Chapter 10

60 5 0
                                    

"Maaga pong umalis si zaxch nay?"Saad ko ng madatnan ko si nanay nena na nakaupo sa sala

"Ah,oo Nagmamadali nga eh"-Tugon nito,tumango nalang ako bilang sagot

Isang linggo na simula nung may mangyare samin,pero tuwing gigising ako wala siya,

Katulad ngayon may sasabihin sama ako sa kanya kaso wala na naman siya

Hindi kaya nagbago na siya dahil nakuha niya na ko?

Itatapon niya na ba ko?

Ilan lang yan sa mga katanungan ko,

Masyado rin kasi akong marupok at bumigay agad Sa taong hindi ko naman lubusang kilala,
.
.
.
.

"Nay,Ako na po nagtatapon ng basura"-Pilit na Masayang saad ko rito

"Hay naku Ianna si shan na niyan magpahinga ka na kanina ka pa kilos ng kilos"-Saad nito

"Ok lang naman po nay"-Saad ko,wala naman itong nagawa ng buhatin ko ang basura na nasa trash can at dinala sa labas,hindi ko sinasadya na makita ang batang babae na nakatayong nakatingin sa bahay,

"Pst! Ginagawa mo dyan?"-Tanong ko rito

"May pagkain po ba kayo? nagugutom na po kasi ako"-Saad nito

"Gusto mo pumasok ka sa bahay,May pagkain dun"-Ngiting saad ko

"Salamat po ate,Ikaw lang po ang mabait sakin dito "-Saad nito

Pinapasok ko naman siya sa loob ng bahay at dinala sa kusina kung saan naroon si nanay

"Upo ka dito,ipaghahain kita saglit lang"-sambit ko

"Oh iha may bisita ka pala"-Saad ni nanay nena

"Nakita ko po siya sa labas ng bahay,naguguton pinapasok ko po muna para kumain,"-saad ko habang nagsasandok ng pagkain,

Nagulat naman ako ng may bumagsak na pinggan sa likuran ko at agad akong humarap ng makitang tulala si nanay nena na nakatingin sa batang babae

"M-mier?"-Utal na saad na tawag ni nanay nena sa batang babae

"Kilala niyo po siya nay?"-Takang tanong ko

Agad naman niyakap ni nanay nena yung tinawag niyang mier at umiyak

"Jusko anong nangyare sayong bata ka!"-Saad nito habang umiiyak,umiiyak rin si mier

"P-pinalayas p-po a-ako n-ni m-mama"-Utal utal na saad ni mier

"Bakit naman gagawin sayo ni Kierra?"-Gulat na tanong ni nanay nena

"B-buntis p-po a-ako"-Saad nito na mas lalong ikinagulat ng matanda,

"S-sinong ama niyan? hindi ka ba pumunta sa ama niyan?"-Tanong muli ni nanay nena

"Hindi ko po siya kilala,"-Nakayukong sambit ng bata.

"Pakainin muna natin siya nay,baka gutom na gutom na siya"-Pagputol ko sa moment nilang dalawa

"Siya nga pala si Mam Ianna,

"Aalis po muna ako pala nay, Kayo po munang bahala dito sa bahay"-dagdag ko pa

Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil baka may pinaguusapan mahalaga ang dalawa ayoko naman makaabala dahil moment nila yun,at baka mailang sakin ang bata kung nandun ako.

"Salamat ianna ha!"-Saad nito

"Salamat po ate!"-Ngiting saad niya habang kumakain

"Ok lang po,dahan dahan ka lang sa pagkain mabulunan ka,alis na po ako,Magpakabusog ka Mier,"-Ngiting saad ko at kinuha ang bag
.
.
.

"San tayo mam?"-Saad ni tiklong ng paandarin niya ang kotse,

Napukaw naman ang tingin ko sa babaeng sumakay sa isang kotse kasama ang isang lalake,

"Sundan mo yung kotse na yun!"-Turong Saad ko rito alam kong nagulat siya sa sinabi ko pero sinunod niya pa rin ito,

"Kilala niyo po ba yun mam?"-tanong ni tiklong

"Hindi ko alam,pero parang"-Sagot ko,

After ng ilang minutong pagsunod sa kanila ay tumigil sila sa isang hospital at maya maya lang ay bumaba ang isang babaeng pamilyar sakin

Si Shan!

