ep. 02: tweedledee and bruised tweedledum

5 1 0
                                    

MONDAY CAME. It was time for their Calculus class. Mr. Javier, their instructor for the subject, was writing equations on the board. Kaniya-kaniyang solve at paturo ang klase, takot na baka tawagin at hindi makasagot.

"Ano sagot sa number two?"

While computing mentally, a classmate who was wearing a black shirt underneath his unbuttoned polo uniform tried to interrupt Moshan and prodded him in the back. Pero hindi niya iyon pinansin. "Hoy!" Bulong nitong muli kasabay nang pagsundot nang ilang ulit sa likod niya. Wala nang nagawa si Moshan kun'di lingunin ang kaklase.

"Ano sagot sa number two? Dali! Sasagot ako!" Pabulong nitong sabi sa kaniya, sabik na malaman ang sagot.

Moshan stared at him blankly for a second. Iyon lang ang ginawa niya bago ibaling muli sa harapan ang tingin.

"Deeno, you answer number five." Mr. Javier informed.

Mula kay Mr. Javier, binalik ni Deeno ang mga mata kay Moshan na nakatalikod sa kaniya at sinamaan ito ng tingin bago tumayo upang magpunta sa harapan.

Lahat ng mga tinawag ay kaniya-kaniya nang sinasagutan ang problemang itinakda sa kanila, maliban kay Deeno na hindi alam ang gagawin. Kunot ang noo nitong pinagmamasdan ang equation sa board, nagbabaga ang mga mata. Hindi sa pagsagot nakatuon ang kaniyang isip, kun'di sa ginawang pambabalewala ni Moshan sa kaniya na mas lalong nagpakulo ng dugo niya rito.

"Pag katarantaduhan kahit pikitan mo." Seryusong sabi ni Mr. Javier. Walang binanggit na pangalan ngunit alam na ang tinutukoy. Napatingin si Deeno sa gilid niya, siya na lang pala sa mga tinawag ang nakatayo roon sa harapan at wala pang sagot. "Napakasimple lang niyan, 'di mo masagutan. Ni formula, wala ka pang nasusulat."

Tahimik lang ang buong klase. Wala ni isa ang nagtatangkang gumawa ng ingay. Linibot ni Mr. Javier ang kaniyang tingin sa loob ng klase. Pasimple namang iniiwas ng mga estudyante ang mga tingin nila sa guro. Mr. Javier's searching eyes stopped roaming when it converged with Moshan's.

"Moshan, please, help your classmate."

Agad na tumayo si Moshan at walang pag-aalinlangan na sinolve ang mathematical problem. And while he was solving, sa halip na ang proseso ang pagtuonan ng pansin ni Deeno na nasa tabi niya, sa kaniya napako ang masamang tingin nito. Moshan solved the problem in no time, walang kahirap-hirap.

"Very good, Moshan." Pagpuri ni Mr. Javier sa ginawa ni Moshan. "You may now sit."

Bumalik na si Moshan sa upuan niya. Sumunod naman si Deeno nang sabihan siya ni Mr. Javier ng "Ikaw rin." Halatang 'di nagustuhan ang behavior niya sa klase nito.

The two were like magnets and their classmates' pair of eyes were the metal as they walked back to their respective seats. Nauuna si Moshan kaya mas nauna siyang nakaupo sa pwesto. Nang makaupo na rin ay hindi na inalis ni Deeno ang masamang titig nito sa ulo ni Moshan, na para bang naroon ang mga mata ng kinamumuhian.

DURING THE CLASS BREAK, Class 11-A was not boisterous like usual. Halos lumabas kasi ang lahat, bilang na lamang ang nasa classroom. Isa na roon si Moshan na hindi iniwan ang upuan, nakatutok sa pinapanuod na YouTube video sa cellphone para sa bagong academic commission na natanggap niya.

"Uy, lampa!" Pagtawag ni Deeno sa bagong dating na kaklaseng may leg brace ang kanang binti. Hindi tuloy ito nakapasok nang tuluyan sa classroom, napahinto ito sa may pintuan. Kanina ay kausap ni Deeno ang isang kaklase sa likuran ngunit natigil nang makita ito. "Wow. Lance-pa, saan ka niyan?"

Hindi pa man umaalis si Deeno ka kinatatayuan nito- ilang hakbang ang layo sa kaniya- ay bakas na sa mukha ni Lance ang kaba. Tila ba nakakita ito ng multo. Napatingin siya sa hawak na cheeseburger at Chuckie - what Deeno was referring to. Bigla na lamang iyong kinuha ni Deeno mula sa kaniya at kinain.

Out Of Commission Où les histoires vivent. Découvrez maintenant