CHAPTER 5

81 21 78
                                    

*DING*DONG*

Agad akong lumabas sa kwarto ko ng may marnig akong nagdoorbell,

"Baka yan na yung mga sinasabi ni zaxch"-sambit ko sa sarili ko,

Agad agad rin akong bumaba at inayos ang sarili bago buksan ang gate,

"Hello?Ikaw po ba yung sinasabi ni zaxch?"-Ngiting sambit ko,ngunit nagtatakang reaksyon niya sa mukha ang nakuha kong sagot,

"Hihingi lang po sana ako ng pagkain mam,nagugutom na po kasi ako kahit yung tira tira lang po ayos na"-ngiti ngunit malungkot na sabi niya,nakita ko naman na hinawakan nito ang tyan na,

"Halika,Pumasok ka dito may pagkain pa ko dito,"-ani ko,inalalayan ko siyang pumasok at pinaupo sa kusina habang kumukuha ng pagkain na natira kanina,

"S-salamat p-po m-mam"-Ani niya at dali daling kinuha ang mga pagkain na nasa mesa,

"Dahan dahan lang mabulunan ka"-nagaalala kong sambit sa kaniya

"P-pasensya n-na p-po i-ilang a-araw n-na k-kasi a-akong h-hindi k-kumakain"-Ani nito

"Ano bang pangalan mo?"-Tanong ko rito

"A-ako p-po s-si M-mier"-Sagot nito,at patuloy tuloy lang sa pagkain

Tiningnan ko ito ng kabuuhan,

Maputi,mahaba ang buhok,may itsura siya,

"Parang ambata mo pa ha,nasan ang mga magulang mo?anong ginagawa mo dito bakit palaboy laboy ka dito?baka mahuli ka ng guard"-sunod sunod kong tanong dito,agad naman itong napatigil sa kinakain niya at nakita kong umaagos ang luha niya

"P-pinalayas p-po a-ako"-Umiiyak niyang sambit

"Ha? Bakit naman?"-takang tanong ko rito

"D-dahil p-po d-dito"-Ani nito at hinawakan ang
tyan nito agad akong nagulat saking nalaman,

"B-buntis ka? Ilang taon ka na ba,bakit pinapabayaan ka lang,"-Agad akong lumapit dito at niyakap ito,

"Ate Wag po marumi na po ako"-ani nito at kumalas sa pagkayakap ko,nabigla naman ako sa inasal nito at dali daling tumakbo palabas ng bahay,hinabol ko iti dahil gusto ko humingi ng pasensya dahil baka natakot siya sa biglang asal ko,

"Hi mam ako po yung pinadala dito ni sir old"-Ani ng isang medyo may edad na pagkabukas ko ng gate,may kasama rin itong isang medyo maganda na bata pa parang kasing edad  baka anak niya ito,

"Pasensya na po pero may nakita ba kayong bata na babae na tumakbo palabas ng bahay?"-Tanong ko dito nagtinginan naman silang dalawa at umiling

"Wala po mam"-Sagot ng kasama niyang bata,

"Pasensya na po,Pasok po kayo,"-sambit ko at pinagbuksan sila ng gate,

Pinaupo ko sila sa table center at binigyan ng juice at pagkain

"Ako nga po pala si Nena,At ito si shanniela tawagin niyo nalang po siyang shan, "-Pagpapakilala ni aling nena agad naman akong ngumiti,

"Kayo lang po ba mag isa dito mam?"-Ani ni aling nena

"Hindi po,kasama ko po yung asaw- i mean kasama ko po dito si zaxch"-Ngiting sambit ko nakita ko naman na nag iba ang reaksyon ni shan at umiwas ng tingin

"Okay ka lang ba?"-nagaalalang tanong ko dito

"A-ayos lang po ako mam,Pagod lang po siguro sa byahe"-Ani nito,

Agad ko namang tinuro kung saan ang kwarto nila,Nahuling naglalakad si shan,at katabi ko naman si aling nena

"Bale magkahiwalay po kayo ng kwarto ni sir?"-Tanong ni aling nena

The Battered wife Where stories live. Discover now