WANDER - 2

2 0 0
                                    

ADAM'S POV

Mahimbing ang tulog ko nang may narinig akong ingay mula sa pintuan ko, may kumakatok at tumatawag sa pangalan ko.

"Adam, bumangon ka na dyan!" rinig kong sigaw ni Mama mula sa labas ng pintuan.

"Ehhh..." daing ko.

Tumahimik naman yung paligid kaya akala ko iniwan at pinabayaan na ko ni Mama. Kaya natulog ulit ako at iniba ang posisyon ng pagtulog ko ngayon na ay nakadapa ako. Hindi nagtagal ng ilan pang minuto ng may marinig ako kaluskos at pagbukas ng pinto ng kwarto ko.

"Hoy, Dam bangon" rinig ko sabi ni Lilith. Di ako sumagot kaya nagulat nalang ako ng biglang may tumalon at dumaganan sa likod ko at nagkukulit sa likod ko.

"Tara na Adam, Gawin na natin yung sa bucket list mo" pangungulit niya pa sa akin.

"Umalis ka nga dyan, di ako makahinga" antok na pagkasabi ko. Totoong di na ko makahinga ang bigat niya!

"Aalis ako basta, bumangon ka na dyan" hirit pa niya. Daming alam nitong babaeng 'to.

"Oo na, babangon na alis ang bigat mo!" iritang ko sabi sa kanya.

Umalis na siya sa pagdaganan sa akin at ako tumihaya naman ako ng higa para makahinga ng maayos. Nasa paanan ko si Lilith at nakatingin sa akin. 

"Umalis ka na sa kwarto ko at kikilos na ko" pagtaboy ko sa kanya.

"Siguraduhin mo lang ah" pagkasabi niya 'nun at narinig ko na ang pagsara ng pintuan.

Bumangon na ko at sinusuot ko ang tsinelas ko sa loob ng bahay ng bumukas ulit yung pinto ko.

"Ano?" sungit na tanong ko kay Lilith.

"Wala, akala ko di ka pa bumabangon eh sige na bilisan mo ah!" at sinarado na niya ulit ang pintuan.

Tumayo na ko at dumiresto sa C.r para malogo at makapaghanda na sa gala namin. Pagkatapos ko maligo, magbihis at ayusin ang kama ko ay lumabas na ko ng kwarto at pumunta sa kusina nakita ko naman doon si Mama at ang makapal na mukha ng kaibigan kong si Lilith na ang daming nakalagay sa plato niya.

Napatingin naman sila sa akin ng pumasok na ko sa hapag.

"Adam, mag almusal ka muna at damihin mo dahil sabi nito ni Lili marami kayong pupuntahan ngayong araw" sabi ni Mama habang iniaaabot sa akin yung Juice.

"Opo" yan nalang sabi ko at kumuha na nga pagkain bago tinuon ang tingin ko kay Lilith na tuwang tuwa na kumakain.

"Patay Gutom" mahinang sabi kay Lilith dahil baka marinig ni Mama.

"Pake mo" sagot nito sa akin na pabulong din.

"Tita si Damdam may sinasabi po" Baling niya kay Mama na naghuhugas ng kamay sa lababo.

"Adam" may pagbabanta na tawag sa akin ina.

Napanguso nalang ako at tumingin ulit kay Lili na bumibelat sa akin, kaasar ito porket malakas siya kay Mama. tsk.

Natapos na kami kumain umakyat ulit ako sa kwarto ko para kunin yung mga gamit ko pagkatapos ko tignan ang sarili ko sa salamin at icheck ulit yung laman ng bag ko ay bumaba na ko. Nagpaalam na kami kay Mama.

~~~~

Unang pinuntahan namin ay Manila Zoo bumili muna kami ng ticket. Habang bumibili ako ng ticket namin may tumapik sa likod ko at nakita ko si Lilith na may hawak na camera.

"Say, Hi Dam" ani nito habang nakatutok sa akin yung camera, ngumiti nalang ako tumalikod ulit para kunin yung camera habang siya nagsisimula na siya magdaldal sa harap ng camera.

𝘞𝘢𝘯𝘥𝘦𝘳𝘪𝘯𝘨: 𝘓𝘪𝘧𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘋𝘦𝘢𝘵𝘩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon