Chapter 3

0 0 0
                                    

ZACH'S POV

Lahat kami ay nakaupo ngayon sa sahig, wala ni sinuman ang nagtangkang magsalita, animo may kanya-kanyang mga mundo. Kahit naman ako ay hindi ko rin alam kung ano ang gagawin, para bang ayaw na rin gumana ng aking isipan dahil sa kagimbal-gimbal naming nasaksihan simula pa kahapon tapos kanina rin.

Napakadaming tao sa ibaba at sa labas ng university, unlike kahapon, kahit 'yong mga bangkay kahapon na nakabulagta sa semento ay wala na roon. Maaring marami na ang mga infected, ganoon ba kabilis lumaganap ang zombie virus o kung iyon nga ba talaga ang tawag sa mga nangyayaring 'to?

At lahat kami ay pare-pareho ng iniisip—marerescue pa ba kami o ang tamang tanong ay may magrerescue pa ba sa amin? Sa dami ng tao na maaaring mainfect ng bite ng mga zombie ay siguradong walang laban ang iilang pulis or kung sinuman na armado.

Naisip ko ang mga magulang ko at aking nakababatang kapatid na babae. Where are they? Or are they even still alive? I pray so. Even if I wanted to be with them, I couldn't.

"A-ano na ang gagawin natin?"

Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang tanong na iyon galing kay Jesha.

"Ano sa tingin mo ang gusto mong gawin natin?" Pabalang na sagot ni Vina. "Gaya nang mga nasa palabas na susugod at makikipagpatentero sa mga—mga Zters?!"

Napuna ko pa ang mabilis na pagsiko ni Chloe sa kaibigan, napatingin naman dito si Vina na pinandilatan pa ang katabi.

"Ano'ng Zters?" Naguguluhang tanong naman ni Sophie.

Vina rolled her eyes in annoyance. "Zombie na biters pa, duh!"

"Kasi naman kung magbibigay ka ng nickname inform mo kami para hindi 'yong ikaw lang nakakagets." Mataray na saad ni Merida sabay irap. 

Imposible talagang magkasundo ang mga ito dahil na rin sa mataray at malditang attitude ni Merida na tanging sina Jesha, Sophie at Errol lang nakakaintindi.

"O sige. Next time I will tell you, Meri-go-around." Asar ni Vina dito.

Kahit nasa kalagitnaan kami ng tensiyon ay nagawa pa rin ng lahat ang matawa sa sinabi ni Vina. Napailing na lang ako. Kung si Merida ay kinaiinisan ng ilan sa amin, si Vina naman ang nagbibigay aliw sa buong grupo dahil sa pagiging madaldal at patawa nito.

"Baduy naman ng Zters, ba't di nalang walkers—"

Agad na pumutol si Vina sa sasabihin ni Sophie. "Lol! Makasuhan pa ako ng plagiarism ni TWD."

"TWD?" Inosenteng tanong ni Nicole, na halatang ngayon lamang iyon narinig.

Sabay-sabay kaming napalingon sa kanya. Seryoso ba siya? Parang lahat yata ay alam iyon maliban sa mga matatanda.

"Uy Nicole, saang parte ka ng earth nanggaling? Hindi mo alam ang sikat na palabas na The Walking Dead? They call those zombie as walkers." si Tristan.

"Sus, kahit sino pwede gamitin ang salitang walkers 'no. Ang OA niyo. Saka K-series lang ang kilala kong palabas." Sabat naman ni Sophie saka humalukipkip sabay irap. 

"Oi, ikaw na galing ibang universe, hindi mo alam ang salitang joke? Tsk! Kawawang bata, kaya walang nagmamahal sa'yo." Palatak ni Vina saka inirapan din si Sophie.

"Tama na nga 'yan. Para kayong mga ewan. Imbes na mag-isip tayo kung ano ang gagawin, nag-aaway pa kayo." Si class president iyon. "Mag-isip tayo ng solusyon kung paano tayo makakaalis dito kung walang magrerescue sa atin, hindi tayo maaaring maghintay dito dahil paniguradong ikamamatay naman natin iyon sa gutom."

Muling natahimik ang lahat. Tama ito, walang maitutulong ang mga away at pag-iyak. We will die if we don't think of how we get out here or how we are able to live despite those living dead outside. We have to survive.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DEAD AMONG USWhere stories live. Discover now