"Dito ka lang tiklong"-Saad ko

Hindi ko alam pero ang misteryosa kasi nitong babaeng to kaya nung makita ko siya kanina ay pinasundan ko ito,sumakay ito sa elevator,at pasinple akong sumakay hindi niya ko nahalata kasi marami kaming sumakay ng makita kong lumabas siya ng elevator ay lumabas na rin ako at nakita kong pumasok siya sa isang kwarto,

Pagkatapos ng ilang minuto paghihintay sa kaniyang lumabas sa kwarto na iyon ay lakas loob akong pumasok roon,

"Hello,May Schedule po ba kayo ngayon?"-Ngiting sambit ng babae

"Pwede po bang magtanong?"-Tanong ko

"Yes,Ano po yun?"-Sagot nito

"Ano pong ginagawa rito nung babaeng huling pumasok rito?"-Tanong ko

"Si Miss Shannel po? Kaano ano po kayo?"-Tanong nito

"Kaibigan niya ko"-sagot ko

"She's Three Weeks Pregnant Congratulations-"Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya ng biglang pumasok si shan na ikunagulat ko

"Naiwan ko yung bag ko,"-Saad nito at tumitig ng ilang segundo ito sakin ng pagtataka at dali daling umalis ng kwartong iyon.

"Pasensya na po,Salamat po"-Saad ko sa doctora at umalis ng room na iyon

"Shan sandali!"-Tawag ko rito ngunit para itong walang narinig at dali daling tumakbo papuntang elevator,

Bigo man akong mahabol siya pero sa bahay nalang siguro,
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Pupunta tayo sa office ni zaxch"-Ngiting sambit ko

Bumili ako ng pang dinner nito kasi sabi ni tiklong hindi raw to makakauwi dahil maraming gagawin sa office,

"B-baka wala po dun si sir,mam"-Saad nito

"Nandun yun,bakit may iba bang pinuluntahan yun"-Taas kilay kong sambit sa kaniya

"W-wala po hehehe"-Saad nitl at napakamot sa ulo

Naging matahimik rin ang byahe at di ko na pinasama si tiklong papuntang office ni zaxch dahil gusto ko itong supresahin,

Binati naman ako ng guard at binati ko rin ito ng pabalik,

Palakas ng palakas ang kaba sa dibib ko habang palapit ng palapit sa office ni zaxch,

Bago ko pa man mabuksan ang pinto ng office niya ay may mga boses na kong naririnig.

"N-nakita ko siya kanina sa oby,"-rinig kong boses ng babae

"And?"-Rinig kong boses ni zaxch

"Buntis siya Zaxch!! Malinaw na malinaw na narinig ko sinabi ng doctor na buntis siya"-Saad ng babae na nabobosesan ko ngunit baka nagkakamali lang ako

"I don't Care about her Shan,I Care for you and to our Soon Child,I'm just using her "-Saad nito

hindi ko alam kung shunga ako o gaga kasi baka hindi ako ang tinutukoy nito,

Hindi ko alam pero may kirot akong nararamdaman

"Paano pag nalaman to ng lolo mo?"-Rinig kong saad ni shan

"Why? Sasabihin mo?"-Ani naman ni zaxch

"Baka magsumbong siya"-Saad ni shan,

"She can't do that"-Saad nito

"Sabagay Tanga tanga rin kasi yung babae na yun,Uto uto na nga Gaga pa"-Rinig kong sambit ni shan

Gusto ko sana silang sugurin pero hindi ko magawa,umalis na lamang ako sa office ni zaxch at umuwi ng bahay ng makapasok ako sa kotse ay umiiyak na ko

"Bakit mam?"-Tanong ni tiklong

Ngunit hindi ko ito sinagot at patuloy sa pag iyak.

The Battered wife Where stories live. Discover now