Chapter 3(Princess Bully and Secret Admirer )

3 0 0
                                    

SAPPHIRE's POV:


Sabay na kaming pumasok ni Jonjon sa school. Naabutan ko pa nga si Nana eh kaya pinakilala ko siya kay Jonjon. Kaklase ko pala siya, nandun siya sa likod ko? Sabay-sabay na kaming nag-lakad papuntang classroom.


"Anu nga palang Magic mo?" Tanung ko kay Nana.

"Dancing." Sagot niya.

"Talaga?!"

"Yup. Merong akong libro na may mga foot steps ng dancing pati mga hand steps. Kunyari ang balak kong gawin is gumawa ng palaka, edi hahanapin ko sa librong yun kung pano yung step tapos magagawa ko na."

"ANG GALING!!" Sabi ko tapos pumapalakpak pa ko.

"Pakitaan mo kami mamaya ah?" Sabi ni Jonjon.

"OO BA!"

Nakarating na kami ng classroom, yung mga kaklase ko ang sama ng tingin sakin.

Eh? May bulaklak dun sa upuan ko eh. Tiyaka chocolates.

"Sino kaya ang nag-bigay sakanya niyan? For sure isang nerd. Wahhaa!"

"Siyempre naman noh. Bagay kaya sila ni Enrique."

Sino naman yun?

Kinuha ko yung bulaklak at may letter pa sa loob.

" Hi Dear Sapphire, I hope

this gift made you smile today,

-Love, your Secret Admirer "

Eh? Bat parang kinikilig ako. Kaso baka naman inuuto lang ako nito.

"Kanino daw galing Sapot?" Tanung ni Jonjon.

"Secret Admirer daw eh."

"Ayieee.. Wala pang 1 week may Secret Admirer na!" Pang-aasar pa sakin ni Nana. Eto talaga! pala-asar rin eh.

Biglang may humablot ng bulaklak at pinagtatapak-tapakan at pinagpupunit-punit. O_O Sino naman 'to?!? Isang babaeng halatang ugaling bruhilda lang naman.

Nag-tawanan yung mga kaklase namin.

"Ayan lang naman po ang nababagay sa bulaklak mo! Obvious naman na si ENRIQUE ang nag-bigay sayo niyan eh! Bagay kayo nung NERD na yun! HAHAHA! Ang pangit niya sobra! Bagay kayo! And actually, galing pa sa CHEAP na STORE ang bulaklak na yan ah!" Sabi nung babaeng matangkad, maganda, maputi, mukang matalino, kaso yung ugali. Warak na.

Pinulot ko yung natirang pieces ng bulaklak na to.

"H-hindi mo dapat ginawa yun! M-mahal parin to. Dapat pinapahalagahan mo yung binibigay sayo nung tao!" Reklamo ko sakanya.

"Nakuha mo pang mag-reklamo?!? Eh kung ikaw kaya ang isawsaw ko sa barbecue! BAHO!"

Nagtawanan ulit ang mga kaklase namin.

"HOY! SUMOSOBRA KA NG BABAE KA HA! SINO KA BA PARA GANYANIN SIYA HA?!?" Sigaw ni Jonjon sakanya.

"Eh bakit sino ka ba? Best-friend niya? NAKO! Look, everybody! LOVE TRIANGLE! Two nerds and one ugly-duckling! And, pakisabi nga sa mga to kung sino ako!"

"PRINCESS MiA."

PRINCESS? Kailangan ba talaga ng school na to ang mga ganyan?!?

Biglang nag-hiyawan yung mga babae kasi dumating na yung Xander NILA. Anu ba naman yan.

"What's happening here?" Tanung ng masungit na Xander.

"Oh prince." nanlalambing na lumapit si so-called-princess-Mia kay Xander, "My prince please help me! Inaway ako nila oh. Silang dalawa. The nerd and the duck."

ANO?!? PAKAPALAN NG MUKHA?!?

"WALA SILANG GINAGAWA HA! IKAW LANG ANG GUMAWA NG KATARANTADUHAN JAN! KINUHA LANG NAMAN NI SAPH YUNG BULAKLAK TAPOS HINABLOT MO NA AT INAPAK-APAKAN!" Biglaang sigaw ni Nana. Sure ka ikaw si Nana?

"LOOK! THEY'RE FIGHTING ME! MY PRINCE, PLEASE SAVE ME!" Pagiinarte nanaman nung masamang bruhilda.

Lumapit ng may masamang tingin sakin si Xander. Inches nalang ang layo ng mukha namin kaya naman lumayo ako ng konti. Ang sama parin ng tingin niya sakin.

Bakit ako ang sinisisi ng lahat?

"Don't you dare touching my girlfriend." Bigla niyang sabi at hinila niya si Mia palabas ng room. So kasalanan ko pa ngayun?!? GANUN?!?

"SO KASALANAN KO PA GANON?!?" Hindi ko napigilang sumigaw. Kaya naman bumalik sa harapan ko si Mia at Xander. Oh bakit?

"New student ka palang diba? Gusto mo nang mabigyan agad ng Detention? Nasa rule nang school ang bawal sagut-sagutin at awayin ang Princess at ang Prince!" Sigaw sakin ni Xander.

Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko silang pagbabatuhin ng mga itlog na hilaw.

Gusto ko silang sabunutan.

Ang sama naman ng school na to.

Umiiyak nanaman ako.

Pinaupo nalang ako ni Jonjon at Nana. Inihiga ko nalang ang ulo at braso ko sa desk ko.

I'm too much stressed.

Napaka-sama ng mga tao dito.

Hindi ko akalain na ganyan pala sila.

Grabe sila, walang AWA.

Walang pakundangan.

Walang modo.

Walang natirang bait sa ugali.

Walang katapusang pang-aaway.

lahat sila WALANG WALA.

Ang naririnig ko lang puro tawanan ng mga kaklase ko.

Ganyan sila kasama?

GEESH.

Academy Magical School Where stories live. Discover now