CHAPTER 1

24 1 0
                                    

THIRD PERSONS POV

4:37 A.M.

May ilang shipping container ang ibinaba sa port ng manila.

Sa 'di kalayuan ay may dalawang lalaki ang nagroronda sa kahabaan ng mga nagdadamihan at nagtataasang mga container.

"Uy, narinig mo ba 'yun?" Tanong ng isang lalaki sa kanyang kasamahan napahinto ito sabay lingap sa paligid.

"Sirau**, huwag kang manakot." Inis na sita ng kasamahang lalaki.

"Gag*, hindi ako nananakot saka madaling araw na o! Duwag neto. May narinig kasi ako— o, ayon na naman!"

Sa pagkakataong iyon ay narinig na rin ng isa pang lalaki ang isang tunog na dulot ng pagpukpok ng kung ano at sigurado sila na sa latang container iyon nagmumula.

Nagpalingap-lingap silang pareho, hinahanap ng kanilang pandinig ang pinagmumulan ng ingay.

"Dito, p're!"

Lumapit silang pareho sa isang container na kulay pula. Akmang ilalapit na nila ang tenga sa dingding ng container nang para lang magulat dahil biglang may pumupukpok niyon mula sa loob kaya napaatras silang pareho.

"Tangi**! Ano 'yon?" nanlalaki ang mata ng isa.

Lumapit ang kasamang lalaki sa container saka pinupok nito ng bahagya. Sa pagkakataong iyon ay mahihina ngunit sunod sunod na pukpok mula sa kabila ang narinig nila.

"H-helpp—"

Nanlaki lalo ang kanilang mata ng marinig ang mahinang boses na iyon.

"P're, magtawag ka ng tutulong! Bilis!" Utos ng lalaki.

"S-sige!" Agad namang kumaripas ng takbo ang isa upang humingi ng tulong.

Naiwan ang lalaki na may pag-aalala at takot sa mukha.

"H-help... please..." Ani ng tinig na iyon mula sa loob ng container.

"S-sandali lang, humihingi na ng tulong ang kasama ko!" Hindi malaman ng lalaki ang gagawin.

Ilang minuto pa ang lumipas bago nakarating ang mga tinawag na kasamahan ng lalaki. Tumawag na din ang mga ito ng pulis at ambulansiya kung sakali man.

"O, tabi muna kayo, sisirain namin iyang lock." Ani ng isang lalaking bagong dating na may hawak-hawak na bolt cutter.

Nang tuluyang bumagsak sa sahig ang  naputol na lock, dalawang lalaki ang nagtulong upang buksan ang pinto ng container.

Agad na tumambad sa kanila ang isang babaeng tila hirap tumayo, halos pagapang na itong lumapit sa pinto. Malalim ang paghinga ng babae, namumutla ang balat, parang walang buhay ang mga matang nakatingin sa kanila. Nang ilibot ng isang lalaki ang kanyang flashlight sa kabuuan ng container ay nagimbal silang lahat sa nasaksihan!

"Ano ito?!"

"Diyos ko po!"

Sapagkat hindi lamang nag-iisa ang babae, may mga kasama ito sa loob na pawang wala ng mga buhay.

"H-help—us." ang mahinang usal ng babae na halos hila-hila na nito ang kalahating katawan.

"Tulungan niyo, bilis!" Utos ng tila mas mataas sa kanila doon sa dalawang malapit sa pinto. "Ilabas niyo muna ang babae. Kayo, tignan niyo kung ano ang lagay ng iba."

Agad nagsipagtalima ang mga ito. Una nilang inilabas ang babae. Pumasok ang ibang lalaki sa container upang suriin ang ibang katawan.

"Boss, may buhay pa dito!" Ang sigaw nu'ng isa.

DEAD AMONG USWhere stories live. Discover now