asa at hindi niya alam kung magkakaroon pa.

Since that day a year ago, the paradisaic path of his life turned into a tunnel. Na kailangan niyang daanin nang mag-isa, mangapa sa dilim dahil walang alalay, at walang kasiguraduhan kung makikita ang liwanag sa huli, o kung may liwanag pa bang naghihintay sa kaniya pagkatapos ng dilim.

______________________________________________________________________________

:⁠-⁠|

Out Of Commission Donde viven las historias. Descúbrelo ahora