Chapter 38

388 19 0
                                    

Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.


GABRIELLA

Time flies so fast, I only have a few days left before I fly to New York for work and also to spend holidays with my family.

Inaayos ko yung mga gamit na dadalhin ko specially yung mga cameras, lenses, and other equipments that I'm always using. Miss ko na din yung laloves ko, ilang araw na kaming hindi nagkikita because she's too busy with University work then add mo pa yung mga ibang activities niya. Nung mga nakaraang linggo naman ay pinupuntahan ko siya pero sobrang hirap umagaw ng time sa mga ginagawa niya. If hindi masiyado busy, we will have quick lunch lang tapos she'll resume sa work niya. Pag busy, she'll find time kahit mga 10 minutes, saglit na usap lang, pag swerte naman is I get to spend the night with her, tamang sleep over lang.

Me
have u eaten lunch?
do you want me to bring you food?

Mahal💖
no need na love

Me
It's been a week since the last time we saw each other
Lets have a date bago ako umalis. Ok?

Mahal💖
I know 😫
try ko matapos dito ng maaga, so we can at least have dinner tonight.

I don't want to sound like a clingy girlfriend kasi first of all she's not yet my girl. Ayoko naman mag demand from her, I respect her time, privacy, and her work.

Napa buntong hininga nalang ako at ihinagis ang phone ko sa table. Habang busy pa rin ako kakaayos ay bigla naman may nag doorbell. Baka dumating na yung parcel na inorder ko, hindi pa ako nakakalakad ay tumunog na naman ito ulit and hindi pa nakuntento dahil nagsimula na itong kumatok. Grabe nagmamadali ba siya? What if bigyan ko siya ng 1 star rating?

"Wait po!" Sigaw ko, padabog na akong tumakbo papunta sa pintuan at saka binuksan ito.

"Miss me?" Nanlaki ang mga mata ko kung sino ang bumungad sa akin pagbukas ko ng pintuan. Ang babaeng miss na miss ko na at ilang araw ko ng hinahanap hanap ay naandito sa harapan ko mismo.

"Nia!!" Sigaw ko at saka siya niyakap ng mahigpit. 10 minutes ago ka chat ko lang siya tapos ngayon nasa bisig ko na. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Sa sobrang happy ko pinaulanan ko yung mukha niya ng madaming kiss.

"okay, okay..." Humiwalay na siya pero nanatili pa din akong nakahawak sa bewang niya. "How about we go inside, no?" Hinila ko na siya papasok.

"medyo messy lang now, love. I'm arranging my things kasi." Pag eexplain ko. "Akala ko nasa work ka pa e, ka chat lang kita kanina ah."

I saw her pouted. Cutie. "Hindi mo ko miss?"

"Nope." Pagbibiro ko. Siguro halata naman kanina na super miss ko na siya. Pinisil niya naman bigla ang ilong ko. Lagi niyang ginagawa sa'kin 'to, I'll miss this pag umalis na ako. Humiwalay na siya sa akin at dumiretso sa studio room.

"Dadalhin mo 'tong mga cameras mo?" Napansin niya siguro na inaayos ko na yung ibang equipments ko.

"Hindi lahat. What time did you leave work?"

"Nasa biyahe na ko nung ka-chat mo ko." Nakangisi niyang sagot sa akin.

"Ay, I told you no texting while driving." Lagi kong pinapaala sa kanya 'to. Kahit pa na professional driver siya ay delikado pa din.

"Naka red light nung nag message ako sa'yo noh!" Defensive niyang sagot. "Bet ko talaga 'tong home studio mo." I saw her looking at my portfolios, nandoon ang pictures ko and other models na kinukuhanan ko din.

Fate (gxg /complete)Where stories live. Discover now