WANDERING:L&D - EPILOGUE

5 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa bahay kaharap ang umiiyak kong Ina. Dapat sa Sabado pa kami uuwi kaso tumawag si Mama dahil may natanggap daw itong letter at tinawagan niya ako 'nung makabalik kami sa Tree House galing sa Overnight bonding namin sa dalampasigan at pinapauwi ako nito narinig ko rin sa boses ni Mama ang galit at hikbi habang kinakausap ko siya sa telepono.

"Adam t-totoo ba i-itong na sa s-sulat?" tanong ng aking Ina habang humihikbi.

'Di ako makatingin kay Mama dahil hindi ko kaya makita siyang umiiyak, hindi na kakaya ng puso makita ang Ina kong umiiyak sa harapan ko.

"Adam sagutin mo ko!"

"O-opo" pinipigilan kong tumulo ang mga luhang nagbabadya.

"Ba-bakit hindi mo sinabi sa akin, A-anak?" lumuhod ito sa harapan ko at hinawakan ang mga baba ko upang itaas at iharap sa kanya.

"Hi-hindi ko rin po alam" hindi ko napigilan ang mga luha kong tumulo.

"H-hindi ko po talaga alam sinabi nalang sa akin na ilang buwan o araw nalang ako."

Niyakap ako ng mahigpit ng akin Ina at tuluyan na akong humagulgol sa bisig ng aking Ina.
Nasa ganung posisyon kami ng dumating ang dalawa ko pang kapatid. Lumapit ito sa amin at niyakap din ako ng mahigpit.

"Bu-bunso, ipapagamot ka namin" umiiyak na saad ni Kuya Jonas.

"Oo b-bunso aagapan natin yan gagaling ka pa" rinig ko paghikbi ni Ate Liv while softly patting my head.

Humiwalay ako sa pagyakap sa kanila at umiling.

"S-salamat Ate, Kuya at Mama pero ayaw ko po" saad ko habang pinupunasan ang mga luhang patuloy sa pag- agos.

"B-bakit naman anak?"

"Kahit naman po magpa gamot ako, mamatay pa rin po ako."

"Kahit na bunso we should still try it" hinawakan ni Ate yung mga kamay ko.

Umiling lang ulit ako.

"Kailan ka pa nagpunta ng ospital at hindi mo sinabi kay Mama agad ang tungkol dito" may pagka galit na saad ni Kuya.

Kasalukuyang nasa Ospital at hinihintay ni Adam ang resulta habang nakaupo siya sa opisina para sa isang huling konsultasyon, mabilis ang tibok ng puso niya at nanginginig ang mga kamay.

"So I reviewed your MRI and CT scan data with a group of hospital specialists. I would say, Adam, this is not what we expected." Sabi ng doctor pagkapasok nito at umupo sa swivel chair.

Nang marinig ang mga unang salita mula sa doktor, alam na ni Liv na hindi maganda ang mga susunod nitong sasabihin base sa katanggap tanggap na emosyon na nakita niya. Nanlamig ang mga kamay niya pero inaasahan niyang mali siya.

"Is it bad po ba, doc?" tanong ni Adam.

"It's quite difficult for me to tell someone anything like this pero sa kasamaang palad kailangan ko pa rin itong sabihin."

"Ano ba 'yun, doc?" kinakabahang tanong ni Adam.

"May cancer kaming nakita, Adam" malungkot na pagkasabi ng doctor.

Bumuntong hinga si Adam ng malalim at yumuko habang pilit na pinipigalan ang gustong kumawalang mga luha. Humawak siya sa dibdib niya dahil nararamdaman nanaman niya ang mga kinikimkim niyang sakit.

"Kailangan mo bumalik sa susunod na araw para pag-usapan ang mga gagawin natin. Bago pa ito lumala kung hindi I'm afraid you will only have a year or wost days to live" sabi ng doctor bago lumabas ng opisina, "Maiwan muna kita."

𝘞𝘢𝘯𝘥𝘦𝘳𝘪𝘯𝘨: 𝘓𝘪𝘧𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘋𝘦𝘢𝘵𝘩Where stories live. Discover now