ep. 03: a new pal

4 1 0
                                    

KASABAY NG PAG-AGOS ng tubig mula sa shower ay ang pag-dausdos ng mga bula ng sabon sa katawan ni Moshan. Mingling are the sound created by the showering water and the noise of its every drop on the floor, iyon lamang ang maririnig sa naghaharing katahimikan.

Habang naliligo, walang ibang tumatakbo sa isipan ni Moshan kun'di ang hindi inaasahang pangyayari kagabi. Which he also finds it hard to believe.

Matapos humingi ng tulong ng lalaki sa kaniya ay bigla itong nawalan ng malay. Even with the nervousness reigning in his system, Moshan was quick to catch the mysterious guy. Naguguluhan at hindi alam ang gagawin, tila nakayakap niya itong hinila upang tuluyang maipasok sa kaniyang kwarto at hiniga sa maliit at mahabang bangko sa gilid. He was having hard time because of the small space of his room.

Habang inaayos niya ang pagkakahiga ng lalaki ay napapadaing si Moshan sa bigat nito. Pagod siyang napaupo sa kama niya. Nakuha ng nakabukas na pintuan ang kaniyang atensyon kaya agad na bumangon para isara iyon.

Moshan leaned on the the door contemplating the bruised and unconscious stranger. Wala siyang ideya sa kung ano ang gagawin. Hanggang sa nilapitan niya ito. Lumuhod siya para mapantayan ang taas ng humihigang lalaki.

He attempted to wake him up by patting on his shoulder.

"Boi," he tried a few times but the guy was in deep unconscious state. Maiisipan pang patay na ito kung hindi nahanap ni Moshan ang tumitibok pa nitong pulso noong sinubukan niya hanapin ito.

Hindi alam ni Moshan kung ano ba ang dapat niyang gawin ngunit sigurado siyang hindi pwedeng wala. Tumayo si Moshan. Napahawak siya sa baywang, at sa kasabay na buntong hininga ay rinig ang bahagyang pagkabalisa.

"Dapat akong tumawag ng police." Pabulong niyang sabi nang maisip at agad na hinanap ang cellphone niya. He roamed his eyes around the room searchingly. But he couldn't find it. He then remembered where did he put his phone. Maingat niyang hinanap iyon sa maliit at pahabang upuan kung saan nakahiga ang lalaki, nadaganan nito ang kalahati ng cellphone ni Moshan.

Agad na umayos ng tayo si Moshan at sinubukang tumawag ng pulis. But as he was about to dial, he was stricken with a sudden realization that put him in a pause; hindi niya alam ang hotline ng local police na sanang pagrereportan niya ng pangyayari.

He was disappointed as he put his phone down. And for the nth time, napabuga na lamang si Moshan ng hininga. Ilang segundo lamang ang pagitan, halos magdugtong ang mga kilay niya sa nakitang dugong pumapatak sa sahig mula sa katawan ng lalaki.

Curious, hinawi ni Moshan ang damit ng lalaki pataas at nakita ang maliit na hiwa sa tagiliran nito, tila nadaanan ng patalim, patuloy ang mabagal na pagdaloy ng dugo.

Hindi natiis ni Moshan na tignan lamang ang mga sugat at pasa ng lalaki. Kinuha niya ang first aid kit na nakatago sa may maliit na cabinet at saka sinimulang gamutin ito. Moshan cleaned first the small yet deep cut on the guy's flank. Pagkatapos ay maingat at maalam na tinahi iyon. Ginamot niya rin ang iba pang sugat at pasa sa mukha ng lalaki. Habang paulit-ulit niyang tinatapik ang bulak sa mga sugat ay sandaling napatigil si Moshan.

His pair of unbelieving eye scanned the face before him, couldn't fathom what he is seeing. It was like facing a mirror for him. Kamukhang-kamukha niya ito. Halos bawat detalye ng mukha ay magkatulad, except for the wounds and bruises of the other.

Inabot ni Moshan ang towalya na nakasabit at binalot sa ibabang kalahati ng kaniyang katawan. But then, suddenly, he heard a thud from outside. Napatigil siya at bahagyang nanlaki ang mga mata sa pagtataka. Dali-dali niyang tinapos ang pagtatapis at agad na lumabas ng banyo. Saktong paglabas ay bumungad sa kaniya ang bukas na pintuan ng kaniyang unit. Wala na rin sa hinihigaan nito ang misteryusong lalaki at may mga perang nakakalat sa higaan at sahig.

Moshan's eyes widen when a realization hit him. He hurriedly walked to his closet, nababahala. Madali niya itong binuksan at ganoon din ang isang tagong maliit na drawer sa may gilid. May mga naka-rolyong pera doon, karamihan ay mga limang-daan at isang libong papel na pera. He immediately checked it if nothing was deducted; he checked if he was robbed.

But he wasn't.

His hidden savings was not touched.

Moshan felt relieved. The money scattered on the bench and floor wasn't his, it was the mysterious guy's.

Dahil may pasok pa, hinayaan lang muna ni Moshan ang pera room at nagsuot ng uniporme. He also wore the black stitched bracelet that was at the top of a small table.

HE BENT DOWN para isa-isang kunin ang mga perang nagkalat. Humigit-kumulang sampong libo iyon. Sa kaniyang isipan ay naiwan lamang ito noong lalaki.

Kaniya lang muna itong tinago sa loob ng kaniyang aparador, inipit sa pagitan ng mga nakatuping niyang damit. Nang maisara ang aparador ay binuksan naman ni Moshan ang cellphone niya.

He sent a file na pina-commission sa kaniya. Ilang segundo lang ang lumipas at nakatanggap siya ng notification; natransfer na sa account niya ang perang bayad ng nagpa-commission.

PAGKALABAS NG HELENA APARTMENTS, linibot agad ni Moshan ang kaniyang tingin sa paligid. Nagbababakasakaling mahanap ang lalaki tinulungan niya, ngunit walang ano mang bakas nito.

Sa harap ng Helena Apartments ay may coffee vending machine at PisoWifi. Saktong hindi pa siya nag-uumagahan. Moshan got a five peso coin on his pocket and walked near to the machine to have an instant coffee. As he wait for his paper cup to be filled, he saw a struggling guy, at his age, carrying layered boxes.

As the guy entered Helena Apartments, his wallet falls off his pocket to the ground. Tila naramdaman niya iyon dahil huminto ito sa paglalakad.

The coffee vending machine made a beep sound, his coffee is now ready. Napatingin doon sa kape si Moshan ngunit hindi lang niya muna iyon kinuha at lumapit sa lalaki upang tulungan itong kunin ang nahulog na pitaka. Binalik niya ito sa bulsa noong lalaki nang walang sinasabi. Pagkatapos ay bumalik sa may vending machine upang kunin na ang kape at saka naglakad paalis.

"Salamat!" Pahabol na sigaw noong lalaki.

AS MOSHAN ENTERED his school, a guy from the distant who bided there for his coming didn't turned away his sight from him. The guy was holding a phone.

Saka lang binaling noong lalaki ang tingin mula kay Moshan patungo sa hawak na cellphone upang makasiguro na si Moshan ang nakita niya. Naka-display sa screen ng cellphone ang isang Facebook post mula sa nagngangalang Lioxean Sevier. A picture of two guys: yung isa ay si Moshan, halatang hindi aware noong kunan ang litrato; ang isa naman ay ang may hawak ng cellphone, naka-akbay kay Moshan at malawak ang ngiti. May caption na: Bagong kaibigan 😎

The guy exited the Facebook app and called somebody.

"Nakita mo na?" Bungad sa kaniya ng lalaki sa kabilang linyan

"Kumpirmado, pre." Sagot naman nito. "Sa Zakario nga nag-aaral. Ano'ng gagawin?"

Before the call ended, a small smirk has been formed in the guy's face, it was as if he just heard a nice and crazy idea.

------------------------------------

:⁠-|

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Out Of Commission Where stories live. Discover now