Chapter 1 (New Student)

5 0 0
                                    

SAPPHIRE's POV:

Tumakbo na kami ni Jonjon papuntang school. New student lang kasi kami eh. Madaling madali kami kasi baka ma-late pa kami sa first class. Ewan ko sabi dito sa Magical Paper na hawak ko eh 7:30 daw ang simula ng class namin. Eh anung oras na?! 7:45?!

"Konting bilis pa Jonjon! Konti nalang!" Sigaw ko kay Jonjon, best-friend ko. Hingal na hingal siya kasi ang layo pa ng tinatakbo namin.

Andito na kami sa harap ng isang pinto, pumasok kami tapos meron dun yung parang glass na salamin? Dinikit namin yung palm namin dun tapos bumukas na yung salamin. May portal na doon. Nakalagay dito sa Magical Paper kung pano makapasok eh.

"KYAAAAHHHH!!!!"


Grabe yung portal. Sobrang nakakahilo! Dapat masanay dito ang mga estudyante eh! (>.<) Grabe!

Nabagsak nalang kami sa madamong lugar. Tumayo kami ni Jonjon and guess what? It's a big WOW!

Sobrang ganda ng lugar eh. Tapos merong mga estudyante siguro hindi sila New student kasi sanay na sila sa pagpapakitang-gilas ng mga magics nila. Ang gaganda talaga. Meron pa nga sayaw na sayaw yung babae eh sabay naka-buo siya ng isang Cherry Tree. Ang galing!

Nag-lakad kami ni Jonjon papunta sa office. Sinusundan lang kasi namin yung nasa mapa. Ang galing nga eh, naka-lagay sa mapa yung dalawang maliit na bilog means kami yun, tapos kumikinang yun at kapag gumalaw kami, siyempre gagalaw rin yung bilog. Malalaman talaga namin kung saan yung office.

*tok tok tok*

Kumatok kami ni Jonjon sa may office para i-confirm na kami yung New Students.

"Pasok." Dinig namin mula sa loob. Bumukas ng kusa yung pinto na medyo may kumikinang sa doorknob. Ang astig naman nito. Sobrang wide ng pagkabukas ng pinto kaya kitang kita namin kung sino yung nasa table. Siyempre yung Principal.

Sa tabi ng table ng Principal merong bench dun, may naka-upong dalawang lalaki. Eh? Siguro napagalitan sila. Mukhang galit yung mukha eh. Nevermind of that, binigay na namin sa Principal yung MAGICAL Birth certificate namin. Oo may sarili kaming birth certificate, pang magic at pang real.

"Ah, so new students? Ang room niyo ay sa B-15." Sabi samin ng Principal. B-15? Nu yun? Meron bang A-Z na room dito? At 1-20 na room? Ay, itech.

"Don't worry, pwede ka namang i-tour ng dalawang palakol na ito. Xander and Chris, please tour them." Sabi ng Principal. Tumingin naman ng masama yung isang lalaki sa Principal sabay tumayo. Ang bad naman niya. Hindi nirerespect yung Principal.

"Thank you po." Sabi namin ni Jonjon. Lumabas na kami ng office, sinusundan lang namin yung dalawang lalaki. Tumigil yung isa tapos inabot niya ang kamay niya sa harap ko.

"Hello, I'm Chris. Musta?" Pagpapakilala niya sakin. Nakipag-shake hands naman ako.

"Sapphire. Pwede mo akong tawaging Saph." Sabi ko naman ng inabot ko ang kamay niya. Tumingin siya kay Jonjon at nakipag-kilala.

Hindi parin umiimik yung isa. So siya si Xander? Ah okay. Alam ko na rin naman. Obvious naman diba? Nagpakilala yung Chris, so it means yung isa si Xander. Parang ang weird ng itsura nung Xander, walang expression. Hihi. (^_^)V

Patuloy lang kami sa pag-lakad. Inexplain sakin ni Chris na ang B sa B-15 ay yung Building B. Meron daw kasing Building A, B, at C. Tapos lahat daw ng building merong class na 1-20. Madalas daw lahat ng late enrollment ay napupunta sa dulo. Medyo late kami kaya bandang gitna kami. Ngayun alam ko na.

Nakarating na kami sa class B-15. At ang magandang balita, kaklase namin si Chris. Ang cute niya kasi para siyang bata. Kasali daw siya sa Element Rocks na banda. Hindi niya na inexplain kung anu yun basta nagmamayabang siya na sikat daw sila sa school.

Academy Magical School Where stories live. Discover now