Chapter 2

5 1 0
                                    

CHLOE'S POV

Pasado alas sais na ay narito pa rin kami sa loob ng klasrum. Wala kaming magawa— hindi kami makalabas. Wala kaming kakayahan o mas sabihin na nating walang may nais isugal ang kanilang mga buhay upang umalis sa lugar na ito.

I have been a fan of many zombie series, so I thought ganoon lamang kadaling harapin sila ngunit iba pala kapag sa totoong buhay na nangyayari. 'Yung tipong ang tapang-tapang mong mag-imagine na kaya mo silang labanan with just a knife, arrow, axe or a baseball bat subalit mali pala. Kapag nangyari pala iyon mismo sa totoong buhay na walang slow-mo, walang gun's na bigla na lang susulpot sa kung saan at hindi ikaw ang bida ay parang mas nakakaduwag, nakakatakot, nakakanginig ng laman at hindi ka makakapag-isip agad kung ano ang gagawin dahil for sure mas maiisip mong ikamamatay mo lang. This is reality at mga estudyante lang kami na ilang buwan na lamang ay gagraduate na ngunit mukhang malabo na iyong mangyari...

Maingay pa rin sa labas, mga sirena ng mga pulis at putukan ang mga naririnig namin ngayon. The electricity was cut-off sa hindi namin malaman na dahilan o maaaring may natamaan o nasirang poste. Ang tanging ilaw lamang namin ay ang liwanag ng buwan mula sa labas.

Nadako ang tingin ko sa kinaroroonan nina Zach na kausap sina Elijah at Wesley, kasama nila si Quincy na kanina pa abala kakadial sa cellphone. Pagkatapos ay napasulyap ako sa iba pa naming kaklse na sina Merida, Sophie, Jesha na patuloy pa rin sa pag-iyak, kasama nila sina Errol, Nicole, Grace at Ava na pawang nagkukulikot sa kanilang mga cellphone.

"Gosh! Ang init! Stranded na nga, wala pang kuryente." Reklamo ni Merida habang nagpapaypay.

"Walang sumasagot sa bahay!" Ang naulingan kong sambit ni Carrie na bakas ang pag-aalala sa mukha habang patuloy sa pagkontak sa mga magulang.

"Buti naalarma ko agad sina mama dahil wala pa roon ang mga zombie." Sabi naman ni Luigi.

"Nag-aalala ako, baka kung ano mangyari sa mga pamilya natin." Ang sabi ko, naputol kasi ang usapan namin ni mama matapos siyang makarinig ng putukan sa labas. Pagkatapos ay hindi na ito sumasagot ng phone. Ganoon din si papa, cannot be reached na ito.

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Chloe. Pero isipin mo rin kung paano tayo makakauwi or makakalabas man lang dito ng buhay. Kita mo ang daming zombie sa labas." si Luis na napapailing.

Oo, alam ko naman iyon pero siyempre hindi ko pa rin maiwasan na unahin silang isipin.

"Guys!" Tawag pansin ni Nicole pero halos pabulong lamang iyon. Mahirap na kasi kapag narinig kami ng mga zombie sa labas ng room.

Nang tumingin kami sa kanya ay sinenyasan nila kami ni Grace na lumapit. Kaya naman ay dahan-dahan kaming nagsipaglapitan sa kanila, maging sina Zach ay sinenyasan din nila.

"Bakit, Nicole?" Tanong ni Tristan nang makalapit kami sa kanila.

Ipinakita nito ang screen ng phone niya. "Look, halos buong maynila na ang nasakop ng mga zombie! May iilan na rin sa karatig lugar!"

Sa narinig ay nagsilapitan na rin ang mga may edad na tatlong lalaki at dalawang babae. Nasa sulok naman ang dalawang estudyanteng babae na matamang nakikiramdam.

"Ano daw balita, iha? Makakaya ba ng mga pulis ang mga zombie?" Tanong ng isang may edad na babae. "May magrerescue ba sa atin?"

"Puros mga live po itong napapanood namin at katulad natin, nagtatago rin po sila at naghihintay ng tulong." Sagot pa ni Nicole na apologetic ang mukhang nakatingin sa mga may edad.

"Sa balita naman po, hindi rin po makakuha ng maayos na coverage ang mga reporter tapos 'yung iba-" tila hirap si Grace na bigkasin ang mga susunod na salita.

DEAD AMONG USWhere stories live. Discover now